tanong ko lang…


Pwede bang painstallan ng WIFI ang Samsung Corby na walang WIFI?

Ung ate ko kasi na pinsan ko din, binenta sakin ung celepono nyang Corby na nakuha nya sa kanyang plan800. Dati ko na gusto ng touch screen pero ung Samsung Lindy ung gusto ko kasi dual cam tapos may wifi (kaso after 20 years wala pa din siya ditto at hindi ko na sya mahintay)

San pwede magdownload ng free software na pangconvert ng MP3 to AAC audio files?

Last Saturday, I bought a DSi at GSC. Sa super excitement ko, paguwi ng bahay mega transfer ako ng MP3 files sa SD card ng aking DSi  not knowing na hindi pla magwowork un kasi ung tinatanggap ng DSI ay AAC audio files. Talk about technical ignorance. Haha. Bili lang bili pero walang alam. Kaya eto.  :P

Worth it ba bumili ng alumor metal case para sa DSi?

May nakita ako sa GSC na alumor. It costs 500. Sa totoo lang may case na ako, kasama sa package ng DSi na binili ko. Pero parang ang cute nya kasi, haha. Extravagance, it is. Haha, yabang. J

Gusto ko ng Wickham drawing tablet, magkano kaya un?

Nung isang araw, ininterbyu ako ng isang training officer samin, napagkwentuhan namin na he’s into arts. Sabi ko ako din. Sabi nya anung medium ko. Sabi ko pen, pencil, pentel pen, paint sa computer. Sabi nya if I’m into such medium, nirerecommend nya ang Wickham tablet. Sinabi nya ung presyo kaso nakalimutan ko.

May lalake pa bang existing na magsasabuhay ng litanyang  “Be my girl and I’ll court you forever” hindi lang sa salita kundi pati sa gawa ? (redundant na ba)

Biglang nagparamdam ang isa kong tropa. On the rocks ang relationship nya sa kanyang jowa. (sori naman at ishinare ko, atin-atin lang ito ah). So aun nga. To cut the story short, pakiramdam nya tinetake for granted sya, busy-busyhan kasi si guy. Tapos sa tuwing magoopen up sya, parang galit pa si guy tapos in the end si girl pa magsosorry. Wish nya sana daw ligawan stage na lang forever kasi sa part na un ng buhay feeling nya importante sya. Number one priority. Pag kayo na daw, parang wala na.

Kapag ba nagpupunta ka ng bar at hindi umuuwing lango/lasing, ibig bang sabihin hindi ka nag-enjoy?

May nakipagchikahan saking tao na ang sabi abnormal daw ako kasi hindi ako uminom nang alak nung party at uber sober pa daw akong uuwi. Sabi norms ngayon na dapat pag nagpunta ka ng bar at nagparty, gumagapang ka na palabas ng bar sa kalasingan. Hmm. Tingin nyo? (Not my thing I guess)

Bakit palaging mainit sa hanay ng department stations namin?

Hindi ko alam kung may galit sila kuya at ate guard pero simula nung maglipatan ng stations ang mga department samin, lagi na lang mainit. May aircon pero parang sa hanay lang namin ung sira. Hmpf, daya. J

Anung meron sa curling at adik dun ang mga Briton?

Sinearch ko ang larong curling pero kahit anung gawin ko hindi sya magsink-in sa utak ko. Larong parang nagkakaskas ng yelo. Speaking of yelo, naiisip ko ang halo-halo. Yum yum

Panu nabubuo ang accent? Ba’t may iba’t ibang accent? Para san un? Ba’t kailangan nun? Anung relevance ng accent mo sa buhay?

Sa buong buhay ko, madami-dami na din akong nakasalamuha at nakausap. May Tagalog, Batangeño, Waray, Ilokano, Kapampangan, Boholano, Pangasinense, American, Fil-am, Japanese, Chinese, Thailander, British, etc. Mula local to international. May mga accent sila. Hindi ko alam kung paanung nangyaring may accent ang isang tao. Ba’t may accent? Anung silbi ng accent? Ba’t hindi na lang pare-pareho ang accent? Hindi ba mas malelessen nito ang burden in relation to miscommunication? Baka mas may kapayapaan kung pare-pareho tayo ng accent.

Bakit kailangang may mga bagay kang dapat gawin kahit ayaw mu nang gawin?

Dahil ba no choice. Pero sabi ng kakilala ko, you always have a choice. Na sa sayo na lang un.

Ba’t madami akong tanong?

Hindi ko din alam. At wag nyong sabihin na igoogle ko na lang. Naaasar ako sa mga taong karaniwang sinasabi na everything is just a google or click away kasi hindi naman laging ganun. Tsaka, kaya nga nagtatanong eh,😛

signature2

6 thoughts on “tanong ko lang…

  1. duking says:

    random answer to questions in order:
    1.i don’t know much about tech so i’ll just skip answering the things i dont know.
    2.wickam drawing tablet is sold like goldbars.try starting out with cdr-king pen tablets.you’ll get the same feel like using a conventional pen or pencils and yes…it was like just buying a chocolate bar.(it works mostly in all the popular programs like photoshop,pixarra,corel draw etc.)
    3.no,its not cool to go like swimming in the curveside whenever you get out from the bar.a little alcohol will do the trick when fun is the reason kaya ka iinom.never ever drink kapag malungkot ka.(payo ko lang)
    4.accent is base on the…distinctive character lang siguro ‘to to separate the local from others.parang si maggllan lang yan,napatay dahil sa accent.hehehe!
    5.marami kang tanong kase cute ang taong pala tanong.

    • aubu22 says:

      una sa lahat, salamat po sa pagsagot sa mga kaadikan kong tanung, haha

      -preho tau ala sa tech xadu

      -huwaw, pag nagkapera ako, dadalaw ako sa cdr king!salamat sa tips!

      -I second the motion😛

      -ahm, feeling ko pa din dapat lahat na lng dapat walang accent este dapat pare2ho,haha

      -wahaha, lalo akong magffeeling cute nyan >:)

  2. kayedee says:

    at ang sgot q s mga tanong u e! hindi ko alm bout technology! hehhe. basta ang alm q lang gus2 kong bumili ng ipone pra swak sa pagiging net adik q! nyahhah..

    pero isa lang ang alm q! pag mrami dw tanung matalino…..
    ay teka sa bata lng pla un! hahah. bata kba?? nyahhahh

  3. narsmanang says:

    Worth it ba bumili ng alumor metal case para sa DSi?
    -sayang ang 500, akin na lang.🙂
    Gusto ko ng Wickham drawing tablet, magkano kaya un?
    -try mo yung sabi ni duking sa cdr king, gusto ko din bumili nun.
    May lalake pa bang existing na magsasabuhay ng litanyang “Be my girl and I’ll court you forever” hindi lang sa salita kundi pati sa gawa ? (redundant na ba)
    -uhmmmm… wala? sabi ko nga, baka si aga muhlach
    Kapag ba nagpupunta ka ng bar at hindi umuuwing lango/lasing, ibig bang sabihin hindi ka nag-enjoy?
    -bwahahaha. hindi pa ako nakapuntang bar. korni kung magsusuka-suka ka, mananakawan ka, mattsansingan ka, maliligaw ka at mageeskandalo ka dahil sa kalasingan.
    Bakit palaging mainit sa hanay ng department stations namin?
    -tanong ko din yan
    Anung meron sa curling at adik dun ang mga Briton?
    -alam ko hindi lang briton ang adik dito. hindi ko din magets kung ano nakakaenjoy sa pagkaskas ng yelo
    Panu nabubuo ang accent? Ba’t may iba’t ibang accent? Para san un? Ba’t kailangan nun? Anung relevance ng accent mo sa buhay?
    -tinanong ko din to kay ate ching, sabi niya parang accent ko lang yan bilang pilipino. nasa dila na.
    Bakit kailangang may mga bagay kang dapat gawin kahit ayaw mu nang gawin?
    -kasi nagpapilit ka na gawin mo. kung gugustuhin mo talaga pwede mong hindi gawin ang ayaw mo. pero kadalasan sunod na lang sa norms?
    Ba’t madami akong tanong?
    -kasi mataba ang utak mo. naks.

    wala akong sagot sa first 2 kasi malay ko.😀

    • aubu22 says:

      – ahm, akin na lng ung 500, ndi na ako bibili dahil sayang,😀
      – pag may pera na ako, bibili ako nun, haha
      – naku, sayang naman, taken na si aga mulach, haha,
      – korni talaga
      – ahmf,pangarap kong magkaron tau ng sriling electric fan sa stations kung ndi man maaus ung aircon
      – hindi ko talaga magets ang curling >:)
      – bat nga, hehe, sana wala na lng accent >:)
      – hahayst, sabagay, sabi you always have a choice, hehe, sana ndi ako gullible na tao>:)
      – ndi mataba utak ko, patunay lng i2 na matanong akong tao, hahaha😛

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s