wishlist..


bata pa lang ako mahilig na ako magwish..
dati may nagsabi sakin, pag may wish daw ako, isulat ko sa papel
tapos itali ko ung papel sa lobo kasi mabilis daw un makakarating kay papa Jesus.
dahil bata pa lang, uto-uto na ako, ginawa ko un,
kinabukasan, napulot nung isa kong kalaro ung wish list ko,
binasa nya ng malakas,
nabadtrip ako, muntik ko sya suntukin
mula nun hindi ko na un inulit.

nung second year high school ako,
kasama sa wish list kong pansinin ako ng crush kong georgeous cold shoulder
sabi nung isa kong kakilala, para daw mapansin ako ni m******(surname nya),
dapat daw kumuha ako ng papel.
tapos pagpira-pirasuhin ko un ng 100 times
tapos isulat ko daw ung kumpleto nyang pangalan sa 100 pieces of paper na un.
dahil crush na crush ko si m******, ginawa ko ulit un. (hehe)
pero hindi ko 100 times sinulat ung name nya.
nilagay ko e******* *** m****** X 10 raise to the 10th power sa 1 papel.
oha, oha, lagpas 100 times pa un,
kinabukasan pinansin ako, (epektib!)haha
kung iniisip niyong inulit ko pa un, hindi na,
nakakapagod eh.
nung pinansin ako ni crush,
narealize kong hindi ko na pala siya super crush,
aun.

nung college, tuwing umaga,
laging kong wish na late ang prof kapag late na akong dumadating
minsan natutupad ung wish ko pero minsan hindi.

sa kasalukuyan, habang mas namumulat ako sa realidad ng buhay sa mundong ibabaw, mas dumami pa ung nadagdag sa wish list ko.

wish

Number 1 sa wish list ko ang world peace. Generic na sagot ng mga binibining sumasali sa beauty pageant. Pero eto ang ultimate wish. Pangarap kong mabuhay sa mundo ng kapayapaan. Walang gulo at kabagabagan. Petiks at parelax-relax lang.

Pangalawa ang pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Nakakapagod manuod ng telebisyon kung saan puro pagdedebate, pagalingan at who’s who ang labanan. Bata pa lang ako pero pagod na ako sa puro pangakong napapako ng mga politikong trapo. Ilang botohan at taon na ba ang dumaan? Asan na ang pagbabago? Nakakaumay. Parang adobong nilagay sa refrigerator. (salamat kay tin at nagamit ko ang linya nya, hahaha)

Pangatlo sa wish list ko ang magkaroon ng sapat na trabaho na may disenteng sweldo at katerno sa tinapos na kurso ang mga bagong salta (kami un!) sa tunay na mundo (kuno) dito sa Pinas.. Hindi related sa business ang kursong tinapos ko, related sa health, pero asan ako? Kabilang ako sa libo-libong nursing graduates na humantong sa call center job dahil walang makuhang trabaho sa linya ng kurso tinapos.

Numero quatro sa listahan ko ang mas madaming masaya, kumpleto at malusog (literally and figuratively) na pamilyang Pilipino sa Pilipinas. Mas masayang pamilya, ibig sabihin mas onting batang mapapariwara at magiging emo pagtanda. Mababawasan ang mga adik at praning kasi kuntento sila sa buhay nila. Mas matatag na pundasyon ng pamilya, mas masayang lipunan ang kagigisnan ng mga susunod na henerasyon.

Pang lima sa pangarap ko ang malinis, maayos, maganda at organisadong kapaligiran. Sabi ni Bayani, Metro Gwapo sa 2010, pero bakit ganun, sa EDSA mas naging masikip, mas naging matrapik, mas naging barubal. Alam kong hindi pa 2010, pero ilang buwan na lang kaya at 2010 na. Bagong taon na naman. Asan ang kagwapuhan? Asan ang urbanidad? Balak nya bang magmagic over night para sa 2010, Metro Gwapo na? Alam kong hindi makatarungang isisi sa iisang tao ang kalagayan ng kapaligiran at kalunsuran, pero siya ang nasa posisyon at may kapangyarihan.

Madami pang nakalagay sa wish list ko kaso inaantok na ako eh.

Alam kong malayo sa katotohanan ang mga wishes ko sa kasalukuyan,

Pero may mga wish din akong mabibili lang sa pinakamalapit na tindahan gaya ng mga sumusunod:

bahay at lupa (hindi sa paso ah)
laptop (toshiba, HP or Lenovo would do)
PSP
IPOD touch
condo unit
Hummer or Sportivo
Naruto manga komiks and DVD’s
Bleach manga komiks and DVD’s
Jansport Back Pack
Roxy shoulder bag
Happy feet na sandals (7.5-8 ung size)
Nikon D5000
Free Cruise around the world (may allowance, may food, may libreng accomodations)
HP books complete set (hard bound)
Oakley/Levi’s eyeglass (50-50 ung grado)

O, diba mas malapit ito sa katotohanan kesa sa limang nakalista sa wish list ko? hehe

anu pang hinihintay niyo?

(baka gusto niyo akong bigyan)haha

(ito ang tinatawag na mangarap ka ng gising)😛

signature2

4 thoughts on “wishlist..

  1. Akrebley says:

    Mahal rin ang mga nakalagay sa last mong wishlist. 2 lang ang na accomplish ko sa last mong wishlist, hehehe! Aba ang hirap mag-ipon ng pero no! Unti-unti makukuha mo rin yan mga yan.

  2. narsmanang says:

    naks naman. ako din dapat gagawa ng wishlist kaso tinatamad ako, kasi sobrang haba. parang imposible naman yung top 5 wishes mo, sabi nga ng isa kong kakilala, siguro dapat pasabugin muna ang pilipinas tapos buuin ulit. parang puzzle na masyado ng magulo kelangan magsimula sa umpisa. hehe. anyways, pag may nag-gift sa’yo ng nasa listahan mo, share mo sa akin ah. hahaha

    • aubu22 says:

      hahaha, adik lang, kapag may nagregalo sakin ng kahit anu sa wish list ko, ititimbre ko kagad sayo tol, haha:P

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s