magbiro ka na sa lasing, wag lang sa gutom at bagong gising..


hindi ko nature ang mang-away.

payapa akong tao.

pero kapag bagong gising at gutom ako,

wag nyo akong kausapin kundi magkakabadtripan tayo.

mad

kaninang 2pm ng hapon, biglang nagring ung phone ko,

habang mahimbing akong natutulog (6pm-3am kasi ang pasok ko).

“hello?” (badtrip at pabalang na tono),

ang alarm ng phone ko ay 3:30 pm pa,

hindi na mababalik ang masarap ng tulog ko,

“bonch” (alanganing tono), ate ching to,

“O, ate, bakit?” (antok na tono at medyo iritable)

“Ay, natutulog ka pa pala, pwede pahatid ng damit dito sa pacific star?”

“huh? anung damit? sige.” (un na lang ang nasabi ko para lang matapos ang usapan kagad)

“text na lang kita”, sabi ni ate ching.

“okay.” (sabay end ng call sabay higa at pikit)

Matapos ang 1 at kalahating oras, nagising na ako sa alarm ng phone ko.

Bumaba, naghilamos, uminom ng kape at kumain ng bonggang bongga,

Nagbukas ng TV at nanuod (kumakain pa din ako nyan)

Tumakbo ang utak ko, dun lang nagsink in na masungit pala ang dating ng pagkakasagot ko sa celepono.

Akyat kagad sa taas para icheck ang inbox,

May text si ate Ching, list ng pinapadala nya, humingi din ng pasensya sa naantala kong tulog, kala ko nabadtrip (hehehe)

Dun ko lang nalaman na ung tooth extraction nya ay ngayon pala ang sked.

Aun, naguilty ako, hehe, pero haler, ikaw ba naman na gutom, puyat at biglang naantala ang gising, hindi ka pa maiirita ng onti? (sige sige, ratioanalization, hehe)

Nagprepare na ako para dalhin ung pinapadala sakin at para pumasok na din.

Aun, after 1 hour, nagkita na kami ni ate Ching, nakasalang na siya, (parang isdang ipiprito lang eh nuh)

Naggoodluck lang ako kay ate at umalis na. Nagtext din ako para pangboost ng morale, hehe, kung sinabihan nya ako ng maaga, inadjust ko sana ang sked ko, pero anyways, what’s done is done. (wushu, muka mu, hehe)

signature2

2 thoughts on “magbiro ka na sa lasing, wag lang sa gutom at bagong gising..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s