Usapang Kamatayan


“Paano kaya kapag namatay ako, aabot ba ako sa bottom part ng tubig sa may Guadalupe?” sabi ng housemate kong si AJ. Curious kasi siya sa body of water na nadadaanan nya sa bandang Guadalupe.

Sabi ko naman, “Pwede yun tol, basta ba magkakabit ka ng bakal na pabigat sa binti mo, hehe”..

Tawanan..

Sabi ni Maida, ang pangit daw ng itsura mo kapag namatay ka sa tubig. “Bloated ka, tapos pag iniscrape ung balat mo, matatanggal”, un ung natatandaan kong sinabi nya..

Sabi ko, “yay, ayokong mamatay sa tubig kung ganun”..

Makalipas ang ilang saglit, pumailanglang ang boses ni Zsa Zsa Padilla sa kantang “Di Kita Malilimutan” (nanonood kasi kami ng Requiem Mass ni late president Cory Aquino).

Kinilabutan kaming lahat. Ang hindi namin maintindihan ay kung bakit hindi pwedeng hindi mawala ang kantang nabanggit sa mga misa ng patay.

Mabigat kasi ang dating ng kantang yaon para samin. Parang “in your face” na expression. Parang ito na un. Parang muka mo. Dead end na. Fin. Wakas. Wala nang kasunod. Asa ka pang babangon ang mahal mo sa buhay na namayapa na sa kabaong para magsabi sayo ng “I’m back”.

May naikwento si ate Ching. Sabi nya nung isang beses na asa Panggasinan siya kasama ng ilang katrabaho, may parang procession ata sa may kalsada dun sa saliw ng kantang “This is the moment”. Kagyat nilang inusisa kung anung meron. Aun. May patay pala na ihahatid na sa kanyang huling hantungan. Astig diba. “This is the moment, my final call”, kinanta ko un sa isip ko. Alam ko karaniwan ung kinakanta sa mga singing contest ng mga nagcchampion.

Naisip ko tuloy ung kantang gusto kong tugtugin sa burol ko. Parang trip ko din ung “This is the moment”..hehe..hanep, parang nanalo lang ako sa singing contest..

Pero pwede ring “Aubrey” ng The Bread para medyo serious. Kaso corny. Gusto ko masaya ang mga tao sa burol at libing ko. Ung tipong mapayapa na masaya. Basta, mahirap ipaliwanag..hehe

Sabi ni Tina, “Tol, kung gusto mo ng masaya, edi Happy Birthday na lang, hahaha”. Sabagay pwede din, tapos dapat may cake tapos party hat, lahat nakablue kasi peyborit ko un..hahaha

Teka, teka, teka, don’t get me wrong, wala pa sa plano ko ang mamatay. Bata pa ako at madaming pangarap sa buhay tulad ng magpayaman at sumikat..haha..kaso minsan hindi ko mapigilang isipin kung hanggang kelan na lang ako dito sa mundo lalo pa’t may ilan akong kakilala na iniisip din un..oha oha..yan ang tinatawag na peer pressure..

Si Kris na pala ang magbibigay ng Eulogy nya sa mama nya. Sa totoo lang, ayaw ko sa kanya, malamang wala syang pakialam dun kasi hindi nya ako kilala. At malamang wala din syang pakialam if ever kilala nya ako. Pero habang dinedeliver nya ung message nya para sa mama nya, hind ko napigilang maiyak. Hindi ko alam kung senti lang talaga ako o magaling lang syang magtalumpati. Pero kasi naramdaman ko ung grief nya habang nagsasalita sa harap ng madlang pipol. Sobrang sakit kaya nun. At isipin ko pa lang na mawawalan ako ng mahal sa buhay, feeling ko ikakamatay ko na.

Ganun lang siguro talaga ang buhay. Ngayon, mamaya, mamayang gabi, bukas, bukas makalawa, sino bang makakapagsabi kong hanggang kelan na lang sila dito? Pare-pareho lang naman tayong istranghero dito sa mundo. Do I hear Hitler talking?

death

2 thoughts on “Usapang Kamatayan

  1. narsmanang says:

    at least may napala ka palang mga words of wisdom kay hitler.😛

    ako i like kris dunno why, may be because many people do not like her. hehe.. lagi kasi akong kampi sa underdog at kawawa.😛

  2. aubu22 says:

    hahaha..ganun talaga?trip ko si kris dati nung lumaon ayaw ko na sa kanya..dami ba taong ayaw sa kanya?feeling ko naman lahat ng tao sa paligid ko feel na feel sya..hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s