Bahay ni Rizal


Ang ilalahad ko ngayong araw na ito ay ang pagbisita namin ng bunso kong kapatid sa bahay ng pambansang bayani nating is Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Naganap ang pagbisitang ito noong ika-28 ng Mayo pero ngayon lang sinipag ang inyong lingkod kaya ngayon niyo lang ito makikita. Nung una, alangan pa kaming pumasok kasi hindi namin alam kung may bayad pa o wala pero pumasok na din kami makaraang magtanong sa guwardiya at masiguradong walang bayad. Tara nang pumasok sa loob ng bahay ni Pepe!Pero bago mo masiyasat ang bahay ng mga Rizal, dapat lumagda ka muna sa listahan ng mga panauhin. Pagkatapos mong pumirma, pwede mo nang ikutin ang humble home ni Gat Rizal! Pagpasok pa lang makakakita ka na ng iba’t ibang kathang-larawan na nagsasalaysay kung paano lumaki at nabuhay si Pepe. May mga nakita din kaming guhit na likha nya. Naisipan na naming umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila Pepe. Pag-akyat namin, madami din kaming nakita (malamang lang, hehe) nakita namin ang hapag-kainan ng pamilyang Rizal. nakita rin namin ang kusina at mga imbakan ng pagkain!

at nakita rin namin ang isa sa kanilang mga silid. Kung susulitin mo ang kabuuan ng bahay pati kagamitan nila Pepe, masasabi mong ang kanilang mag-anak ay isang de buena familia. Hindi man sobrang mayaman subalit masasabing may kaya. Pagkatapos ng pag-iikot namin sa kanilang bahay, lumabas na kami sa may terasa at may nakita akong mukang pangkuha ng tubig sa balon at ito ay kinuhanan ko ng larawan.

Pagkatapos ay bumaba na kami sa may hagdan at nag-ikot sa kanilang bakuran at nakita namin ang estatwa ng maliit na si Pepe pati ang bahay-kubo na malimit nilang paglaruan nung sila’y bata pa.

Pagkatapos naming libutin ang bakuran nila Pepe, tiningnan naman namin ung mala-museong gusali/silid (basta un na un) na nasa loob din ng bakuran nila. Meron kaming nakitang pinaliit na beryson ng bahay nila.

May nakita din kaming mga mala-koleksyon ng mga produkto at likhang-guhit ng ating kapwa-Pilipino.

At syempre, nakita din namin ang mga iba’t ibang estatwa, larawan, at poster (anu bang tagalog ng poster?) ni Rizal kaya sinulit namin ang pagpapakuha ng larawan kasama ng mga yun!

Sa dami ng nabasa at nakita ko sa bahay ni Pepe para ko na din siyang nakilala ng personal. Pero syempre, nanatili pa din ang misteryo ng kanyang pagkatao dahil sabi nga sa Ingles “it takes a lifetime to know a person” at sa kaso ko, hindi ko na siya makikilala ng husto dahil matagal na siyang pumanaw.

hanggang sa muli!

****

dagdag impormasyon:

  • Ang Rizal Shrine ay matatagpuan sa Calamba, Laguna
  • Bukas ito ng Martes hanggang Linggo maliban sa Lunes mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon
  • Ang pagkuha ng larawan sa personal na gamit ay malugod na inaanyayahan
  • Para sa komersyal na layunin, makipag-ugnayan sa tauhan ng Dambana ni Rizal

About these ads

20 thoughts on “Bahay ni Rizal

  1. hi, aubu.

    mga 25 years ago pa ata ako nanggaling dyaan, ahaha! medyo upbeat na pala ang itsura ngayon. :)

    teka, pahiram ako ng second pic pag natuloy ang gagawin kong post tungkol sa banggerahan (traditional sink), ha?

    hindi naman late ang posting mo, three mos. pa lang ang nakakaraan, ahaha. di pa expired. :-) saka, ang gaganda ng kuha nyo. dslr ang gamit nyo? :)

    • hehe, medyo modern na nga po itsura, natatandaan ko nung elementarya ako nagpunta din ata kami dito pero malabo na ung memorya ko tungkol dito.

      wow, banggerahan? ngayon ko lang po narinig ung salitang yan, buti na lang may nakaparenthesis na translation, hehe, sige lang po, pwedend pwede nyong hiramin ung pic na gusto nyo,

      salamat sa pagpuri ng kuha, hehe, point and shoot na kodak po gamit namin :)

  2. sa wakas nablog mo ito, eh kelan naman kaya yung pagpunta natin sa national museum? wala kasi akong letrato nun eh. hehe.

    gusto ko din pumunta dito, samahan mo ako kapag gusto ko ng pumunta sa haybol ni rizal ah. :)

    • ahm, kung LB ka galing sakay ka ng pacalamba crossing na jeep (ang alam ko may ruta na LB paCalamba crossing and vice versa.), baba kayo ng crossing tapos sumakay kayo ng tricycle dun sabihin mo bahay ni Rizal. sana makarating kayo ng maayos, hehe. (hindi ako magaling magbigay ng direksyon eh) :)

  3. Hinahanap ko yong malaking pamaypay na nakabitin sa itaas ng hapag kainan nina Rizal. Sa pagkakatanda ko wayback 1973 pa kasi may malaking pamaypay na hinihila hila pag sila ay kumakain…iyon siguro ang electic fan nila noon. Siguro mga 2/3rd m. by 1-1/4 m. na rectangle….masyado akon g natuwa doon kaya hanggang ngayon naalala ko pa…

  4. Hindi ko matandaan kung sa ano gawa ang pamaypay pero duda ako sa kiniskis na manipis na kawayan. Ang isa pang natandaan ko ay ang pamosong balon.
    Ang nagbabantay noon ay isa matandang babaeng maputi na sabi nya’y kaanak pa s’ya ni Rizal. Ito ang sagot nya sa tanong ng aking nasirang ama na nagtour sa akin sa calamba

  5. hi,
    magandang umaga po pupunta po kami dyan ng aking mga kagrupo para mag shoot para sa aming proyekto ano po ba ang aming dapat gawain?at paano po ang papunta dyan? kami ay mag gagaling pa sa marikina
    salamat po sa sagot

    • naku, sorry ngayon lang kasi ako nakapaglog-in ulit sa account ko, kung sa marikina kayo manggagaling, sa cubao na lang kayo sumakay ng paCalamba, ung Sta. Cruz na byahe ung sakyan nyo tapos bumaba kayo ng Crossing tapos sakay kayo ng tricycle sabihin nyo bahay ni Rizal, alam na nila yun, salamat sa pagdaan! ^^

      • tanong ko po kung pede po ba gmitin namin ang bahay ni rizal para kumuha ng ilang scene na gagayahn namin sa movie ni rizal bali ang ggwin po nmin ay hindi lang po picture,salamat po

        • ang alam ko pwede pero kailangan nyo muna humingi ng permiso. hindi ko lang alam kung saan hihingi, nung pumunta kasi kami ng utol ko dun may nagshoshooting din,

    • sakay ka ng bus pacubao, tapos may bus station dun puro byaheng paLaguna, ung Sta. Cruz na byahe ung sakyan nyo tapos bumaba kayo ng Crossing tapos sakay kayo ng tricycle sabihin nyo bahay ni Rizal, alam na nila yun, salamat sa pagdaan! ^^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s