so damned proud of myself


kakagaling ko lang sa 2 araw na pahinga

at ang masasabi ko lang proud na proud ako sa sarili ko kasi

pumetiks lang ako sa bahay sa loob ng 2 araw,

walang gala at walang gastos maliban sa pagkain

at masasabi ko na kahit sa bahay lang ako,

naging makabuluhan ung 2 araw na rest day ko sa trabaho

kahit paano, nalinis at naiayos ko ng onti ang napakagulo kong buhay

araw ng sabado

- maaga ako nagising, nagwalis ako ng sahig ng apartment namin

- namalengke ako para sa breakfast namin ni ate ching (hotdog at itlog)

- nagprito ako ng hotdog at scrambled egg at nagsangag

breakfast ala aubu (paalala: haggardness pa ako sa picture kasi hindi pa ako naliligo, haha, maga pati mata ko)

- habang nagpprito ng hotdog, nakalimutan ko hawakan ung kalasag ko kaya napaso ako

ebidensya ng kasipagan magluto (haha)

- hindi sinasadyang after ko magprito pagkatingin ko sa mantika, may hugis puso na nabuo , hehe

puso sa mantika

cute nuh? hehe

the rest of my Saturday was spent watching anime (Initial D at Fruits basket) haha

- nung kinagabihan, nagmaganda ulit ako magluto at dahil namimiss ko na si Tina (exhousemate sa bahay ni tito) ay nagluto ako ng adobong kangkong

charan!

mukang adobong tokwa na sinahugan ng kangkong (haha)

sinaing ni aubu :)

after namin pagsaluhan ni AJ ung niluto ko, balik nuod ng anime (haha)

araw ng linggo

- sabay kami ni jojoy na umattend ng worship service

- dahil ako lang mag-isa ang kakain ng agahan, minabuti kong bumili ng palabok sa may kanto at un ung inupakan ko

- pagkatapos nun, naglaba na ako

damit ko :P

- dahil proud ako masyado sa nilabhan kong damit ay naisipan kong magpapicture kasama nito.

peace out!

- the rest of my day was spent watching anime (na naman, haha)

- pero nung kinagabihan, nagpunta ako sa computer shop na malapit sami pero hindi ako tumagal kasi ang ingay ng mga batang nagccounter at nagdodota

-pag-uwi, nagluto si haw ng imbento niyang pizza mula sa pandesal na hinimay tapos century tuna flakes, nilagyan nya ng scrambled egg, ung finished product lasang pancake, hehe (peace hawie)

- after nun, naglaro na ako ng games sa NDSI ko tapos inayos ung mga pakalat-kalat na papel sa kwarto namin ni te ching :)

galing ko nuh? (pero sa totoo lang kaya ako napatambay sa bahay kasi wala akong pera, haha, buti na lang may sweldo na)

signature2