lock jaw, overbreak at pasaway na customer..


Masakit na ang panga ko kakahikab ngayon,

feeling ko magkakalockjaw ako ng bonggang bongga.

Masakit magkalockjaw.

Natatandaan ko nun, nagkalockjaw ako nung high school.

Ang dahilan? Kumain ako ng hilaw na mangga sa bus,

eh biglang nagpreno habang masarap ang kain ko,

Aun, 1 linggo akong nagtiis sa noodles at sopas at lugaw dahil sa lockjaw.

Inaantok ako ng halimaw,

dulot ng rest day na walang pahinga,

at aplay-aplayan kanina,

Nagbreak ako ng 1 hour at natulog ako ng 12:03 am.

Nagising ako at bumangon ng 1:20 am.

Inaantok pa ako pagkacheck ko ng phone ko.

Pusa. Patay. Overbreak. IR na ba ito? (OA?hehe)

Pagbalik ko sa station, nagmessage kagad ako sa Shift Manager namin.

“sori po, overbreak. :(” sabi ko.

Sabi nya, “oo nga noh”

Sayang. Sana hindi na lang ako nagmessage para hindi nya napansin. Ang honest ko kasi eh, hehe.

Nasabihan tuloy ako na porke’t promoted (kuno), nagbago na ako.

Tsk, tsk. Alam kong biro pero nakakainis pa din. (sori naman, tao lang, masama bang mapagod? bitter?hehe)

Pagbalik ko, ganado na ulit ako magchat.

Eh pag sineswerte ka nga naman, pasaway na customer pa ang sumalubong sakin.

para kaming asa chubibo, paikot-ikot ang usapan.

hindi nya maintindihan kung bakit hindi maprocess ung withdrawal request nya kahapon. Sabi ko, “it would take up to 4-7 business days”. Sabi, “come on, we’re on the 21st century, why does it take long?”

Anak ng pating, asa 21st century na nga tayo, pero sya asa 10,000 BC pa ata. Paulit-ulit kong sinabi ung withdrawal processing period sa kanya pero ayaw magsink-in.

Sa asar ko, tinabla ko siya. Hindi ko na ipapaliwanag maigi basta nung binanatan ko na siya, hindi na siya nagsalita at nagleft na lang during our chat session. Anu ka ngayon. (yabang, hehe)

Chineck ko ung previous correspondence ng customer na kausap ko, naku, problematic player pala siya. Nagtthreat na magpapaclose ng account at masusumbong sa higher management. Oo eh. Hindi ko maintindihan kung bakit nireretain pa ung ganitong klaseng customer. Sakit sila sa ulo at maraming reklamo. Future kaaway. Para ka lang pumulot ng bato para ipukpok sa ulo. At para ka ding humahaliw sa sariling pwet mo. How vulgar, pero ewan ko, parang joke talaga na paamuin ung mga ganung customer. Kumbaga sa economics, hindi cost-effective. Aun. (pakialamera?)🙂

Sabi ko kahapon, itutuloy ko ung mahaba kong kwento, eh tinamad ako, kaya sa ibang araw at panahon na lang. Aribabay!

2 thoughts on “lock jaw, overbreak at pasaway na customer..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s