monologue


Sa aking pinakamamahal na blog (naks)

Matagal na din taung hindi nagkakausap (kala mo sumasagot ka talaga eh noh)

Mga 1 linggo na mahigit ata (antagal na nga)

Madaming nangyari sa nakalipas na isang taon (talaga?)

Nawalan ako ng celepono. (inuna talaga eh noh)

Pumasa ako ng board exam (RN na ako!)

Nag-Oathtaking sa MOA.

Nakapunta ako ng Palawan.

Nakarating ulit ng Baguio.

Nagswimming ng bonggang bongga sa Bohol.

May lablayp pa din hanggang ngayon (hehehe)

At nagbakasyon ulit sa Tacloban.

Dumaan na ang Noche Buena. (pansin mo ba?)

Lumipas ang Media Noche. (uu nga, 2010 na kaya)

Pero eto ako,

Same old brand new me. 

Pero alam mo ba, masaya ako sa kasalukuyan,

Kasi naging mapayapa at maayos ung pasko at bagong taon ko.

Kasama ko kasi ang mga mahal ko sa buhay. (yihee)

Minsan maganda talaga na nagbabakasyon ka nuh (uu naman)

Kasi lumilinaw ang pag-iisip mo at pagtingin mo sa mga bagay-bagay (ibig bang sabihin nito, hindi ko na kailangan ng eyeglasses?)

Hindi na ako masyadong bitter ngayon (hahaha, sa ngayon lang ah, refreshed lang kaya ganun >:)

Habang nagbabakasyon, naisip ko, kung magiging bitter ako sa buhay ko,

Ako din naman mahihirapan,

Either mamamatay akong bata or magiging miserable ako for the rest of my life (o diba)

Kaya habang may pagkakataon pa ako, pipilitin kong maging masaya.

Baka kasi bukas wala na ako, or wala na sila or wala ka na, (mahirap ung ganun diba)

Pero wag mo ding asahang lagi akong nakangiti,

Mukha na akong timang pag nagkaganun.

Ako pa din naman to noh,

Susubukan lang magbago kahit papano.

Bagong taon, lumang ako,

Kung meron mang bago, siguro ung mga bagong panganak na sanggol sa iba’t ibang parte ng mundo.

Bagong taon, anu pa ba ang bago?

Dagdag trabaho, dagdag sakit ng ulo (nagccalls na ako, alam mo ba yun?)

Dagdag na sali-saliwang daan at patutunguhan,

hindi ko lang alam kung san niyo ako madaratnan (batang kalye kasi)..

signature2

12 thoughts on “monologue

  1. narsmanang says:

    wow. pipiliting hindi maging bitter. naks. ako kasi bitter pa din. pero magiinquire ako ng MAN, baka sakaling hindi na ako maging bitter kung may gagawin akong bago.🙂

  2. WildCat says:

    Buti ka pa nakapunta ng Palawan. Birthplace ko yon doon ako lumaki, ma-mimiss ko nang pumaroon, more than 10 years na akong hindi nakakatapak roon. Kaso layu-layu ko ngayon, padalhan mo na lang ako ng lupa galing doon.

    Salamat sa pagdalaw sa mo. Add kita sa blogroll ko.

    PS: Maganda ang Death note manga pero try mo ang anime (mas gusto ko yon kasi colored)

    • aubu22 says:

      astig, taga dun po kayo? dalaw kayo ulit, namimiss na kayo ng Palawan.🙂

      tenchu!add din po kayo sa blog roll ko!

      hehe, cge cge ttry ko un after ko basahin ang death note manga😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s