my sister’s keeper..


Nagtext ka na naman.

Nagulat ako, nangungumusta ka.

“Elow Bonchie, musta ka na dyan?”

Isa itong malaking himala.

Karaniwan kasi ung intro ng text mo,

“Bonch, pupunta ka ba dito? Bili ka naman ng ganito. Samahan mo na din ng ganito.

Tsaka, pwedeng humingi ng pera?Tsaka si ano, nagrerequest ng ganito.”

Niloko ko muna ang sarili ko pagkabasa ko ng text mo.

Siguro nga kinakamusta mo talaga ako.

Isip-isip ko, baka nahanginan ng onti ung isip mo habang asa byahe pauwi ng probinsya.

Nagreply ako sayo.

Sabi ko, “Eto, buhay pa, bakit?”

Nagtextback ka.

Sabi mo, “Pwede ko humingi ng pera?”

Pagkabasa ko, hmp, sinasabi ko na nga ba,

May hidden agenda ung pangungumusta mo.

Sa inis ko, sabi ko sayo wala akong pera.

Sa totoo lang, may ekstra pa naman akong pera.

Pero hindi ko lang alam kung kasya un sa balak mong hingin sakin.

Alam mo ba naiinis ako sayo. Naiinis talaga ako.

Alam ko namang masama ung magsinungaling at magdamot pero diba masama din naman ung abusado?

Tao lang ako, wag mo akong ikahon sa mala-santang imaheng binuo mo.

Bago kayo umuwi nung nagtext ka sabi mo last hirit mo ung hiningi mo nun.

Alam mo ba, wala pa akong tulog nung pumunta ako sa inyo maihatid ko lang ung hinihingi mo.

Hindi naman sa nanunumbat ako, pero nakakasama ka talaga ng loob.

Simpleng appreciation lang naman ung gusto ko.

Simpleng thank you.

Kaso un ung karaniwang nakakalimutan mo.

Natatandaan mo nung nagsabi ka na nagaway na naman kayo ng magaling mong asawa?

Tapos sabi mo walang iniwang pera sa inyo nung mga bata,

Dali-dali akong pumunta sa inyo para magdala ng grocery

Tapos ung salubong mo sakin, “Sana pinera mo na lang.”

Naiyak ako nung paguwi.

Nakakaasar ka kasi.

Kaw na nga ung binibigyan, kaw pa demanding.

Kaw pa ung reklamador.

Kapag nagrereklamo ako kina mama tsaka kay ate evic,

Sabi nila pagpasensyahan kita,

Kaso sobra naman.

Lagi na lang.

Mas matanda ka sakin, tapos may asawa ka na tapos mga anak.

Pero ako ung laging dapat umintindi.

Ba’t baliktad.

Andaya naman.

Oo na. Bitter na kung bitter. Pero bitter talaga ako ngayon.

Buti pa si ate evic kinukumusta ako ng walang hidden agenda.

Or si JL or si kuya Bok.

Pero ba’t ikaw iba.

Sabi nila, may middle child syndrome ka daw.

Kaya ka ganyan.

Eh ako, autistic kaya ako (self-diagnosis ko lang)

Dapat iniintindi din ako. (pampam lang)

Hehehehe

Para na akong timang, lakas talaga ng tama ko.

Tama na nga to.

Pero sana isang araw mangumusta ka sakin ng walang hidden agenda.

Paramdam mo namang ate kita at ako ang bunso.

Kahit isang beses lang.

signature2

6 thoughts on “my sister’s keeper..

  1. mstearjerky says:

    …. kamusta ka na aubu? okey lang yan… wag ka magsawa gumawa ng mabuti..
    kasi ang blessing na naishare mo ay babalik din sayo.. siguro hindi ngayon balang araw.. basta babalik hindi man galing sa taong inaasahan mo.. maaring sa ibang tao😉

    hugs nalang kita😉

  2. narsmanang says:

    teka, bakit ang dami mong spam messages? gusto ko din ng madaming spam messages, hehe.😀 ang daya.

    anyways, alam mo naman na naiinis ako (sayo ng konti at sa ate mo) pag yan na usapan. ayoko na lumabas na masyadong pakialamera pero alam mo naman ang stand ko dito sa issue na ito. medyo sobra na kasi yung pagiging dependent ng ate mo plus emotional blackmail pa. tsk. tapos sayo naman kasi hinahayaan mo pa na umasa sayo, hindi mo talaga sila kayang tiisin. pero sino ba naman ako para sabihin sayo ang dapat at hindi dapat mong gawin. hanggang payo at opinyon lang ako. pero basta, dito lang ako. kaya mo yan. aja.😀

    • aubu22 says:

      wahaha, kinakabahan nga ako sa dami ng spam messages, mamaya nakalink sa kung saan saan 2ng blog ko >:)

      hehehe, ganun talaga, kapatid ko eh, pero paunti-unti, nagagawa ko naman na silang tiisin, ung iba ko ding kapatid un din kasi ung sabi sakin,

      hehe, anyways, tenchu ng madami!🙂 ajah!

      • narsmanang says:

        haha. minsan nga maigu-google yung site mo ng mapagalaman.hehe. dami talaga ng spam, grabe my spam messages is just 10% of yours. hehe. adik lang.

        nako, nako. dapat talaga kasi konting tiis tiis ha. uhm, basta. kaya mo yan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s