“bago”


gusto ko ng bago.
sa new year, balak kong magpagupit ng maiksi tapos magpabangs. (bumagay kaya?)

bago nga, masabi lang,

kanina, nung pasakay kami ni haw sa tricycle,
tiningnan kami ng mga manong tricycle driver
sabay sabi “mga dakilang call center agent”
napaisip ako,
may nakatatak ba sa noo namin na “call center agent kami”?
sabi ni haw, matatawag ba kaming call center agent eh hindi naman kami nagcacalls?
uu nga naman. Napaisip din ako dun.
Bigla ko naisip baka nagsusumigaw ung eyebags namin kaya naisip nilang call center agent kami😛
Kelan kaya kami magkakaron ng bagong trabaho? (ung gusto namin pareho ang sweldo at nature ng trabaho?)

change topic.

may bago akong damit,
binili ng boypren ko para sakin (*kilig*) hehe
gagamitin ko un bukas (excited?haha)
hindi ko un inaasahan
at masaya ako kasi naalala nya akong bilhan (*kilig ulit*)
sabi nila, it’s better to give than to receive,
pero mas karaniwan akong mas masaya kapag nakakatanggap ng gifts (hahaha)

Bago ulit.

bago ang trabaho ko ngayon.
bagong hindi. mahirap ipaliwanag.
sana may kasama ako sa bagong trabahong ginagawa ko.
kahit karelyebo ko lang,
para hindi naman ako nag-iisa sa sarili kong mundo.
nagsasariling departamento.

Bago.

Gusto ko ng bagong direksyon sa buhay ko.
Nitong mga nakaraang araw I’m loosing my sense of direction.
I’m running in circles.
Nakakaubos ng energy at calories pero walang end result.
Hanging.
Nakakapagod.

Bago.

Bagong balita,
kanina bago ako pumasok sa trabaho, nanuod ako ng balita sa tv.
Nalaman kong kumalas na sa NPC si Chiz Escudero
Sabi nya dapat kung tatakbo, dapat walang partido.
Dapat daw ang mamamayang Pilipino ang kapartido ng mga kandidato.
Tapos may issue na baka may tambalang Gibo-Chiz sa nalalapit na eleksyon.
Oo eh,

Bago nga.

signature2

2 thoughts on ““bago”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s