may issue siya, may issue ako, may issue tayong lahat..


Nitong mga nakaraang araw, palaging sumasakit ang ulo ko.
hindi ko alam kung dahil pala-isip ako ng mga bagay na kaisip-isip o nakakabobo lang talaga ung trabaho ko ngayon kaya puro hangin na laman ng utak ko kaya sumasakit ito. (kabag sa ulo?) naku, masama na ito.

recently, dahil sa bagyong ondoy, nabalitaan ko ung shout out ni jackie bermejo (agaw-eksena, alam kung paano magpakilala,ung nga lang sablay ung entrada kaya tuloy dumami ng biglaan ang mga fans nya.

Sabi niya according sa isang nabasa ko, “Buti n lng am hir in Dubai!maybe so many sinners bak der! so yeah deserving wat hapend!”..sumakit ulit ulo ko, pati puso, grabe siya. Alam ko namang everyone is entitled to his/her own opinion. Malaya kang tao, pero dapat alam mo kung paano gamitin ang karapatang iyon. Hindi dapat nawawalan ng respeto sa kapwa tao. Mantakin mo, Pilipino din siya, tapos ganun. Hindi nya ba naisip ung mga nawalan ng minamahal. Anung klase bang puso meron siya? Grabe diba. Siguro madami lang siyang issues sa buhay. Gaya mo, gaya ko, gaya nating lahat. Pero syempre, it won’t give any justice sa ginawa niya.

Isa pang kumurot (naks kumurot) sa puso ko ay using isang shout out sa twitter ng isang hilaw na koreana, si ugly yubin, sabi nya “i hope it keeps raining and die in floods like those filipino Monkeys,aba,kung kaharap ko ang isang ito, baka sabihin,sino kaya ang mas mukang monkey sa atin. Sapakan na lang, panigurado, tutumba 2, halimaw ba naman siya sa kaputlaan at kanipisan. Kaainit ng dugo. Siguro, isa pa itong may issue sa buhay. Kainis.

Puro issue, nakakainis, pero hindi naman tayo yumayaman sa nga issue na yan. Pero minsan, masayang sumawsaw.

Bigla ko tuloy naalala. (teka, diba puro hangin na nga lang laman ng utak ko?) so many memories.

Halimbawa na lang, may issue ako sa trabaho, ako lang nakakaalam, (feeling ko lang un) Nawawalan na ako ng gana (ganang magtrabaho, at pumasok) Nakakapagod. Kumikita ka pero wala pa rin namang nangyayari sa buhay mo. Isang kahig, isang tuka. Naalala ko na naman ang mga linya ng tatay kong si hitler. “You’re living from your head to foot” un ata un, or from hand to mouth? basta parang ganun. Issue na naman?

Investments. Ilang beses ako pinagsabihan nila ate at tita at mama na dapat maging wise ako sa pera. Dapat nag-iinvest ako. Sa 17 or 18 months na atang pagtttrabaho ko, anu ang napala ko? Nakabili ako ng solong electric fan, cellphone, damit, pants, shoes, slippers, undies, hankies, jackets, shades, eyeglass, bedframe, foam, bags and silver accessories. Nakapagbyahe sa baguio, palawan, tacloban, EK, bulacan, at starcity. Yan ang mga investments ko. Nakabili din ako ng aso, nakapag-aral ng French language sa UP, nakapagtraining ng IV therapy, nakapagpagregister ng PRC license, nabuhay kong mag-isa ang sarili ko sa loob ng halos 18 months nang hindi humihingi kahit piso sa magulang ko, (except sa libreng load na bigay ni mama paminsan-minsan)hehe..Ang hindi lang nila maintindihan, bakit hindi ako nakakaipon. Nako. Sabi ni ate oya, magastos daw ako. Aba, try nya kaya minsan makipagpalit ng kalagayan sa akin (bitter?), issue na naman.

Dahil graveyard at walang boss, at onti ang ginagawa ko, wala kong ginawa kundi makipagchat sa kashift ko. Aalis na pala siya. Sabagay, last time nya pa sinabi sakin. Sabi ko sasama ako, kahit sa maleta lang. Pupunta na siyang Maldives. Sarap. Hinanap ko sa wiki at sa google ung Maldives. Isang maliit na isla sa tabi ng Sri Lanka at India (un ung natatandaan ko). Ang ganda, parang paraiso. Sabagay, kung magppromote ka nga naman ng turismo sa bansa mo, syempre ung maganda sa paningin at hindi masakit sa mata ang ilalagay mo. Hayst, iiwan na nya kami. Wag mo kami kakalimutan ha. May FB at FS. Pag gusto mong after 48 years ung communication, pwede din snail mail.

Dahil nainspire ako sa kanya. Naisip kong magsurf at magsearch ng bonggang bongga related sa health and medicine. May mga nakita naman ako. Kaso, pusang-galang experience. Lagi na lang. Another issue. Anu bang inieexpect ng mga hospital na yan. Pagkagraduate ng isang estudyante, may experience na? What the heck. Kailangan ko na talaga ng experience. Tapos kailangan pa ng certificate na ganito na ganyan. Hahayst. 4 na taong ginugol sa eskwelahan, 2 years dun halos tumira na kami sa hospital, hindi pa ba un sapat? grrr….

Inaantok na ako. As in.

May issue sa sarili. May issue sa pamilya. May issue sa trabaho. May issue sa baranggay. May issue sa lungsod. May issue sa rehiyon. May issue sa Bansa. May issue sa buong mundo.

Sabi may darating na bagyo na naman. Abangan, ang mga eeksena at mga bibong bibida.

signature2

14 thoughts on “may issue siya, may issue ako, may issue tayong lahat..

  1. Akrebley says:

    Kung investments ang paguusapan, mahirap talaga yan dahil mahal ang mag invest lalo na kung house and lot or condo man lang.

    Mukhang inaalat talaga kayo sa paghahanap ng work as a Nurse a. Basta don’t lose hope, maraming website diyan na puwedeng aplayan (ang tagal kapag walk in application ang gagawin lagi masyadong time consuming)

  2. narsmanang says:

    sinong pupunta ng maldives? naks naman. alam mo bang gusto ko rin dun? parang bahamas at palau. maliit na isla pero mukhang paraiso. nice nice.

    wish ko lang talaga, makapagwork na tayo na may fulfillment. dati nung student nurse pa lang tayo, nakakasatisfy di ba kapag nakapagassist ka ng isang madugong operation. nakapagbigay ng injection at gamot. nakapagmingle sa mga pasyente at bantay at may natutulungang makapagpagaling. sarap sa pakiramdam na hindi natin naramdaman sa work na ito.

    mas madami ka pa ring investments at gala kesa sa akin. alam mo naman ang issues ko. hindi ko na i-enumerate kasi baka maging blog entry ko na ito sa loob ng blog entry mo, wahaha.. (epal lang ako)^^

    basta tol. kaya natin to (pampalakas sa nanghihinang loob) aja!

  3. aubu22 says:

    si **********…hehehe

    May nakita akong hospital sa bahamas at jamaica at ireland, hiring, nasave ko sa gmail ung website,hehehe..

    Penge ng resume nyo, haha,

    uu nga, wish ko din un tol, kelan kaya?

    ahmm, tama, tama, kahit di ko super gusto ang nursing, mas may fulfilment dun kesa sa work natin ngaun,

    haha, padamihan ba ng investment? haba nga ng comments, haha, para kang si, alam mu na, hahaha

    tama tama, yakang yaka natin 2!:P

    • narsmanang says:

      taray naman nung isa. si madz ba ang aalis? naks naman asesnso na. hehe.. mahaba na akong magcomment ngayon kasi opinionated ako. wahaha…😛 sige sige, pag-submit mo rin ako ng resume.😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s