ang nangaliwa at kinaliwa (huling hirit)


eto ang huling hirit ng last 2 post ko.

this past few days, madami akong nalaman.

ung taong dati kong nirerespeto ng bonggang bongga,

nakasuot lang pala ng maskara.

isa din pala syang dahilang boksingero, kuneho, babaero or whatever you put it,

he is one.

nakakalungkot.

considering na pamilyado siyang tao. Tsk, tsk. salbahe. hmp.

love triangle3

may isa pang kwento.

ung isa akong kakilala, may isang pogitong nagpapalipad-hangin sa kanya,

ang siste, ang loko ay may sabit pala,

may katipan na walang muwang sa kanyang pinagkakaabalahan.

“mamili ka, ang ******** o ako?”, nalaman kong hirit nya.

napangiti na lang ang kaibigan ko sa turan nya.

dapat sya muna ang mamili, ang kaibigan ko ba o ang katipan nya?

that just sounds fair diba?

how could you ask for something that you can’t give?

sumakit ang ulo ko sa mga issues na ito.

kahit sa mga pinapanood kong palabas sa TV nababanggit ang mga ganitong eksena.

tanong sa Power of 10, “Okay lang mangaliwa basta hindi alam ng kinakaliwa”.

Hindi ko na matandaan kung alin ung mas madaming percentage sa okay lang at hindi.

Ang sagot ko? Hindi okay yun.

What you don’t know won’t hurt you,

Pero walang lihim na hindi nabubunyag.

Okay sa ngayon, panu bukas?

Mas lesser ba ang pain kung bukas nya malalaman na at hindi ngayon.

Sabi ni maida, hindi daw maiiwasan ang temptation.

Dadating at dadating din daw un sa isang tao o sa isang relasyon.

Siguro nga. Ganun talaga.

Pero gaya nga ng sabi nya it’s a temptation.

Tao ka nga lang pero may choice ka whether to give in to that temptation or not.

Hindi ako nagsasalita ng tapos, kasi madami pa akong kakaining bigas.

Pero sa tingin ko, kung mahal mo talaga ang isang tao,

hinding hindi mo magagawang mangaliwa kahit hindi nya pa nalalaman.

Kung ayaw mu na,

Kung bored ka na,

Kung umay ka na,

Edi ayawan na.

Masakit nga un sa taong iiwanan mo,

pero mas masakit kung lolokohin mo lang siya

Tsaka, sana kung mangangaliwa ka din lang,

Dapat hindi ka na pumasok sa isang seryosong relasyon.

Tama na sayo ang MU/magulong usapan.

Need I say more?

signature2

5 thoughts on “ang nangaliwa at kinaliwa (huling hirit)

  1. narsmanang says:

    naks, huling hirit. sino ba ang kilala mong hindi boksingero? turo mo nga ng maimbestigahan. wala na akong faith sa kanila eh, lahat sila parepareho. hahaha.. (bitter^^)

  2. akocmadz says:

    Ahm… medyo napapaso yata ako sa kwentong to ah… hehe.
    Hmm… ngayon at iniwan ko na kay dyan at sumasakit na ulo ni Mommy Chum sakin, tapos na rin ang MU… tapos na, pramis. ewan ko lang sa kanya kung may issue pa sya…

    • aubu22 says:

      napaso ka ba? haha, hot kasi ang post ko, hehe, wala, madaya ka, nang-iiwan ka, huhu, sniff, sniff

      hehe, yey, tapos na ang magulong usapan!

      • akocmadz says:

        wehehehe… yaan mo pupuntahan kita para sabay tayo break minsan… baka mamya mga 12… oo wala na ang magulong usapan… natapos narin kahit papano… ^_^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s