nakakamiss..


Nagising ako ng ng eksaktong 11:54 ng umaga, este tanghali.

5 messages received and 1 miscall ang nakaregister sa celepono ko nung una ko itong tingnan.

Nagtext ang SM phone at tinatanung ako kung pwedeng mag-early in ng 10 am, nagreply naman ako at sabi ko pasensya na po at kakagising ko lang, sabi ng SM phone, okay na daw. Ligtas.

Binuksan ko ang laptop ni ate ching, una kong napansin ang college pix folder ko sa memo stick ko.

Tiningnan ko ang mga college pix namin. Almost 2 years na pala ang lumipas mula ng grumadweyt kami.

Madami akong tropa nung college, may Flyffers tropa/Simpleng Barkada Guild, may superduper friends tropa, Thursday group tropa, Saturday group tropa, Nakakalurking Drynezzz tropa, at syempre ang walang kamatayan at matatag na KB tropa.

Pero take note, I was never a social butterfly. Extrovert ako pero may sapak sa ulo. Hindi mo ako makakusap ng matino karaniwan, mabagal magprocess ang utak at isip-bata. Pero sa kabila ng lahat ng ito, ung mga kaibigan ko sa iba’t ibang tropa na kinabilangan ko ay tinanggap ako ng buong buo. At dahil dyan, mahal na mahal ko silang lahat.

At namimiss ko na silang tunay. Kaso, subukan ko mang magset ng lakad ng tropa, hindi nagmimeet ang aming mga schedule. Daig pa ata nung iba ang mga celebrity sa pagigign hectic ang sked. Nakakaloka.

Buti na lng may celepono at kompyuter, text dito, comment at messaging sa FB at FS ang means of communication namin sa isa’t isa. Pero mas okay na ito kesa wala diba.

Hay. Namimiss ko na talaga sila. Halos magdadalawang taon na ata ako sa trabaho, pero hindi ko pa rin maramdaman na “I belong”. Don’t get me wrong. Mababait naman ang mga tao sa workplace ko. Kaya nga tumagal ako dito. Pero wala ung sense of fulfillment ko dito. Siguro dahil hindi talaga ito ang propesyong nararapat sa akin. Di bale, balang araw, makakamit (naks, lalim) ko din ang belongingness na na hinahanap ko. Think positive, wag kang aayaw. Ajah!

Mabalik tayo. Namimiss ko na silang talaga, at dahil reminiscing mode ang lola niyo, wala kong magawa kundi tingna paulit ulit ang mga pictures namin.

Flyffers :)

Flyffers🙂

Flyffers ulit. :)

Flyffers ulit.🙂

Super Duper Friends :)

Super Duper Friends🙂

Super Duper Friends ulit :)

Super Duper Friends ulit🙂

Laban ka? hehe :)

Laban ka? hehe🙂

Kumpleto na ang Super Duper Friends! ;)

Kumpleto na ang Super Duper Friends!😉

Ang Thursday group :)

Ang Thursday group🙂

fly high kuya soy!!

fly high kuya soy!!

The Thursday group girls :) Oha, oha,

The Thursday group girls🙂 Oha, oha,

The Thursday group guys. ;) (mga bata sa unang baitang)

The Thursday group guys.😉 (mga bata sa unang baitang)

tamang pag-eemote ng TG :)

tamang pag-eemote ng TG🙂

Saturday group ;)

Saturday group😉

kami ulit!

kami ulit!

where's the driver??

where's the driver??

Ice cream, you like? :)

Ice cream, you like?🙂

Supermodel of Saturday Group ;)

Supermodel of Saturday Group😉

nakakalurking drynezz g1 :P

nakakalurking drynezz g1😛

Lurky Group @ Jabi :)

Lurky Group @ Jabi🙂

Lurky Group a.k.a Pamilya Zaragoza >:)

Lurky Group a.k.a Pamilya Zaragoza >:)

Smile KB's ;)

Smile KB's😉

KB (rhea, virax, maida, ming at aubz) :)

KB (rhea, virax, maida, ming at aubz)🙂

The KingKong Barbies :)

The KingKong Barbies🙂

KB ulit! (aubz, rhea at ming)

KB ulit! (aubz, rhea at ming)

KB habang-buhay :P

KB habang-buhay😛

Ayan..

Natapos din sa wakas ang pag-popost ko ng pictures..

Madaming-madami pa kaming pictures pero aabutin ako ang siyam-siyam pag pinost ko lahat..

At kahit madaming-madami na kaming pictures, feeling ko kulang pa din un..

Hinding hindi nito mapupunan ang kalungkutan at pagkamiss ko sa kanila..

hehe..

Our steps will definitely lead us to some place. Only God knows where.

Pero sigurado ako, sa bawat hakbang, tapak, takbo, jogging, running, swimming, at kung anu-ano pa, kasama ko ang mga kaibigan ko san man ako mapunta. I may not be with them at my whim but their hearts and spirits will be with me forever.🙂 (sobrang cheezy but true)😛

5 thoughts on “nakakamiss..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s