Aplay-aplayan..


Ika-21 ng Septyembre, 2009

Nagtext si Rhea Marie ng gabi.

RM: aubu, tuloy tau bukas?
AB: uu, kitakits.
AB: get-up mu nga pla?
RM: semi formal. Kaw?
AB: ganun din, hehe
RM: nung oras? Kaw magdecide. 
AB: 10? Ng umaga? San?
RM: cge. Sa may sm bicutan
AB: okidokies kitakits 2m 

Ika-22 ng Septyembre, 2009

Alas-syete y media ng umaga, umarangkada na ang alarm kong turboule sa cellphone. Masama man ang loob kong bumangon dahil inaantok ako, bumangon pa din ako. Hindi pwedeng pumetiks.

Plano naming magsubmit ng resume sa malapit na hospital dito. Nagtatalo ang isip ko kung tutuloy ba ako o matutulog na lang. Naalala ko si Rhea Marie, yari ako kapag inindyan ko sya.

Naligo na ako at nagbihis nang maalala ko na wala akong hardcopy ng resume ko. Nakasave nga pala ang resume ko sa memory stick. Ay gudlak naman sakin, buti sana kung pwede kong sabihin sa hospital, “Pwede pong pakicopy paste na lang ung resume ko dyan sa files nyo? Sayang naman po kasi ang paprint ng resume, kung sa shredder ang bagsak nun, kakawa naman ang mga puno na ginagawang papel.” Malamang, sasabihin ko pa lang ung linya ko, sasabihin na sakin “Freeze hiring eh”.

No avail. Rumampa ako sa kalsada ng champaca at niraid ang mga computer shop para makapagpaprint ng resume, kaso minalas, mukhang nag-usap usap ang mga pesteng printer at sabay-sabay na nasira. Kapag minalas ka nga naman.

Nagtext ako kay Rhea ng mga 9:15 am, sabi ko hindi ko pa napapaprint ung resume ko at baka sa SM na lang ako magpaprint, sabi nya “Bagalan mo muna, nagbibihis pa lang ako. Ayus! Ligtas. Kala ko late na naman ako.

Sumakay na ako ng tryke at nagmadali kasi nga late na din. May nakita akong computer shop sa malapit sa terminal at sakto!Ayus ang printer nila, Un nga lang, imbes na tipikal na short bond paper ung pinagprintan ng resume ko, A4 size na bond paper ung ginamit. Gusto ko man maging choosy, hindi pwede. Kaya aun. Naprint na din sa wakas ang aking resume.

Sumakay ako ng jeep. Onti tao. Sakto. Dun ako sa tabi ng manong drayber tumabi dahil muka naman syang harmless. Andar. Tigil. Andar. Tigil. Tigil. Tigil. Andar ng onti. Tigil. Tigil. Tigil. Tigil. Pusa. When it rains, it pours. Si manong drayber, nainip ata, may dumaang yosi vendor, aun, humithit. Inalok ang lola na nasa likod ko, nanay nya pala yon. Eh game si lola, nagjamming sila sa yosi. Pusa ulit. Umagang umaga, pang-asar. Daig ko pa ang nagyosi sa dami ng usok ng sigarilyong nalanghap ko. Wala pa dyan ang usok galing sa tambucho ng trak na katabi ng jip na sinasakyan ko.

After what seemed like an eternity, dumating din ako sa SM Bicutan. Ang alas-dyes na usapan, naging alas-onse. Buti na lang, hindi badtrip si Rhea Marie. Wahu! Tumugtog na ang Voltes 5 theme sa utak ko.

First Stop: South Super Highway Medical Center

Sumakay kami ng pabicutan na jeep. Sabi ni Rhea sa driver, sa hospital po along the highway. Sabi ni manong, aprub. Tapos, huminto ang manong, napahilamos sa mukha sabay sabi, “ Ay, naku, sorry, nalagpas ko kayo, pero dibale pwede nyo naman lakarin pabalik”. Hinayupak na buhay yan, Mainit, mausok, maalikabok ang tinahak naming daan ni Rhea pero narating din namin ang hospital. Nagtungo kami kagad sa information center ng hospital at nag-inquire, sabi mag-iwan na lang ng resume tapos tatawagan. Aun. Sibat kagad kami,

Next Stop: Parañaque Medical Center.

Pagdating namin, nainis kagad kami kasi may ambulansya kagad na humarang samin na parang nang-aasar. Ung tipong tatawid kami tapos aamba sya na aandar tapos pag nag-antay kami, aantay din sya. Alam mu yun, pang-asar talaga. Derecho ulit kami sa Information center, at sabi punta daw kami sa Administrative chuva, tapos nung nagpunta kami dun, punta naman daw kami ulit sa Personnel chuva. Nakarating din kami dun, tapos sabi freeze hiring daw, sa November pa daw. Nagtanong kami kung pwedeng mag-iwan ng resume sabi saying lang daw baka makaligtaan, balik na lang kami. No can do, at dahil wala kaming naaccomplish sa nasabing hospital, nagtour na lang kami. Hehe, bahala sila. Hindi kalakihan ang hospital pero maayos naman.

Last Stop: Air Force General Hospital

Maganda ang lugar ng hospital na ito. Andun sya sa may Villamor Airbase. Maayos at malinis. Kaso dito ako nabwisit ng bonggang bongga. Pinagpasa-pasahan kami at sa banding huli, sa January na pala ulit sila tumatanggap ng applicants. Dahil nabwisit na din kami, kumain muna kami ni Rhea at naikwento din nya sakin ang secret nila ni maida (hahaha, alam ko na din).

Pagkatapos naming kumain, naisip naming lubus-lubusin ang tour. Pinuntahan namin ung mga Aircraft model at nagpicture taking. Hehe.

Sa Villamor Airbase :)

Sa Villamor Airbase🙂

Si Rhea Marie :)

Si Rhea Marie🙂

si ako :P

si ako😛

Si Rhea Marie ulit :)

Si Rhea Marie ulit🙂

Aerospace Museum :)

Aerospace Museum🙂

Ang malaking eroplano at si Rhea Marie :)

Ang malaking eroplano at si Rhea Marie🙂

perslady bumababa ng eroplano (hahaha)

perslady bumababa ng eroplano (hahaha)

Rock on! :)

Rock on!🙂

aubu sa machine gun (tama ba?)

aubu sa machine gun (tama ba?)

Rhea sa tabi ng machine gun din (hehe) :)

Rhea sa tabi ng machine gun din (hehe)🙂

Rhea at Aubz :)

Rhea at Aubz🙂

Nakakapagod, nakakafrustrate pero sa kabuuan, masaya naman ung over-all-trip namin ni Rhea. Sa uulitin! 
signature2

4 thoughts on “Aplay-aplayan..

  1. narsmanang says:

    uu nga pala nakapunta ka na sa clark air base kasama si auntie at uncle mo no? uhm, naks naman. at least nakapag-apply na, less sermon kay rhea, experience sa inyong dalawa. hehe…

    wag maxado mabadtrip tol, wahahaha… aus lang yan.😀

    good luck naman sa atin… wahahaha….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s