status message..


minsan one liner. parang ganito. Inlab. Sad. Empty. Happy. Bored. Tired. At kung anu-ano pang one word na magddescribe ng current emotions nyo.

minsan naman, quotable quote or lines mula sa isang pelikula o teleserye na napanuod mo.

minsan naman, mga tag lines ng kung anu anong produkto gaya ng. Just do it! (Pamilyar ba sa inyo ito?)

minsan din mga makukulit at astiging litanya sa libro ng paborito mong awtor. (o wag ka magkakaila, alam kong minsan sa buhay mo ginamit mong status message ang ilan sa mga famous lines ni Bob Ong )

minsan panggulo lang. Minsan puro tutuldok or panandang pananong. Depende din sa trip.

dahil wala akong magawa dahil tapos ko na ang report ko, naisip kong icheck ang mga status message ng mga nakaonline sa jabber dito samin. (sa trabaho)

charan!

Employee #1: same old shit – status message ng isang taga ibang department samin. Iniisip ko siguro bored na din siya (gaya ko) sa ginagawa nya. Ang kaso wala namang magagawa kasi kailangang magtrabaho. Aba. Hindi ata birong humanap ng trabaho ngayon. Hehe (andami kong sinabi)

Employee #2: pede naman pala – hindi ko alam kung anong pwede ung sinasabi nya dahil hindi ko naman siya kilala. Basta un ung status message nya.

Employee #3: Happiness is not having what you want. It is wanting what you have – naks, naks, punong-puno ng wisdom. Equivalent to Happiness is Contentment. Oha, oha.

Employee #4: Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa itaas, minsan sa baba. Pero di lang gulong ang kailangan para tumakbo ang buhay. Kailangan may ‘shock absorber’ din para gumaan ang biyahe. Kaya nga nandito ako – nakakatuwa ang status message na ito. Siguro may special na tao sa likod ng message na ito. Pero pwede ding pamboxing na status message. hehe

Employee#5: Who said time can heal all wounds? I do not agree. In time, the mind, keeping its sanity, is able to put a wall to protect itself from destruction and minimize the pain, but the wound remains. – I second the motion. Time doesn’t heal all wounds. Minsan nakakasanayan mo na lang ung sakit na nararamdaman mo tapos nagiging manhid ka na. O kaya gaya ng sabi sa status message, nakakagawa ka ng barrier to separate yourself from those things that hurt; hence minimizing the pain.

Employee #6: Proverbs 6:25-29 — Do not lust in your heart after her beauty or let her captivate you with her eyes, for the prostitute reduces you to a loaf of bread, and the adulteress preys upon your very life. Can a man scoop fire into his lap without his clothes being burned? Can a man walk on hot coals without his feet being scorched? So is he who sleeps with another man’s wife; no one who touches her will go unpunished.” – siguro ung isang ito, kinukumbinsi nya ung sarili nya na hindi dapat maging alipin ng kamunduhan. Tama nga ba? Parang ang lalim kasi ng status message nya ang hindi maarok ng slow kong utak.

Employee #7: It is always better to be noticed for the RIGHT reasons. – I second the motion. Kung mapapansin or magpapapansin ka na lang, dapat dahil may maganda at tamang dahilan. Wag kang maglalaslas ng pulso. Tatalon sa 46th floor ng isang building. Papatay. Or anu pang kahindik-hindik na paraan ng pagpapapampam. Pwede na siguro ung umanggulo ka sa profile pic mo sa fs or fb (basta wag naman ung mahalay na anggulo, haha)

Employee #8: Effin’ Tired. – hindi ko alam ung ibig sabihin ng effin’. Uhm, ang alam ko kasi karaniwan pag may mga ganyang status message, ganito ung banat. F*c**n’ tired or Feelin’ tired. Pero ung effin’ hindi ko talaga alam.

Employee #9: I take one step away then I find myself coming back to you. My One and Only…One and Only You. – yihee. Inlab ung may-ari ng status message na ito. (assuming?haha)

Employee #10: Always be sincere even if you don’t mean it.– ahm, hindi ko masyado alam kung paano ieexecute ang isang ito. Paano ka macoconsider na sincere kung hindi naman talaga? (sumakit ulo ko, hehe) Pero baka applicable to sa mga trapo na mukhang sincere (lalo na ngayong kasi malapit na eleksyon).

Employee #11: life is too short to make it complicated……………keep it simple- live simply. Weh, basta un. Hehehe. Alam nyo na yun. Self-explanatory. >J

Employee #12: Lee Dwyze – peyborit na contestant nito sa American Idol. Gwapo daw kasi at may magandang boses (malaDaughtry at Cook combi), ba’t alam ko? Sinabi nya sakin. hehe

Employee #13: A part of you has grown in me. And so you see, it’s you and me. Together forever and never apart, Maybe in distance, but never in heart. – sigurado ako na para ito sa kanyang better half na nasa malayong lugar. Hehe (tagadept. Naming ito eh)

Employee #14: . im lost.. i feel so empty.. i feel so numb and lifeless..- malungkot siguro may-ari ng status message na ito. Kung anu man ang problema nya, sana maging maaus na siya para maging full of life na siya kinabukasan.

Employee #15: Dibale nang tamad. Hindi naman pagod. – Tama! Apir tayo kuya!hehe

Employee #16: visit Ewong’s Restobar @ Baypark Roxas Blvd. near Aristocrat…. – hmm..siguro kakilala nya may-ari ng restobar na inaadverstise nya. Anyways, hindi ako pupunta dun, kasi wala naman akong pera.

Employee #17: you’re serenity…you took away the bad days – siguro inspired itong isang ito. Sowsyal, may tagapamayapa sya ng kanyang buhay.

Employee # 22: needs to do tongue twister – ako un! Pilipit na kasi dila ko dahil sa mga Briton na kausap ko. Ang hirap na ngang intindihin sa kapal ng accent nila, mahirap pati kausapin.

Kung bakit 22 kagad? Pagod na kasi ako. Maglolog out na din ako at uuwi. Babye! (wink)

signature2

15 thoughts on “status message..

  1. Lambing says:

    wahahaha nakakatuwan naman itong status message ano?? hay naku naalala ko yun l take one step away from you and i always find myself coming back to you my one and only ayiii

  2. Dee says:

    hindi ka rin busy para magtitingin nyan ano? kilala ko kung kanino yang iba diyan🙂

    shameless plugging: “Ewong’s” is owned by Sherwin Ordonez (TGIS, remember? hahaha). Pinsan sya ni gurl na may status message na yun.🙂

    • aubu22 says:

      haler, FYI, tapos ko na ung report ko nung sinimulan ko 2 noh, i’m just passing time (tama ba?haha)

      talaga?naku, nakalimutan ko na kung kaninong status message yan eh, sori naman, haha >:)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s