wala yan sa tagal…


“Ang kapal ng mukha mo!Ipagpapalit mo na lang din ako, sa babae pang mukhang paa. Hindi ka na nahiya sakin!” Mukha bang narinig nyo na ang litanyang ito sa isang pelikula? Puwes! Nagkakamali kayo! Dialogue ito ng ate Evic ko nung inaway niya ang boypren nyang itago na lang natin sa code name na “Kuya D” dahil sa pangangaliwa nito. Tatlo o apat na taon ang itinagal ng kanilang pagmamahalan na nauwi lang sa hiwalayan.

Hindi ko personal na kakilala ung babaeng inaway ni ate pero siguro naman hindi talaga mukhang paa ung babae dahil wala pa naman akong nakitang tao na paa ung mukha. Pero taong medyo hugis paa ung mukha meron..

Ayun nga, Naikwento ito ng ate in between laughters and giggles. Nakakatawa na ung topic na halos iyakin nya dati tinatawanan na lang nya ngaun. Dati pa naman na kasing pintasera ang ate pero kasi maganda naman siya talaga (parang justifiable un eh noh).

Hindi ko nga din alam kung bakit nakuha pang mangaliwa ni kuya D also known as Gloc9 (tawag namin yun sa kanya ng bunso kong kapatid dati). Pang-asar diba. Hindi ko maintindihan kung bakit madaming lalake ang hindi makuntento sa isang babae.

Buti na lang andyan si kuya M, ang make-up artist ni ate este bestfriend ng ate kong maganda. Alam nyo bang sila ang nagkatuluyan at ikinasal? May pamangkin na akong 2 years old ngaun at sya ang bunga ng pangangaliwa ni kuya D este sya ang bunga ng pagmamahalan nila Kuya M at ate Evic. Kung panung nabuo ang pagmamahalan nila ay hindi ko na ikkwento dahil pagod na ako. Basta 6 na buwan lang sila nagging magboypren at girlpren at nagpakasal na sila. Astig diba.

Sabi ni Ming wala yan sa tagal asa performance. Yun yun. Pero madami din akong kakilala na ganyan ang kwento. 3 taon, 5 taon, 7 taon pero lahat ng taong yun nauwi sa bula. Nakakalungkot isipin na ung mga taong pinagsaluhan nila tinangay lang ng ihip ng hangin.

Pero siguro ganun talaga ang buhay noh? Iikot ang mundo, gagabi ng madaming-madaming beses subalit aaraw din naman ng madaming madaming beses. Alam mong yun ang mangyayari ngunit hindi mo pa din alam kung ung taong pinag-aalayan mo ng puso at panahon sa kasalukuyan ay syang tao ding makakasama mo sa hinaharap. Ang wirdo talaga.

3 thoughts on “wala yan sa tagal…

  1. naglalambingnacute says:

    o naman wala sa tagal yan!!!

    buti naman at happy na si ate mo now…

    talagang lahat ng bagyo lumilipas..

    natawa ako dun sa babaeng mukhang paa hahaha

    minsan kasi sobra din ako makapintas toinks!

    pero sa sobrang galit mo lang yun para siguro mailabas lang ang itinatagong ngitngit haha😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s