O-buster


Nagbreak ako ng 1 hour ng 2 am.

Ayokong matulog kasi panigurado pag nakatikim ng tulog ang hapis at pagal kong katawan ay basag ako pagbalik ng station.

Wala akong magawa maliban sa pagkain ng Gardenia corn muffin (libreng advertisement ito, dapat may bayad, hehe) at pag-inom ng French Vanilla Capuccino ng 7-11 at magbasa ng Naruto manga.

Habang kumakain, may nakita akong maliit pakete sa lalagyang plastic ng muffin ko. Ang pangalan ay “O-BUSTER”.

Ako si O-Buster!

Ako si O-Buster!

Parang tunog superhero. Chanchananan! Ako si O-Buster! At lilipulin ko kayo sa ngalan ng buwan! Teka, teka, parang may mali.

Tinitigan ko maigi ung paketeng maliit. May mas maliit pang label. Oxygen Absorber.

Oxygen, eto ang hanging dahilan kung bakit ako at ikaw ay buhay. Pag walang Oxygen walang buhay.

Absorber, panghigop? Parang vaccuum.

Oxygen absorber. Panghigop ng Oxygen? Pwede.

Hinanap ko sa Wikipedia ang ibig sabihin nito. At eto ang nakita ko.

An oxygen absorber is a small packet of material used to prolong the shelf-life of the food. They are used in food packaging to prevent food colour change, to stop oils in foods from becoming rancid, and also retard the growth of oxygen-using aerobic microorganisms such as fungi.

Ayun pala un.

Oxygen absorbers absorb oxygen and effectively reduce the aerobic environment to 0% oxygen. Therefore aerobic bacteria, and fungi are unable to grow in this environment. This will extend the shelf life of a food product from 1 week to several months.

Astig. May ganun palang bagay.

Ang alam ko lang kasi at karaniwan kong napapansin ay ung sa sapatos na may nakalagay laging “do not eat”.

Bagong kaalaman mula kay Mr. Wikipedia.🙂

Naisip ko lang, oxygen din ang dahilan kung bakit tumatanda ang mga tao.

Siguro ung mga taong takot tumanda dapat magO-buster. hehehe

Wala lang. Karamihan kasi ng mga tao ngayon, nagpapabanat ng mukha etc, etc.

Bakit hindi nila itry ang O-buster?

Kapag sinubukan nila un, panigurado hindi sila tatanda kasi mamamatay silang bata.

tsk, tsk, tsk

Naalala ko tuloy ung isang kanta ng Alphaville ata un tungkol sa kagustuhang maging bata forever.

Forever young, I want to be forever young
Do you really want to live forever, forever and ever?

signature2

10 thoughts on “O-buster

  1. Akrebley says:

    kailangan ng katawan ng tao ang oxygen kaya hindi siya puwede gamitin sa tao. baka mag stop na lang bigla ang brain kapag naubusan ng oxygen.

    ok lang gustuhin na wag tumanda ang itsura basta wag lang gagaya sa iba na hindi na kaya pumikit at isara ang bibig sa kaka-botox. hehehe.

    • aubu22 says:

      alam ko pwede gamitin ung oxygen sa tao, may O2 mask nga diba, tapos alam ko din may ginamit si michael jackson na instrument/equipments or kung anu mang tawag dun na nag-uutilize ng O2 or miniminimize ung 02 para mapreserve ung pagiging mukhang bata nya, parang capsule-like ichura, basta un, hehe, nabasa ko lang sa net,

      haha, ung ibang tao mukang manekin dahil sa botox,hehe

  2. yumi says:

    ay akala q c peter pan n kc s lugar nla d 2matanda (neverland) ^_^
    maikc lng nbsa q pro nptwa q n my halong pag iicp s o buster. . . my konting gu2m din s muffins at capuccino. . .

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s