palaisipan..


Inaantok ako, hinihila na ng kama ang katawan ko

Pero sa kasamaang palad, andito ako sa opis at nagtatrabaho, (iyak-tawa)

Bangag na bangag, may tatlong buwan na din akong panggabi..

Kanina maingay ung department naming tapos siguro naubusan ng mapagkukwentuhan kaya tumahimik.

Payapa na ang lahat nang biglang pukawin an gaming diwa ng isang palaisipang binigay ng taga-kabilang department..(halatang inaantok din siya at nababagot)

Taga-kabilang department: Manggugulo lang ako, A man waks in the tavern then ask the bartender for a glass of water. The bartender pointed a gun into the man and the man said thanks.

Wala akong ideya kung ano ang sagot. Siguro dahil sobrang bangag ako at hindi na tumatakbo ang makinarya ng utak ko.

Tinanong nung taga kabilang department ung isang makulit samin. Sabi niya bading daw ung lalakeng humihingi ng tubig.

Sabi nung nagtanong, ang berde daw ng utak nung isang taga samin. Pero naisip ko may point siya, hehe, kung berde nga ang utak mo, un ung iiisipin mo.

Tapos sabi niya, 1 word ung sagot sa English tapos 2 words pag Tagalog.

Gusto kong malaman ung sagot kaso wala naman siyang pinagbigyan ng sagot ni isa samin ngayon.

Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa trabaho. Iniisip ko pa din ung tamang sagot. Sabi nya kasi, ililibre daw niya ung makakasagot ng tama, sakto, nagugutom na ako, hehehe

signature2

2 thoughts on “palaisipan..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s