paalam na nga ba?


system downtime 10-15 minutes.
wahu, petiks na naman.
lumapit sakin ang shift manager namin kanina.
nangungumusta.
sabi ako, ayos lang po, buhay pa.

SM: musta ka naman?
ako: ahm, okay lang po (inaantok, nakalutang, at tinatamad po sa buhay, eto sana gusto ko isagot pero baka sabihin, edi umuwi ka na, baka umuwi nga ako ng wala sa panahon)
SM: okay naman ung pakikipag-usap mo sa mga high VIP?
ako: okay lang din po (kabado, gusto kong isaksak sa baga nila ung free bonus na gusto nila)
SM: kinausap ka na ni ****?
ako: po? (clueless)
SM: iiwan mo na din kami
ako: hala? (naalala ko si maida-sama, senyales na ito. Umandar na ang utak ko kung sang lupalop ako mag-aaply bilang nurse, hehe, eto na, eto na un)
SM: alam ko lilipat ka na eh
ako: huh? (clueless, gusto na magresign ngayon na, as in ngayon na, sabi ko sa sarili ko kapag inilipat ako sa ibang department maliban sa department kung asan ako ngayon, immediate resignation na ako ng bonggang bongga)
SM: naku, wag kang magnoNo, promotion un, gusto ko nga sa lilipatan mo eh, flexi ang time dun
ako: salitang kristyanong banal po? as in?
SM: uu nga, diba nung nakaraan, niloloko ka namin na iiwan mo na din kami
ako: hala (naiiyak na)
SM: *ngiti*

pusa. hala. panu yan. nagcocompose na akong 101 reasons bakit ako magreresign.
hinalungkat ko na sa isip ko kung san-san ako mag-aapply. Iniisip ko na din ung trabaho sa province namin na sinasabi ng tita ko. Ora-orada. Oo. Pero, haler, ganun talaga pag biglang under pressure.

naku. hindi na gumagana ung utak ko. hinga hinga. inhale. exhale. anung gagawin ko? huhu…

sana nagkamali lang ng dinig si *** ***…

kung aalis ako, gusto ko dito pa din ako magpapaalam sa department ko ngayon..

biglaan naman..

naku naku..

hehehe..

another twist..

san kaya ako pupulutin…

at anu ang aking pipiliin..

isip-isip

isip-isip

signature2

11 thoughts on “paalam na nga ba?

  1. akocmadz says:

    Don’t worry Aubz… madami pang iba dyan… hehe… yun nga lang, kalungkot. Ako nga din, malungkot – slight… **sigh** *seryoso*

    hahay…😀

  2. Akrebley says:

    sabihin mo na lang sa resignation mo, gusto mo ipursue ang pagiging nurse kaya mag reresign ka. puwede yun kasi involve na dun ang self-fulfillment mo bilang indibidwal. kapag pinigilan ka nila, wala silang pakialam sa damdamin mo.

  3. narsmanang says:

    wait wait wait. bakit hindi mo kinukwento sa akin to? mapaglihim ka na men.😦

    promotion?

    VIP manager ka na rin?

    lilipat?

    ha?

    wait wait. nalilito ako.😦

    • aubu22 says:

      panu ko ikkwento, kaninang umaga ko lang nalaman na may ganitong eksena pala. Si ate cha, kinausap ako habang pasimple akong nagbabasa ako ng onemanga, eh downtime, tapos un nga, kala ko pinagttripan lang nya ako, kaw nga la g nagconfirm na totoo 2 eh, hindi ko alam. Wala akong idea. Wala namang sinabi pa sakin. Kung ikaw nalilito, anu pa ako?😦

  4. narsmanang says:

    tol, sabi ni ate jelyn, sa potential vip ka. hehe.. flexi ba sked nun? sarap naman kung ganun. naks naks. dito pa rin naman daw sa department natin. hwaw. congrats!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s