Ang Kagilagilalas na Paggapang sa Pader..


 

tara na at gumapang

tara na at gumapang

Ika-30 ng Hulyo, 2009…

Ito ang araw ng TeamBuilding namin sa Caliraya, Quezon..

Ito rin ang araw na una kong sinubukan ang Wall Climbing..

Tatlong oras ata mahigit ang ibinyahe namin papuntang Caliraya..

Pero pagkatapos ng matagal ng paghihintay..Voila..Nakarating din kami..

Wall Climbing, Mudslide at ung pagsakay ko sa Zipline ang pinakagusto kong activities ng Amazing Quest namin..

Pero dahil ang pamagat ng akda ko ay “Ang Kagilagilalas na Paggapang sa Pader” ay ung tungkol sa Wall Climbing ang ichichika ko..

Habang kinakabitan ako ng harness ni manong (hindi ko naitanong ung pangalan nya), parang gusto kong sumigaw ng “taym pers kuya, hindi pa ready ang beauty ni aubiri-sama”..

Pero wala eh..hindi ko naisagawa ang agaw eksena kong script dahil natagpuan ko na lng ang sarili kong ginagapang ang matarik na pader na yaon..

Hanep na yan..habang umaakyat ako, parang iniistretch ang buong katawan, pagkatao ko at kaluluwa..panu ba naman..maliliit ung hawakan pati ung tapakan..tapos ung pagitan ng hawakang bato dun sa susunod mong hahawakan ang laki..buti sana kung mahaba ung biyas ko nuh..eh nung nagsabog ng katangkaran ang Poong Maykapal, mahimbing ang tulog ko..tapos biglang umulan..pag inaabot ka nga naman ng kamalasan..

Subalit sabi nga nila, sa hinaba-haba ng reklamo ko, sa tuktok pa din ang derecho ko..hehe…

Halimaw..

Nung andun na ako sa top, ang sarap sa pakiramdam, fulfilling..little did I know ay hindi pa tapos ang kalbaryo ko..syempre kung umakyat ako syempre bababa din..

Eh pagbaba eh mala spiderman pla dapat, hawak sa lubid tapos sipa sa pader tapos ibababa ni manong ung lubid paunti-unti..(now playing killing me softly)..nakakalula pababa..gusto kong sumuka kaso walang laman sikmura ko tsaka dyahe..naubos ata energy ko sa nerve wracking Wall Climbing na yan..

I therefore conclude na masayang tunay ang Wall Climbing..uulitin ko sya ulit pag nagkaoras at chance ako..(akalain mo un, sa dami ng reklamo ko sa paggapang, uulit pa)😉

One thought on “Ang Kagilagilalas na Paggapang sa Pader..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s