LSS


LSS. Last Song Syndrome. Karaniwang sakit ko. Basta’t may marinig akong kanta or himig lang, napipick-up na kagad ng radar ko. Tapos kakantahin ko na siya paulit-ulit. Sa trabaho. Sa bahay. Sa kwarto. Sa banyo. Habang nanunuod ng TV. Habang nagffacebook. Habang nagbabasa ng manga. Basta’t inatake ako ng LSS. Patay na. Daig ko pa ang karaoke na hinuhulugan ng barya.

Nung nakaraang madaling-araw, sumakay ako ng jeep galing trabaho. At dahil Sunday. Ung mga tugtog parang hinukay nung mga taong 19kopong-kopong.

Ang kaso, kahit 19kopong-kopong pa ung ibang tinutugtog, pamilyar ako tapos kabisado ko pa. (alam nyo kasi pinalaki ako sa videoke ng nanay at tatay ko, kinalakihan ko sila Frank Sinatra, Engel Bert Humperdinck, Cliff Richard, The Platters, Elton John, at kung sino pang mga mang-aawit na hindi ko na matandaan ang pangalan pero ung mga kanta marinig ko lang ang tugtog, alam ko nang kantahin)

Nung mga asa bandang Glorietta na ang jeep na sinakyan ko, tinugtog ang isang kantang kabisado ko ang lyrics pero hindi ko kilala kung sino ang kumanta. Bata pa lang ako kabisado ko na ito. Mga elementary siguro ako. Pero alam ko mas matanda pa sakin ung kanta pero hindi ako sigurado. Nang pumailanlang ang awitin un, natagpuan ko na lang ung sarili ko na kasabay na kumakanta sa saliw ng musika.

Nang mawalay ka sa aking puso
Kung bakit hanap-hanap ka pa
Ang yong mukha’y laging
Lagi na lamang sa isipan ko

Bakit di magawa nitong damdamin
Ang paglimot sa mga nagdaan
Sadya nga bang ganyan
Pag nagmahal ay di matatakasan

Chorus:

Nais ko’y makapiling kang muli
Nais kong mayakap kahit na sandali
Kung pangarap ma’y tatanggapin ko
Ikaw pa ring ang iniibig ko

Tsugum. Bumaba na ako ng jeep. Habang naglalakad, kinakanta ko na kagad ung kantang kakarinig ko pa lang.

Pagkasakay ng bus at pagkaupo, kanta ulit ng kantang hindi ko alam ang ang pamagat.

Pagkababa at pagkasakay ng tryke pauwi, kanta ulit.

Habang nag-aayus para matulog, kanta pa rin.

Grabeng LSS.

Kinabukasan, buong araw ko pa din siyang kinakanta.

Hanggang ngayon habang ginagawa ko tong post ko, kusa pa ding nagpplay sa utak ko ung kanta.

Sinearch ko pa nga ito sa google at wiki.

Nagulat ako kasi hindi pala natin kababayan ang kumanta nung kantang nagpaLSS sakin.

Ang pamagat ng awit na sinasabi ko ay “Ikaw pa rin”  by Ted Ito. Siya ay isang hapon na may mga kaibigang Pilipino na tumulong sa pagbuo ng lyrics ng kanta.

PERO! Hindi sa kanila ung orihinal na tugtog. Pero hindi din satin. Sa isang Hapon pa din. Dibale pinattern lang nila ung tugtog sa orihinal na kanta. Pero ung lyrics walang kinalaman sa orihinal na kanta.

Nagmula ang himig kay Hideaki Tokunaga. Ang pamagat ng kanta ay “Saigo no Iiwake” na ang ibig sabihin ay Last Excuse. Isa naman siyang popular na singer-songwriter noong 1980’s.

Sinasabing madaming iba’t ibang lenggwahe na ang gumamit sa himig ng kantang sinasabi ko.

O ayan, ha. May bago na naman kayong kaalaman na natutunan mula sa sineskwela! Hehe

Hanggang sa muli! Babye! (wink)

signature2

16 thoughts on “LSS

  1. Dee says:

    Ito ang kinakanta namin nun nung nasa public school pa ako nag-aaral pag pinapakanta kami sa harapan, saka yung “Maghintay Ka Lamang.” Kay Ted Ito rin yun haha.

    salamat sa blogroll haha. badhairdee.tumblr.com

    • aubu22 says:

      sabi ko na nga ba kuya dee, nagsisinungaling ka nung sinabi mong 20 something ka lang!hahaha, matanda ka na talaga pala, tsk, tsk.. >:)

      so kailangan talagang ipost kasama ng comment ang link ng miniblog mo?hehe, peace.

  2. Junice Lopez says:

    hehehe.. hello po!

    ako din madalas ma-lss!! hehe

    minsan nga nagsasawa nako sa kakanta peo may paulit-ulit ko pa din nakakanta yung song.. hehehe..

    napadaan lang po🙂

  3. eloiski says:

    waaah! di ko alam ang kantang yan. pero oo LSS sakit ko rin yan. yung tipong ayaw maalis sa sistema mo kahit anonggawin mo. basta! kahit sa pagtulog lumilitaw. nakakaloka!

  4. Lambing says:

    ahahaha oo mganda nga sya ang ganda ng melody.. kinakanta ko din yan noon wahahaha

    relate much ako sa LSS na yan minsan kahit lumang luma na kapag yun ang narinig mo naku.. magugulat ka nalang kinakanta mo na rin paulit ulit pa😆

  5. duking says:

    maganda rin naman talaga yang awit na yan,eh.

    atin atin lang…mas gusto ko si rey valera…hahaha!!!

    tol,salamat sa pagbisita.pasyal pasyal din ako dito from taym tu taym.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s