Rain, rain, go away..


Rain, rain, go away, come again, another day.
Rain, rain, go away, come again, another day.
(repeat from the beginning)

rain, rain, go away..

rain, rain, go away..

Ito ang kantang paulit ulit kong kinakanta nung bata pa ako kapag umuulan tapos gusto kong umaraw.Hindi pa uso ang sun dance nun kapag gusto nyong umaraw. Walang kamatayang pagkanta ng rain rain go away. Patibayan.

Laking baha ako. Sanggol pa lang ata ako, binabaha na ung bahay namin. Kaya no big deal ang mga baha na nakikita ko kapag umuulan. Ang pinakagrabeng baha na naranasan ko sa bahay namin sa QC dati ay hanggang dibdib nila ate evic. Laro lang lang ang paglilimas ng tubig-baha para sa akin. Nauubos naming 5 magkakapatid ung tubig baha sa kakalimas mula 7am-11am. Para maaliw, kunwari, nagtitinda kami ng champurado or lugaw, at dahil kami ni JL ung bata, kami ung taga takal. hehe

Sa ngayon, ung nakatira sa bahay namin sa QC ay ung pangalawa kong ate. Alam kong binabaha pa din ung bahay kapag umuulan ng malakas pero hindi na gaya ng dati. Akala ko lang pala un.

Kamakailan lang, nanalasa ang bagyong Ondoy. Nag-iwan ng malaking pinsala sa mahigit 30 probinsya at lungsod sa Pilipinas. Pati din pala kina ate ko. Grabe. Nung tumawag ako sa kanila, hanggang leeg na daw ung tubig. Buti na lang at mababait ung kapit-bahay namin at tinulungan sila ate. Naku, 4 ung anak niya at maliliit pa. Gustuhin ko mang pumunta dun nung mga panahong un, wala naman akong speed boat, at kung natuloy man ako, malamang, isa ako sa daan-daan or libo libong taong nastranded sa kung saan.

Isa pang magandang (tama ba?) halimbawa ng taong naapektuhan ng bagyo at baha ay si maida-sama. Grabe siya. Astig to the end power. Alam niyo ba, nilakad niya mula sa taft avenue mrt station hanggang taguig, makauwi lang. Sounds terrific but true! Ang kaso lang, dahil sa sobrang pagod sa paglalakad (2 oras ka ba naman maglakad with matching baha at bagyo, ewan ko na lang kung ndi ka mapagod), hindi siya nakapasok kinagabihan.

Isa pang kagilagilalas na pangyayari nung may bagyo ay ung ginawa ng mga katrabaho ko, ung 2 sa morning shift nung araw na un ay nagtriple shift. Yes. Triple shift. 9 hours per shift samin. 3 times 9 is equal to 27 hours. Lagpas 1 araw silang gising. At nagttrabaho.

May isa pang tao ang hindi ko kinaya ang drive sa pagpasok sa trabaho. Adik sa lahat ng adik. Dapat bigyan siya ng award. Sinuong nya ng buong tapang ang ulan. Take note. Taga montalban siya. At ayon sa napanuod ko sa TV, baha dun ng halimaw. Kasi ganito yan. Night shift siya nung sabado. Tapos aun nga, sinugod nya ung ulan, sumampa sa dump truck makarating lang ng buendia (wala kasing masakyan at kung meron man, tirik sa kalsada). At hindi pa dyan natapos yan, pagkadating nya sa buendia, naglakad pa siya, mula buendia to RCBC. After 48 years, nakarating siya sa 14th floor at ikinwento sa mga kadepartment namin ang experience nya. At ikinwento din nya ulit samin kaso kashift ko siya ngaun.🙂

Grabe talaga ung bagyong Ondoy. Nakapagtala siya ng bagong record na 42.4 cm rain over 12 hour period against Typhoon Rosing’s record na 33.4 cm of rainfall over a 24-hour period. Mantakin mo naman, sa loob lang ng 12 oras, bumaha ng bonggang bongga sa iba’t ibang lugar sa Luzon. Tinalo nya pa ang Typhoon Rosing noong June 1967 na kinailangan ng 24 oras para magawa ang pagbahang nabanggit (Ito ay ayon sa wikipedia, kwento ng kaibigan at dala ng panunuod ng tv). Sinasabing 80% ng Metro Manila ay underwater dahil sa pananalasa ng bagyong dumaan.

Pero sabi nga, kahit gaano kalakas ang bagyo, aaraw at aaraw din, at lalabas ang haring araw at karaniwang kasama ang kanyang alalay na si bahaghari.

Pinoy ako. Pinoy ka. Pinoy tayong lahat. Kundi man sa balat ung iba, sa puso naman iisa. Pinanganak tayong malakas, masayahin at flexible (anu nga bang tagalog nito). Isa tayong kawayan na hanginin, bagyuhin, o bahain man, mananatiling naninindigan. Yumuyuko, OO. Gumegewang, OO. Pero mananatiling lumalaban.

Mabuhay!

Teka, san pala napunta ang action plan ng National Disaster Coordinating Council na pinagmamalaki ni Pareng Gibo? Ba’t sa tv, wala siyang ibang nasabi kundi “Wag magpanic”?

Gusto ko happy ending ang post pero wala eh, sabihin na lang nating bittersweet ending. Maladark chocolate at kapeng barakong walang asukal. naku. tama na nga. bangag lang ako.

Rain, rain, go away.
Come again another day.
Little Children wants to play.

signature2

4 thoughts on “Rain, rain, go away..

    • aubu22 says:

      may bagyo nga daw na parating eh, naku, either magpatubo na tayo ng hasang para nakakahinga na tayo sa tubig or gumawa tayu ng modern version ng noah’s ark.hehe

  1. narsmanang says:

    inuuto lang kayo ng mga kapatid niyo kaya kayo yung tagatakal, wahahaha… wawa talaga pag bunso. nako nako, time to shine nga di ba dapat ni gibo ngayon? time to disappear ata xa eh, mas visible pa yung ibang tao kesa sa kanya. tsk tsk.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s