nagsimula ang lahat sa isang sulyap..


“pag-ibig, pag pumasok sa puso ninuman,
hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”

inaantok ako,
sino ang may sala?
hindi ako kundi ung kaibigan kong praning.
kanina sa bahay, supposedly, natutulog ako ng mahimbing,
payapa, nananaginip.

kaso sa eksenang hapit na hapit na sa tulog ang mata ko,
ung tipong papikit na siya dahil nataymingan ko na ang antok ko,
biglang nagring ang aking celepono.

1 word sa utak ko: bwisit
pagkacheck ko sa phone ko, ikaw pala ang tumatawag
sinagot ko ang celepono,
umaatikabong monologue mo na naman ito.

nakilala kita nung 1st year college,
mayabang ka, bully,
pero dahil mabait ako (weh)
nagkasundo tayo. (hahaha)

karaniwan kitang katext at katawagan.
hindi dahil nagkakamabutihan tayo
kundi dahil ginagawa mo akong concierge/information center
ng whereabouts ng iyong pinakamamahal na babae
na kaibigan ko din.

first year college pa lang uber crush mo na siya
una mo siyang naispotan sa St. Joseph, diba?
at sa unang sulyap na un, alam mo nang tinamaan ka sa kanya.
ang kaso, naging type din siya ng katropa mo at niligawan siya,
naging sila pa nga, yun tuloy naghanap ka ng iba,

naging sila ng tropa mo,
nagkaron ka din ng syota.
naghiwalay sila,
eventually, naghiwalay din kayo ng syota mo.

at kinalaunan, bumalik ang nakaraan
at muli mong sininta ang mahal kong kaibigan
kaso gaya ng dati, wala pa din, basted
pero hanga ako sayo (walang malisya to tol)
grabe ka kasi,
ilang beses ka na nyang binasted, sige ka pa din,
sabi mo sakin mag-aantay ka kahit matagal
eh pano kung wala ka namang inaantay?

karaniwang durog sakin ang ego mo,
kung laitin kasi kita at asarin, pamatay
pero ewan ko ba kung makapal ka lang talaga
kasi hindi tumatalab ang aking pang-aalaska
pero tol, minsan gumising ka
na wala ka naman talagang aasahan sa kanya
sabi nga sa isang palabas na napanuod ko,
there are many fishes in the sea
hanap ka na lang ng iba

kaso minsan,
gusto din kitang suportahan,
pero karaniwan gusto kitang batukan
subalit anu bang magagawa ko,
kung sa isang sulyap mo lang sa kaibigan ko,
dumadagundong na ang mundo mo?

kaya nga bangag ako ngayon dahil sa panggugulo mo
minsan tumayming ka ha?
hehe, gudlak sau.🙂

signature2

2 thoughts on “nagsimula ang lahat sa isang sulyap..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s