rest day na walang pahinga..


off na parang hindi off..

rest day na walang pahinga man lang..

2 days akong walang post dahil off ko at walang trabaho..

rest day, pahinga, relaxing dapat at energizing, pero wala na akong enerhiya sa ngayon, ubos na ang chakra ko kahit anung klaseng hand seals ang gawin ko,

sana may 2 source ako ng chakra gaya ni Naruto..

sabado at linggo ang rest days ko..

Pang-normal na tao, siguro kaya hindi ako naenergize dahil autistic ako..

Nung sabado, until 5am asa trabaho ako, tapos dumirecho ako sa lola ko, kasi bertdey nya, hinatid ko ung bertdey card na bigay ng auntie nita ko sa kanya..

Pagdating dun, nagkopi ako (hindi 3 in 1, so sad, choosy?hehe) , tapos pinakain nila ako ng spaghetti, ung tigP10 pesos sa labas ng bahay nila, may nagtitinda, masarap naman siya. Aun, chika dito, chika dun, may pasaring na pagtatampo kasi bihira daw akong magpakita sa kanila (haler, nanay ko nga hindi ko nakikita ng lagpas-lagpas 6 months, sila pa, uu na, salbahe ako, pero bangag ako, pagod, nagtatrabaho at hindi nagpapasarap sa buhay, hehe)

Tapos nga 8am umalis na ako, kasi bangag na aku, tapos umuwi na ako sa bahay, matutulog na ako nung tumawag ang aking boypren, pinapaalala ung lakad nga pala namin, pupunta ng star city, sabi nya mamaya daw pag-antayin ko sila, mabagal daw kasi ako kumilos tapos mahirap gisingin, etc, etc, (uu na, mabagal na, ako, ako na lang, ako na lang lagi), masama bang matulog na mahimbing? hindi naman diba? (naghahanap ng kakampi?)haha..

Aun nga, nag-alarm ako pagdating ko ng bahay, 10am, bumalikwas agad ako paggising,tapos bumangon, tapos biglang tumawag ulit ang boypren ko, chinichek kung gising na ako, pinasigla ko ung boses ko kasi pag lutang ung dating ng boses, papagalitan ako nun, (minsan tuloy iniisip ko kung boypren nga ba ang meron ako or kuya at tatay, 2 in 1), tapos aun, gumayak na daw ako, xempre dahil mabait ako at masunurin, nag-prepare na ako kahit antok na antok pa akong tunay..

Tinanong ako ni Roy, kung sa Manila Zoo na lang daw ba magkikita. Sabi ko, hind ko alam mag-isa pumunta dun, kasi nung last na nagpunta ako dun sa morayta kami galing at madami kami. Asa namang matandaan ko un, dahil mahina ako sa direksyon. Buti nga alam ko kung alin ang kaliwa at kanan, kundi paktay lo.

Sabi ni Roy, sa 5th avenue lrt station kami magkita, dibale nagpunta ako, tapos pagdating ko dun, inabangan lang naming ung gelpren nung friend nya tapos sumakay ulit ng lrt paQuirino station. Sabi ko, uu eh, sana sa Quirino na lang ako bumaba kanina, sabi naman ni Roy, sabi ko daw hindi ko alam, eh hindi naman nya sinabi ung direksyon, gulo talaga..

Tapos, aun, nga, nagpunta na kami ng Manila Zoo, sumakay kami ng pedicab, kasama namin dun si Xander aka “Patchot”, ung batang kalaro ni Roy sa Dota, cute naman siya, kasundo ko, siguro dahil isip-bata ako. On our way, nagsindi ng yosi si Roy, sabi ko salbahe siya, hindi nya kami iniisip, sabi nya minsan lang naman, tsaka sanay na daw si Patchot sa kanya, sabi ko pag-aaralan ko ngang magyosi minsan para makita nya hinahanap nya, sabi nya mag-aaway kami, sabi ko watch me, ung DJ mix pa ittry ko (ang taray, hahaha)..As if..Pero pag tinopak talaga ako..hmp..

Nakarating kami ng Manila Zoo, nagsite seeing, ako ang photographer, mejo puro stolen shot ata ung nakuha ko, kasi camera shy ung girlalet nung friend nya, pero infairness, lakas ng babaeng un, kasi nakaheels, tapos puro lakad ginawa namin. May naalala ako, may babae akong nakita sa manila zoo, seksi, nakaall black tapos nakastilleto. Hindi ko matandaan ung muka nya pero she definitely got my attention. Nakamaiksi kasi xang skirt na black, kung may pek2 shorts, ung sa kanya, pek2 skirt. Panalo. Wala lang. Naastigan ako sa kanya kasi keri nya, tapos partida, sya lang mag-isa. Bago umalis ng manila zoo, nagpapicture kami ni Roy kasama nung 2 ahas sa may entrance, katakot, kala ko, buong buhay nang nakasabit sa balikat ko ung mga ahas,(ung picture? Sa susunod na lang).

After magManila Zoo, nagpunta na kami ng Star City, aun, nag-adik sa rides, mas okay ung girl na gf nung friend ni Roy. Si Len. Mabait sya ang machika. Nung last kasi kaming nagpunta ni Roy kasama ung magMU nyang friend, parang wala lang. May sarili silang mundo. Ung ngaun, mejo okay, sumasakay ng rides pero ung mga nakakatakot hindi, pero keri lang. Sinakyan ko lahat ng rides. At syempre, palalagpasin ko ba ang pagkakataong pagsawaan ang SnowWorld na paborito ko? hehe. Sila Roy, Elgin, Badz at Len asa isang gilid lang sa may parang kubo dun. On the other hand, kami ni Patchot ay buong giliw nagslide sa yelo,haha, iba’t ibang style ata, nagawa na namin nung batang un, buti pa siya, ung mga kasama namin aun, parang tuod sa isang gilid. Bahala sila. Basta kami ni Patchot enjoy to the end power.

Naalala ko ulit, nauna palang lumabas sila Badz at Len (ung gf nya) kasi nakaheels si Len diba, tapos pumasok sa SnowWorld. Sumakit paa nya, parang may frostbite ata. Kawawa naman. Pero sobrang cheezy paglabas, pinasan siya ni Badz, aughhh, ang sweet.😛

Napagod ako ng husto sa mga ginawa ko dun sa Star City. Alam ko, alam ko, para akong bata, pero bakit ba, kaya ako nagpunta dun ay para magsaya nuh, hehe. Nga pala, naglaro din kami ng baril-barilan, may Blazer something ung name eh, Blue team kami, laser gun ung gamit, kaso luto, may conspiracy na naganap, pinagtulungan kami ng Green at Red Team. Durog ako dun, ilang beses akong nabaril, sabi ni Patchot, exposed daw kasi ako masyado. Wokei, sabi ko nga eh. Hindi masakit sa physical, masakit sa ego, hehe, halata bang egoistic ako? eh kasi naman, bata ung nagsabi sakin nun. Half ng age ko pa. Oha, oha, hehe, pero syempre, ngiti na lang ako, bata un eh, tsaka demokratikong bansa ito, tsaka kahit ilang beses akong nabaril ng laser gun, nakakabawi naman ako. Yan ang tinatawag na defense mechanism. hehehe

Inabot kami ng 12 ng hating-gabi sa Star City. Nung pauwi na, sinumpong ng sakit ng ngipin si Roy. Perstaym ko siyang nakitang ganun, parang sinapian, sinasampal ung pisngi nya tapos sinusuntok din ng bahagya, kawawa naman ang boypren ko. Dun sila sa bahay nagpalipas ng umaga. Aun. Aus naman. Kaso hanggang sa makatulog daw ako, masakit pa din ngipin ng boypren ko. Wawang bata.

Kinabukasan, ginising nila ako ng maaga, kasi nga aalis na sila, hinatid ko sila may pintuan. Hinatid ng tingin sa bintana hanggang makaalis sila. Matutulog na ako ulit ng maalala ko na monthsarry pala namin ng boypren ko. Naku, nakalimutan ko. Nakalimutan din nya. Hindi naman ako nasaktan kasi pareho naming nakalimutan. Kaso naparanoid ako. Parang normal na araw lang siya. Ganito ba talaga pag matagal na? Nalungkot ako bigla kasi hindi ko akalain na magiging kagaya ako ng ibang tao ng nakakalimutan ang mga espesyal na araw. Hayst. Natulog ako ng malungkot. Pagkagising ko, tinext ko si Roy, tapos tinanung ko kung masama ba ung nakalimutan namin ung monthsarry namin. Sabi nya hindi daw, normal lang na nawaglit sa isip ko at isip nya kasi magkasama kami tapos un. Hehe. kala ko aawayin nya ako kasi nakalimutan ko. Buti na lang hindi.

Madami pa akong kwento pero bukas na, pagod na ako, sana rest day ko na bukas..

5 thoughts on “rest day na walang pahinga..

    • aubu22 says:

      hehe, naku naku, pindot system kaya ako, kala mu lang mabilis ako magtype, hehe, sori naman sa mata mo, salamat sa pagbisita sa blog ko, hehe

  1. narsmanang says:

    wow, average speed sa typing? naks ^^. tol, haba ng kwento ah. close na kayo ni pochot, hahaha… at aba, tatay na kuya si kuya? ako nga nababadtrip minsan sa kanya, masyadong feeling superior boypren mo, paluin mo nga sa pwet. hahaha…

    nagtatampo ako, hindi niyo ako sinama, kaso binigyan mo ako ng suhol, kaya hindi na ako nagtatampo. -parang pulis lang, may lagay. hahaha…

    • aubu22 says:

      kala nya lang un, mapanlinlang ang mahabang kwento ko, haha, uu, BFF na kaya kami nun!😛

      as for your kuya, hmppp, minsan nga, papaluin ko un, baka masanay, hehe,

      buti na lang! basta pag nagtampo ka, susuhulan na lng kita ulit!hahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s