ang nangaliwa at kinaliwa..


love triangle2
charlatan
scoundrel
rascal
shark
cheater
rouge
swindler
liar
double dealer
two-timer

Kung feeling nyo nagmamagaling ako, kasi ung ibang salita hindi nyo alam,

feeling nyo lang yun.

Kasi kaharap ko ang online dictionary na http://www.merriam-webster.com

habang ginagawa ko ung post ko (nagmamagaling talaga,hehe)

Synonym ng bawat salita ang isa’t isa.

negatibo at masakit sa damdamin ang matawag o mabansagan ng kahit alin sa mga yun.

May isang blog post akong nabasa kaya nainspire akong gumawa ng post ngayon.

Actually, napublish nang hindi sinasadya ang post kong ito.

ngayon ko lang nakita, so inedit ko pa.

Leftist, ibig sabihin radical (naisip ko tuloy sila Mao at Karl Marx)

kaliwete, may ibang ibig sabihin figuratively at literally

kananete ako, kaliwete ang tatay ko (literally and figuratively).

Sabi kapag kaliwete, karaniwan mataba ang utak at magaling sa math (kainggit)

Naniniwala ako dito, kasi si Hitler kahit barubal, mataba ang utak at halimaw sa math

ung kuya ko din tsaka ate kong panganay.

Maraming beses nang kinaliwa ng tatay ko ang nanay ko (biglang ganun?)

Sa dami, hindi ko na mabilang kahit isama pa ung kamay at paa ko (mahirap paniwalaan pero totoo)

Hindo ko alam kung nadadagdagan ba ang pagkatao ng isang lalake kapag nangangaliwa sila.

(teka, hindi ko sinasabi na puro lalake lang ang nangangaliwa ha, may mga babae din)

Hindi ko din alam kung gumagwapo or gumaganda ng bonggang bongga ang isang guy or gal pag ganun.

Sa kaso ni Hitler (tatay ko), hindi naman siya gumwapo sa paningin ko, ewan ko lang sa iba ha.

Natatandaan ko pa nung grade 2 ata ako nun, galling akong skul at dumirecho sa tindahan namin,

Tapos pagdating ko dun, bihis na bihis si Hitler tapos sabi iwan ko na daw ung school things ko sa tindahan dahil may pupuntahan kami at isasama nya ako.

Syempre, dahil gala akong bata, excited ako, iniisip ko nun baka pupunta kaming Mall tapos kakain sa Jollibee or sa Circle (oo, circle, mejo wholesome pa ang reputation nya nun, pambata).

Nagpaalam na kami kay mama, umalis at sumakay ng Jeep.

Nagtataka ako dahil after sumakay ng Jeep, wala pang ilang minuto bumaba na kami.

Nilinga-linga ko ang paligid, walang jolibbe, walang palaruan, may nakalagay na sign board ****** KTV and restaurant..

UU eh, asan na ung Mall? Ung jolibbe? Ung kiddie rides or playground?

Anung gagawin ng batang gaya ko sa KTV? Maglalasing?

Sabi ni Hitler, umorder lang daw ako ng kahit anu, edi nilunod ko ung sarili ko sa softdrinks (bawal kasi karaniwan sa bata daw un sabi ni ate at mama, mababansot daw, kaya pala, hehe)

Habang Ganado akong lumalamon at umiinom ng paborito kong coca cola, si Hitler, tumutungga ng tanduay esq,

May lumapit na babae, may ichura tsaka may katawan (naks, bata pa lang ako may ganun na akong iniisip, hehe)

Pinakilala ni Hitler, “anak, eto si tita Grace mo, magbless ka sa kanya.” (reaction ko: poker face)

Nagbless ako dahil utos ng hari, pero sa ganang akin, hindi ako magbbless kaso wala eh, baka mapagalitan ako ng bonggang bongga.

Sumama ung tita Grace ko kuno sa table namin, tapos sabi, “ang cute cute naman ng anak mo, Walter”. Sabay kurot sa pisngi ko.

(reaction ko, umaray kasi masakit ung kurot tsaka mahaba ung kuko nung babae)

“Balang araw, magiging mommy mo ako, hihihi”, sa tonong may kalandian (sa isip-isip ko, asa ka)

Bumubuo na ako ng umaatikabong kwento para maisumbong ko ang letsugas na babaeng un pati ang tatay ko.

Sa harap ko mismo, naglalandian sila ni Hitler, hindi uber kasi, haler, mahiya naman sila sakin nuh, instant walk out un.

Dinaan ko sa kain at inom ng softdrinks ang inis at sama ng loob ko. Wala na ngang Jollibee or Mall, may kerida pa, aba, sobrang torture sa bata naman ito,

Pagdating sa bahay, senglot na si Hitler, kulang na lang hilahin ko siya sa paa para lang makauwi,

Nung sigurado akong wala na syang malay, nagkwento ako kagad kay mama,

(Reaction: hindi ko mapaliwanag pero hindi siya nagalit)

Statement: “Hay, yang ama mo talaga, hayaan mo na nga siya, ganyan naman talaga yan eh pero umuuwi pa din dito.”

Reaction ko: laglag balikat, ganun lang yun? Wala nang ibang reaction?

Isa lang yan sa mga scenario ng pangangaliwa ng tatay ko.

Sabi ng ate kong panganay, kwento daw ni mama, pinagbubuntis pa lang siya nito, nambababae na si Hitler.

Reaction ko: hala, andaya naman, tapos sila pa din?

Sagot ni ate: Kung hindi sila ngayon, walang bonchie (sabay ngiti at hug sakin)

Reaction ko: ganun, sana maghiwalay na sila ngayon (bitter na bata)

Dati kapag nag-aaway sila mama at papa, pag tinatanong ako nila ate at kuya kung kanino sasama, isa lang ang sagot ko, wala kasi ayaw ko silang maghiwalay.

Sa batang bonchie, gusto nya ng buong pamilya gaya nung mga nasa commercial na lagi nyang nakikita, pero hindi pala uso samin un.

So nung magkaisip ako at malaman ung mga kabulastugang pinaggagagawa ng tatay ko, naging advocate na ako ng hiwalayang Walter at Lydia (hehe)

to be continued…

signature2

8 thoughts on “ang nangaliwa at kinaliwa..

  1. narsmanang says:

    kaya nawiwili sa pangangaliwa, kasi may pumapayag na kaliwain. kasama mo ako sa pagiging advocate ng hiwalayan nila,wahahaha.. (pakialamera?)

  2. Akrebley says:

    Puwede ba sumali sa iyong advocacy? Hehehe!!

    Puwede namang kasuhan si Hitler ng adultery kung gusto ng nanay mo pero magastos kasi kaya wag na lang. Sa dami ng ginawa ni Hitler and mountain of evidence puwedeng puwede na ang divorce, wala siyang ligtaas (ehem, kunyari isa akong attorney)!

    Hindi yata nag-iisip si Hitler, o hobby niya ang wag mag-isip. Isama ba naman ang musmos sa ganoong lugar! Tsk tsk tsk!

    • aubu22 says:

      welkam kang sumali sa aking dakilang advocacy, hahaha!

      pwede ang divorce, pero panu un mangyayari kung ayaw naman nila pareho nun?talo, hehe

      nag-iisip un, baliko nga lang, hobby nya mag-isip ng baliko!haha:P

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s