Ode to the Elders


Isang umaga sa araw ng aking kapanganakan

Isang tawag ang aking natanggap

Tawag ng pagbati mula sa aking mahal na tiya

“Happy birthday Bonchie!” natatandaan kong bungad nya

Pasasalamat ang aking nasambit, sa namimiss kong tiya Anita

“Anong plano mo ngayong araw?” tanong ng aking tiya

“Papasyal po kami nila Roy, Auntie”, ani ko

Isang matagal na patlang ang pumagitna sa aming usapan

Ang inyong lingkod ay nagtaka, lowbat kaya si tita?

O di kaya wala nang signal ang celeponong gamit nya?

Kapagdaka’y narinig kong nagsalita si Auntie Anita

“Ano? Papakasal?” wika ng aking auntie

Kamuntikan na akong mahulog sa hagdan

nang mapagtanto ko ang kanyang tinuran

Dinig pala sa Pasyal ay Kasal

Sabagay, kung inyong bibigkasin

Magkatunog nga naman ang 2 salita

Pero haler, sa edad kong bente-dos, ako’y papakasal?

Ako ay papasyal muna at maglalayag mundo

Bago ko pasukin ang paglagay sa magulo

kaya ang Ode to the Elders ay alay ko sa inyo,

Kay mama at auntie nita at sa iba pang elders na kabado

Bata pa ako at kulang sa karanasan

Hindi ko pa kayang maging ilaw ng tahanan

Bagama’t ako ay “in a relationship” kung turan,

Hindi pa ako lalagay sa gulo sa kasalukuyan

Kaya mga elders wag masyadong kabado

Masama na puro kape ang iniinom nyo

Try nyo minsan magjuice or H2O

Dahil kung ikakasal na ako,

Kayo ang unang makakaalam at siguradong imbitado kayo:-D

One thought on “Ode to the Elders

  1. Auntie Nita says:

    Hi Bonchie,

    Natatawa ako pag naalala ko yong pinagusapan nating noong birthday mo:). Ay tumatanda na ako at iba ang naririnig. He,he,he. Salamat sa paggawa mo ng tula para sa amin.

    Love,
    Auntie Nita

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s