clueless..


May nakausap akong VIP player kanina, nagpapaclose siya ng account samin.

sabi niya, “I’m very happy with you guys but I must do this”.

Finorward ko sa Shift Manager sabi contact Risk to close the account tapos send email sa VIP escalations.

Habang nagcocompose ako ng email to be sent sa VIP esca, naisip ko bigla, paano kung bukas matanggal ako sa trabaho? Anung gagawin ko?

Hmm. Anu nga ba? Dahil wala pa akong isang bagay na gusto ko talagang gawin,

Eto ang listahan ng nga mga naisip kong gagawin.

1. Magbabakasyon muna samin para magsoul searching. Naks, haha. Pwede ring retreat sa kung saang bundok na pwede.

2. Mag-enroll ng Zip Fire lesson na sinasabi ni ate Ching. Ung sumasayaw na parang majorette pero ung bawat dulo ng baton may apoy na nakalagay.

3. Magenrol ng Art and Painting lessons sa Tesda,

4. Magbabarista sa kung sang pwede na coffee shop maliban sa Starbuko.

5. Mag-eenroll ng guitar lessons para naman hindi puro chorus at intro lang ang alam kong tugtugin tuwing nagguguitara.

6. Iisa-isahin ang mga hospital sa Calamba at mag-aplay-aplayan.

7. Maglaro ng peyborit kong Nin games at iba pang arcade games hanggang sa lumuwa ang mata ko at magsawa.

8. Ubusing basahin ang lahat ng manga komiks na asa listahan ng onemanga.com at mangafox.com.

9. Maging KaTuGa. Kain. Tulog. Gala. Sowsyal na buhay. hehe

10. Magbasa ng books. Madaming madaming books. Hanggang sa antukin ang utak ko at maisip nyang matulog habang buhay. (hehe, comatose?)

Wala pa akong gagawin pag biglaan akong natanggal sa trabaho. Pero siguro may masisimulan ako kung sakali. Kung ano ang sisimulan ko, hindi ko pa alam. Hindi ko rin naman sinasabing sana matanggal ako sa trabaho. Ayaw ko sabihin sa sarili ko na “I’m fired” or “I was forced to resign”. Maliban sa masakit sa bulsa, mas masakit sa ego. Parang mas okay ung “I resigned”. Kung kelan ko un sasabihin? Ewan. Baka bukas. Sa makalawa. Sa isang buwan o sa isang taon. Abangan. (parang mahigit dalawang taon ko na 2ng sinasabi sa sarili ko) hahaha >:)

signature2

22 thoughts on “clueless..

  1. duking says:

    wow…may mga plano ka na ah?most of those things,pwede mo pa ring gawin with your regular job.don’t quit just yet.mahirap kapag walang trabaho nowadays.more than the money na kinikita natin kasi,may intangible benefits din ang pagta trabaho.

    magandang araw sa inyo!

  2. chevybo says:

    hello! pasensya na’t ngayon lang ako nakapag comment sa’yo. maraming salamat sa pag welkam! parang ok ung #s 4&5. barista na singer pa! oha! maraming salamat sa pagdaan sa bahay-cubo ko. sa uulitin!πŸ˜€

  3. eloiski says:

    wow! at may plano talaga. gusto ko ang mga plano mo. weeheee! lalo na yung sa anime at saka sa art lesson at saka yung zipfire at 9 at 10. ang ganda! dakilang bummer! oh yeah!

    • aubu22 says:

      hahaha, sa una baton ata muna ung gamit, pero pag practical chuva na, may apoy na..naku yari nga pakpak mu,ahm, suot ka ng fire-proof na suit personally made para sa pakpak mu, hehehe

  4. chyng says:

    ansarap isipin! yung kahit 1 month lang na di ka talaga magtrabaho, kapagod kasi minsan.
    parang gusto ko sa bicol, shet ang ganga ng calaguas ng camnorte, caramoan ng camsur, donsol ng sorsogon. pupuntahan ko ulit ang mga yan!

    enjoy your pinatubo trip! Ü

    • aubu22 says:

      huwaw!salamat po sa pagbisita, astig po talaga ung mga lugar na napuntahan nyo, ms. Chyng..

      balang araw, pupuntahan ko din paisa-isa ung mga un, hehe, inadd ko po kau sa blogroll ko, tenchu!:)

  5. gelat says:

    Eto ang listahan ng mga naisip kong gawin para matulungan ka sa listahan ng mga naisip mong gawin.. (nice pwede na kong maging poet. haha!)

    1. Soulsearching sa dagat mas maganda, tara sa batangas., =) promise hindi sa punto miguel., haha!
    2. Pwede kong magdonate ng libreng unlimited posporo basta ipangako mo hindi ka malalapnusan..sayang ang flawless skin cuz-to-be..
    3. Wooooh! Sakto! gusto ko din yan eh., sama ko!
    4. Sige para matupad ang pangarap mo na magbarista eh magtatayo ako ng coffeshop sa berkley square sa tandang sora.. “Kapeng Barako specially brewed by Aubu”. ay ampanget. teka iisip pa ko ng iba.. hmmmm… wala.. sige 3-in-1 ni aubu na lang.. haha!
    5. Yung kapatid ko nagtuturo ng maggitara yun, libre lang.. uu.. basta matuto ka muna maggitara sa kaliwa., ajejeje. left handed.
    6. Apir! tama yan.. Iyo na ang Calamba, akin ang Calaca. haha!
    7. Pwede magsawa na lang? parang nakakatakot yung lumuwa ang mata cuz.to.be..
    8. Ayos! Tapos patusin mo na din yung komiks sa tiktik ah.. masaya din yun.,πŸ˜‰
    9. Wow! I like that katuga ah.. ako din join jan., magpataba tayo! wooooh!
    10. Ah gusto mo ah.. gusto ng pampatulog? yung mga libro ni kuya benj ng MS andito pa.. instant pampatulog yun (NEVER PANG PUMALYA.. TRUST ME..)

  6. kayedee says:

    eh kung aq sau iha eh magpatanggal ka n sa work! daliiiii hehhhe… e ang srap ng mga inicp ung gwin pag wla n u work ehπŸ˜‰.. mag iicp dn kya me pra maicp kong mag patanggal! ahahah..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s