chubibo


inaantok

kama

pamilya

pichay

tv

cable

computer

uwian

4:00

tacloban

Dole

Batman

Mama

Hitler

Gamot

pag-ibig

boypren

trabaho

sawa

higa

pera

bahay

anime

naruto

puso

Ito ang mga salitang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko.

Inaantok ako. Yan ang sigurado. Dahil pagkaupo ko pa lang sa station ko, inaantok ako at kama na kagad ang hanap ng katawan ko.

Pamilya, naisip ko sila bigla. Kelan kaya magkakaron ng katuparan ang mga pangarap nila para sa akin. Naalala ko tuloy si Pichay. Tutuparin ko ang mga pangarap nyo.

TV. Sana may Cable kami. Para mas madaming mapapanuod. More distractions. Tsk,tsk,tsk.

Computer. Kaharap ko 5-6 days a week, 8-10 hours a day. Minsan, pati sa panaginip, nagccomputer ako. Nagflyff or nagbabasa ng onemanga.

Uwian. Sana uwian na. Nang ako ay makapagpahinga ng bonggang bongga.

4:00. Ting. Time’s up. Uwian na.

Tacloban. My mother’s hometown. Recently ko lang nalaman na kakilala ng auntie ko ung regional director chuva ng isang hospital. Baka daw gusto ko nang magtrabaho bilang nurse sa province. She’ll definitely help.

Dole. Ito ang balak naming aplayan nila maida bukas. Kung anung probinsya ang ilalagay ko sa application form. Bahala na si Batman.

Mama. Ang pinakamamahal kong tao sa mundo. Nagtext siya kagabi. Sinususugan ang nurse job na sinasabi ni auntie. Sabi ko pag-iisipan ko. Sabi nya, okay anak kong maganda. Gudnyt.

Hitler. Kasalukuyang may sakit daw. Dahilan kung bakit ayaw ko sa Tacloban magstay longer than 1 month.

Gamot. Kailangan ko. Gamot sa dysmenorrhea kasi meron ako. Gamot sa utak. Kasi napapapraning ako. Sana may gamot din sa sugat na hindi naghihilom. Edi sana high na high na ako.

Pag-ibig. Ang dahilan ng kasiyahan at kalungkutan ng tao. Love will keep us alive ang drama. Pero kaya ba nitong punan ang kumakalam na sikmura ng bayan?

Boypren. May boypren ako, mahal ko at mahal din nya ako. Hindi ko alam kung san ang aming tungo sa magulong sanlibutang ito.

Trabaho. Call Center Agent. Marangal. Hindi ka nang-aargabyado ng kung sino. Pero sa trabahong ito bakit wala akong kasiyahang matamo?

Sawa. Pagod. Umay. Nararamdaman ko sa kasalukuyan. Nakakatakot dahil hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng ganitong pakiramdam.

Higa. Nais kong matulog at magpahinga. Nahahapo na ang aking katawang lupa. Mapanglaw na ang pananaw.

Pera. Root of all evil. Pero bakit ako nagtatrabaho para kumita ng pera? Simple. Para mabuhay.

Bahay. Bahay na bato. Bahay-kubo. May maliwanag at madilim. Malaki at maliit. Batayan ng estado sa buhay.

Anime. Isang imahinasyon. Pantasya. Kung saan lahat posible. Gusto ko ang Naruto. Nakakarelate sa personalidad na kinatha ng gumawa nito. Ako si Naruto, Sasuke, Gaara, Sakura, Tsunade, Kakashi, Neji, mga Hokage, at lahat ng Ninja. Ako ang mga bida at kontrabida.

Puso. Simbolo ng buhay at pag-asa. Patuloy sa pagtibok at hindi napapagod. Sana ganyan ako. Matatag at hindi sumasakay sa pesteng chubibo na patuloy umiinog at umiikot.
signature2

9 thoughts on “chubibo

  1. Akrebley says:

    @Gamot: uyy, feeling Gaara!! Adik!! Hahaha!

    @Pag-ibig: definitely cannot suffice hunger.

    @Boypren: wag mo kasi irelate sa sanlibutan para mas madali. hehehe..

    @Trabaho: baka irate lagi ang customers mo.

    @Sawa: baka malapit ka na magkaroon ng high blood.

    @Higa: malamang graveyard shift ka.

    @Naruto: di puwedeng ikaw ang lahat!!! dahil ako si “Shino”!!!! sakim ka!! inangkin mo lahat!!! go forth my kikaichu bugs!! Ninpo: Bug Globe (talagang may attack pa yan, walang halong galit)

    • aubu22 says:

      @Gamot: cute kaya si gaara, bleh😛
      @Boypren: emo nga eh, hahaha
      @Trabaho: hindi naman maxadu
      @Sawa: lowblood siguro
      @Higa: morning shift tapos graveyard next wek
      @Naruto: syempre, peyborit ko silang lahat eh, hahaha.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s