dalawang taon
sa kasalukuyan ay may isangdaan at limampu’t isang blog post na ako
mayroon din akong isang-libo at tatlumpu’t walong komento
mayroon din akong sampung-libo’t limandaang spam na komento
at may dalawampung aktibong subscribers
at 5 digits na traffic sa aking blog site (wink)
sa lahat ng ito, maraming salamat po,
salamat sa paminsan-minsa’y pagdaan nyo at pag-iiwan ng komento sa aking blog.
salamat din sa dalawampung subscribers (kilala nyo na kung sino kayo at sobra ang pasasalamat ko sa inyo, hehe)
sa mga comments spammer, salamat na din
at lalo na sa WordPress dahil sa libreng blog na ito, sana sa susunod libre na din ang sariling domain (wahaha, asa)
hindi ko namalayang dalawang taon na pala ang the odd one out.

Oo. Dalawang taon ng kulitan, ng kasiyahan, ng dramahan, ng wala lang.
Dalawang taon. Pucha, ganun kabilis ang panahon, haha


happy birthday blog. malapit na din sa akin. haha.
haha, salamat! tama!at dahil dyan, advance habertdey kay blog mo ^^
Pingback: 1 week late na year end wrap-up « the odd one out :