I fell for the first time, for the second time and for the nth time..


I fell for the first time, for the second time and for the Nth time.

 

Bago pa man maglayag ang isipan nyo sa kung saang dako..

Uunahan ko na kayo..

This blog post is not about love..

Umagang umaga, inunahan ako ng kalampahan ko at kamuntikanang mahulog sa hagdan..

Hindi ko na matandaan kung ilang beses na akong nadulas sa sahig, natapilok sa kalsada, at nahulog sa hagdan.

Siguro lampa nga ako, pero huwag nyo akong hahamunin dahil mabilis akong tumakbo.

 

Reminiscing elementary days..

Pagkagaling ng school derecho tindahan, gabi na kami lagi umuuwi nun nila mama.

Isang gabi nakipaghabulan ako kay kuya bok (nakatatanda kong kapatid na lalake), nakarating kami ng overpass, habulan pa din, dahil madilim nadulas ako at nahulog ng paupo sa may hagdanan ng overpass sa manggahan.

Kahit masakit na ang puwet ko at balakang, poise pa din kasi aasarin ako lalo ni kuya at panigurado papagalitan kami nila mama..tiis tiis, sabi ko sa sarili ko, balang araw..

 

Reminiscing High school days..

1st year high school

Namimili kami nila mama kasama nila mama, ate, kuya at JL sa SM Fairview, nagpunta kami ng national para bumili ng school supplies..mahilig akong magpadulas sa makintab na sahig ng Nationa kasama ng kapatid kong bunso na si JL..

Habang abala sila mama, nakipagpustahan sakin si JL (bunso kong kapatid) kung sino ang mas magaling magpadulas..syempre, uurong ba naman ako, pride ko ang nakataya dito kaya aun..

Ready get set go! Sigaw naming pareho..Nauna ako kay JL pumreno na xa kasi babangga sa pile of notebooks, eh nagmamagaling ako kaya aun, wham!derederecho ako..buti na lang walang babasagin kundi yari ako kay mama..kahit masakit binti ko at braso, poise pa din..kasi alam kong ang sasabihin ni mama ay “ikaw kasi”..hehe

 

Reminiscing College days..

1st year college.

Pauwi na kami nila Tina, Jhelore, Tel, Ming at Richard..

Dapit hapon na un..nakanaks..dapit hapon..basta aun..maghahapon na..excited na kami umuwi..

Chismax habang pababa ng hagdan then all of a sudden, slow motion, nadulas na pala ako..narinig ko si ming, san si Aubz?ndi nila alam asa sahig ako, natutulog este nadapa, nahulog ako sa hagdan.

Butas ang stockings, Duguan ang tuhod. Si Richard na nag-iisang lalakeng kasama namin nung time na un, ang reaction lang “ Ay, nahulog ka?” As if it’s not obvious..ngani-ngani ko syang batukan..iika ako umuwi ng bahay..sabi ni mama, “kawawa naman ang anak ko, nahulog na naman”, in all fairness, nagbago ang litanya ni mama..hehe

3rd year College..

Umuulan, pauwi ako nun sa ate ko sa Laguna…excited ako kasi sabi nya ipagluluto nya ako pagdating, (miss na miss ko nun ang lutong-bahay kasi sa boarding house, noodles sa umaga, sa tanghali at sa gabi, isa akong taong noodles).dala ang duffle bag ko, sinugod ko ang malakas na ulan..sa hindi sinasadyang pagkakataon, nadulas na naman ako, nahulog sa hagdan ng overpass sa Philcoa 7pm na gabi sa araw na hindi ko na tinandaan..gasgas sa braso at pasa sa binti ang inabot ko..hindo alam kung abala lahat ng tao or nagmamadali silang lahat umuwi kaya wala man lang isang tumulong sakin..may jinx ata ako ng araw na un..

hindi lang ilang beses ako nadapa, nadulas, natapilok at nahulog sa hagdan..

kalampahan?pwede..pero kasi malalim ako lagi mag-isip, karaniwan absent-minded..

yeah..alibis..haha..

4 thoughts on “I fell for the first time, for the second time and for the nth time..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s