ang taong gipit, sa patalim kumakapit..


stab, stab, stab

stab, stab, stab

Gasgas na ang kasabihang ito.
Pero kahit gaanu kagasgas, kagamit-gamit pa din.
Bawal ang maaksaya. Let’s recycle.

Graveyard shift ako ngayon. 11 pm to 8am.
Nakauwi ako ng bahay ng 8:45 am.
Natulog ako ng 9am.
Gumising ulit ng 12:45 pm kasi may training samin ng 2pm.
Syempre, madaliang kilos para hindi malate.

Kanina, sumakay ako ng bus, ngarag-ngarag dahil 3 oras at 45 minuto lang ang tulog ko.
Tumugtog ang stereo ng bus, Sta. Clara ung tugtog, naloka ako, kasi inaantok na nga ako, un pa ung tugtog. Gusto ko ung nakakagising ng dugo. Pero dahil saglit lang naman kong sasakay ng bus, tiniis ko na lang.

May umakyat na manong, mapayat, mukhang hikain, may dalang alkansya, may ID ng isang kompanya.

Alam na. Malamang may mahabang litanya na naman si manong. Magandang hapon po sa inyong lahat. Malugod po akong bumabati sa mga pasahero, drayber at kunduktor ng bus na ito. Ako po si ____. Nagttrabaho sa kompanyang ______. Matatagpuan sa _______. Kasalukuyan po kaming nakawelga dahil sa hindi makatao at hindi makatarungang pamamalakad ng aming amo na si _________. Anuman po ang inyong tulong ay bukas palad naming tatanggapin. Maraming salamat po. Mabuhay ang sektor na mga manggagawa.

Nung una kong makaencounter ng ganitong eksena, naisip ko, kawawa naman sila. Karaniwan akong nagbibigay ng barya sa mga maliliit nilang alkansya bilang tulong na din.
Kaso feeling ko mahigit isang taon na ata silang may ganung gimik. Lagi na lang kasi. Sobra na ata. Naisip ko, maniniwala pa ba ako?

Hindi ko alam ung eksaktong kalakaran ng mga picket at welga. What I know are ideas and descriptions sa mga books na nababasa ko. Pero siguro, wala namang picket line na magtatagal ng isang taon, kung sakali mang meron, malamang nakatawag pansin na ito sa media or press people.Tsaka kung isa ako sa mga nasa picket line, I’d rather go to proper authorities and groups that would definitely help. Bureaucracy would interfere but I’d choose it over begging in the streets.

Mabalik ako, bumaba na si manong.
Nag-usap ung drayber at kunduktor.

Drayber: Ayus din ung gimik nila ah. Alam mo nakita ko ung manong na un sa mga Guadalupe tulay, nag-iinom ng alak.
Kunduktor: Talaga? Sabagay, nung nakaraang taon pa may ganyan eh.
Drayber: pwede, hehehe (ngising nakakaloko)

Nawindang ako. Sinasabi ko na nga ba. Buti na lang napigilan ko ang urge na magbigay ng barya kay manong.

Alam kong mahirap ang buhay ngayon at marami sa mga kababayan natin ang kumakapit sa patalim. Lalo ngayon, kabi-kabila ang krisis at kalamidad. Pero sa kaso ni manong, ewan ko na lang. Sakit sa ulo. Mukang ung mga barya na nabigay ko nun, derecho sa tindahan ng mga bilog ah. Tsk, tsk, tsk.

signature2

4 thoughts on “ang taong gipit, sa patalim kumakapit..

  1. narsmanang says:

    nung una, nagbibigay din ako sa kanila eh, naawa kasi ako. pero matagal na. kaya alam ko na na gimik. meron din nagtuturo ng bible tapos hihingi ng donation. astig yung nakasabay ko sa mrt, nagtuturo siya ng bible pero hindi nanghingi ng donation. wala lang.

  2. Akrebley says:

    kahit dati pa hindi ako nagbibigay sa mga ganun. puwede kasing modus operandi lang yan at may iba silang pakay gaya ng nanakawan ka habang busy sa pagtingin at pakikinig sa isa sa mga kasali sa modus operandi. ingat ingat….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s