Natatandaan ko pa nung una kaming pumunta ng San Antonio, Pundaquit, Zambales ng mga kabatchmates ko right after graduation.
Doon sa isang resort na wala pang pangalan at walang kahit ano maliban sa dalampasigan, tubig-dagat, mga puno at isang medyo malaking bahay-kubo.
Sandali naming iniwan ang magulong buhay sa lungsod. 3 gabi at dalawang araw naming ninamnam ang kapayapaan.
Isa yun sa mga alaalang hindi naming malilimutan. (Alam niyo kasi, ung batch naming ung medyo black sheep, often misunderstood at may attitude daw, mangilan-ngilan lang ang mga sipsip sa mga prof, at dahil grupo-grupo, sinasabi nila na divided batch kami, walang pagkakaisa)
Pero nung nagpunta kami sa Zambales at doon ay nagkasiyahan at nagkwentuhan, pinatunayan naming mali sila.
Kaya nung nagkaroon ng panahon, naisip naming bumalik dun. Yun nga lang, dahil magkakaiba na kami ng buhay sa ngayon, kulang-kulang kami. As in literal na kulang-kulang. Mula sa mahigit 20 kataong sumama sa Zambales getaway namin taong 2008, nauwi sa 7 katao na lang. Pero syempre, likas samin ang pagiging masiyahin kaya hindi ito hadlang sa aming kasiyahan.
Kaya heto ang mga larawan ng aming Zambales trip Season 2: Ang Pagbabalik. Inihahandog ng inyong lingkod, the odd one out.
Habang asa bus kami ni Jeremy, wala kaming ginawa kundi kumuha ng larawan sa labas ng bintana, eh sumakto na may magsyota (ata) na parang seryosong nag-uusap kaya eto, hehe..
Nagstop-over ang bus at dahil gutom kami, lumamon muna kami pansamantala, nabadtrip pa kami dahil habang ninanamnam namin ung pagkain namin, biglang bumusina ung bus na sinasakyan namin at sabi aalis na daw.
nakarating din kami, pero dahil nagpunta pa sila virax sa subic (nagtreetop adventure sila), inantay muna namin sa sa waiting shed dun, kaya piktyur-piktyur ulit kami.
(ayaw naman namin ng sepia nyan, haha)
nung dumating sila virax, dumirecho kami kina chum tapos sumakay ng tricycle papunta sa resort!wuhoo…Nung makarating kami, eto ang tumambad samin..
tapos ung dating malawak lang na kapatagan (lalim) meron nang mga kubo na cottage!basta un!
Pagdating namin, manghang-mangha talaga kami kasi dami nagbago. Napagpasyahan nila virax mamalengke muna para sa dinner namin. Kami naman nila Jabeng, nagpunta sa dalampasigan para magliw-aliw. Tapos nung dumating sila, nagluto si Jem ng adobo, nagsinangag si jabeng, nagbalat ako ng manga, nagprito ng hotdog si vrax, nagsaing si chum, (ndi ko na matandaan ginawa nila maui at dio)
Pagkatapos namin kumain, naghugas ako ng plato, tapos nagkwentuhan kami sa isa sa mga kubo habang kumakain ng chichirya with matching psych tests (courtesy of Jeremy)Nung matapos ang napakahabang psych test (saka ko na ikkwento, ang haba eh), nagstar-gazing kami.
After ng star-gazing, nakatulog na ako, ginising na lang nila ako para pumasok sa kwarto namin. Tapos nung kinaumagahan, nagready na kami for island hopping!

Island Hopping na!
tapos sumakay na kami ng bangka..

piktyur piktyur ulit!
pers stap, anawangin cove, ito din ung pinuntahan namin dati, merong lugar d2 na mala-twilight ung dating kasi daming malalaking puno. At syempre, palalagpasin ba namin ang pagkakataong magpiktyur-piktyur ulit.

snap shot (haha)

aun ung mga puno na parang sa twilight!
pagkatapos sa anawangin cove, nagpunta naman kami sa talisayin

mga amazona >:)

>:)

kami ulit
nagtrek din kami, uber kapagod pero worth it..

mga hiker >:)

I'm the queen of the mountain!

kaming lahat sa view deck (overlooking sa dagat)
at sa hinaba-haba ng aming adventure, syempre, uuwi din kami,

pauwi na...
napagod kami ng bonggang bongga, medyo nabadtrip nung umpisa dahil andaming nang-indyan saming mga kaklase at tropa, pero sabi nga nila, nasa sa amin na un kung papaapekto kami at pinili naming maging masaya, hahaha, sana sa susunod mas madami pa kami, at sigurado pag bumalik kami ulit dun, mas maganda pa ang villa janella >:)wuhooo
kainggit….. waaaaaaaaahhhhhhhhh…. 😦
hehehe, aus lng yan tol, nakapunta naman tayo ng batangas >:)
Ay mukhang ang saya, sarap naman. Sana ako rin maraming friends na makahang-out.
hehe, dyan ba sa inyo la ka masyadong tropa na kasama sa galaan?
naks! ang saya nyo ah!
ako kaya kelan makakaratingsa ganyang lugar kasama ang mga friends…
ay wait may friend ba ako?
ganun eh!
anyways
paexlink naman…
si eloiski po ‘to dating si blakenwayt…
hehe, makakarating ka din, mahaba-haba pa ang 2010!hehe, cge ba,