alam mo ikaw, ang baba ng EQ mo!


EQ = EMOTIONAL QUOTIENT

Minsan sa buhay ko, may professor na nagsabi sa akin na mababa daw ang EQ ko.

Gusto nyong malaman kung bakit?

Ito ay dahil sa isang Panda black pen. Oo. Pen.

Galit na galit siya sa klase namin nun. Ito ata ung time na kumalat ang tsismis na sa isang major exam, pinayagan kami ng isang Exam Proctor na magkopyahan (in closed doors kuno kaya hindi ko maintindihan kung paanung kumalat un). Normal lang naman ang mga kopyahan sa high school pero dahil Upper Hethero, big deal. Nakarating sa adviser namin pati na din sa iba pang teachers at ayun, naghalo ang balat sa tinalupan.

Natatandaan kong bungad ni Sir K sa klase namin: I just can’t understand you guys. I’m very disappointed. Naturingan pa naman kayong Upper hethero, tapos ganyan kayo. Act like your age. Cheating on a major exam? For God’s sake, hindi na kayo mga elementary students! (umuusok ang bumbunan pati ilong) blah, blah, blah, (sa sobrang haba ng sinabi niya, hindi ko na matandaan ung iba at ung iba kinalimutan ko na, mejo masakit sa puso at nakakapanting ng tenga)

Sa kamalas-malasang pagkakataon, asa front row ako nun, lahat ng laway ni Sir sinalo namin ng mga katabi ko. Kabado pa kami at baka may madampot si Sir na kung anu at ibato samin. Ang masama nyan, bigla siyang mag-incredible hulk at mabuhat nya ang teacher’s table tapos ibato sami, kami ang unang casualty pag nagkataon.

Bago pumasok sa room namin at nagsimula ang kanyang sermon, may kaklase akong nanghiram sakin ng Panda black pen, at hindi ko maubos maisip na kung kelan mainit ang ulo samin ni Sir at umaatikabong sermon ang inaabot namin, dun nya naisip isoli ang ballpen ko. Dun siya nakaupo sa silya sa likuran ko.

**Eksena**
Kaklase ko: pabulong: Aubrey. Aubrey, ballpen mo.
Ako: (dedma habang tinatawag na lahat ng santo, as if kabisado, para lang tigilan ako ng kaklase ko, para maisip niyang wrong timing siya)
Kaklase ko: Aubrey. Aubrey, ballpen mo.
Ako: (dedma pa din, in full concentration, baka sakaling tigilan niya ako)
Kaklase ko: (sinusundot na ung likod ko ng sarili kong ballpen para lang kuhain ko un)
Ako: (lumingon na sa wakas at madaliang kinuha ang pen sa pag-aakalang hindi mapapansin.)
Sir K: Ms. Buenaventura, anu yan? (napansin pala niya)
Ako: Ballpen po.
Sir K: Alam mo, ang baba ng EQ mo! (nang-gagalaliti sa galit)
Ako:( tulala, hindi maisip kung anung kuneksyon ng ballpen sa kabababaan ng EQ)
Sir K: I’m out of here. You should think about your mistake guys. You messed up big time. (sabay walkout)
Ako: (medyo nahimasmasan, gustong gusto ko tumayo dun at habulin si Sir para itanong kung anung kuneksyon ng ballpen sa mababang EQ, kaso dahil galit siya hindi ko na itinuloy kasi baka kung san pa mapunta ang usapan, mahirap na, mamaya makick out ako ng wala sa panahon, yari ako kay hitler)

Pagka-alis ni Sir K, medyo lulugo-lugo ako. Ang masigawan sa harap ng madlang-klase ang pinakaayaw kong eksena sa buhay. Feeling ko api ako at wala akong kakampi. Ang ikinasama pa ng loob ko nun, ako lang ung sinabihan ni Sir na mababa ang EQ. Ba’t hindi kasama ung isa kong kaklaseng nangulit sakin? Unfair. Isa pang pang-asar, buong 3rd grading to 4th grading period ata ng 3rd year high school life ko, naging expression sa klase namin ang “Alam mo ikaw, ang baba ng EQ mo!”. Naastigan nga ako sa sarili ko at hindi ko naisip lumipat ng iskul. Siguro kung iba-iba un, lumipat na. Pero naisip ko nung time na un, bakit ba, kung mababa ang EQ, so what, keber, suntukan na lang. (hehe)

Nung time na un, naobsessed ako sa mga IQ and EQ test online. Lumalabas sa mga results (kung totoo man ung mga yun), na may slight above average akong IQ at average na EQ. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili na hindi naman siguro mababa ang EQ ko. Sinabi ko un sa tita ko, sabi niya, hindi naman daw mababa ang EQ ko. My personality is the result of my stressful childhood. Buti na lng kinausap ko siya. Of all people, she should know. Guidance Counselor siya ng isang prominenteng iskul nun sa probinsya namin.

Teka, ano ang nga ba ang ibig sabihin ng EQ?

Emotional Quotient is a self-perceived ability, to identify, assess, and manage the emotions of one’s self, of others, and of groups.

EQ, sinusukat, malaki daw ang ginagampanang papel kung paano makitungo ang isang tao sa kapwa niya tao.

EQ, nung panahong yun, hindi ko alam kung paano ito sinusukat. At hanggang ngayun, malabo pa din sakin kung paano.

EQ, minsanang ginamit para gawing panukat ng pagkatao ko.

EQ, luma na. EI na kasi ngayon ang uso. Emotional Intelligence. Kaya kapag sinabihan ka ng “Alam mo ikaw, ang baba ng EQ mo!, sabihan mo, “Hoy, ikaw, ang baba ng IQ mo, luma na yan, EI na ngayun ang uso! Edi nakabawi ka kahit paano.

Huwag niyong isiping super bitter ako sa teacher ko na yun. Pero minsan akong naging bitter. Hindi sa kanya kundi dun sa ginawa niya pero anyways labs ko pa din siya. Mabait naman siya pag walang topak. At kahit may topak siya minsan, magaling naman siyang teacher. Yan ang hindi pwedeng tawaran. Dahil kahit balibaliktarin man ang mundo. At paulit-ulit akong ipanganak sa iba’t ibang panahon, mas mamatamisin kong paulit-ulit maranasan ang masabihan ni Sir K na mababa ang EQ ko kesa ang dumaan sa mundong ito nang hindi siya naging parte ng buhay ko. Isa siya sa pinakapaborito kong guro.🙂

signature2

2 thoughts on “alam mo ikaw, ang baba ng EQ mo!

  1. narsmanang says:

    si sir ********* ba ito? naalala mo ng pinagalitan din niya si kapwa KB?

    ako, peyborit ko rin siya.

    para sa akin, kanya-kanya ng EQ, dapat walang pamantayan, walang standard. tsk.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s