a koreanovela invades bahay ni tito..


Bangag ako. At kasalanan ko ito. Nag-aadik kasi ako.

I’m a sucker for koreanovelas that has a nice loves tory coupled with a little comedy. Actually, kahit hindi koreanovela, kahit mga short movie chick flick. Gusto ko ang mga lab stori na madaling sakyan. Nakakatawa na nakakainlove. Ayoko ng mabigat sa puso na tipong pagtapos mong panuorin feeling mo pasan mo ung langit at lupa. Gusto ko ung mga telenovela at palabas na tipong pagtapos mung panuorin para kang nananaginip (gaya ng nararamdaman ko ngayon, wahaha)

alam nyo ba, nung isang gabi after ng shift ko ng 2-11pm, aun nga, nanuod kami ng You’re Beautiful, isang koreanovela. Unang sumuko sa panunuod si haw, 3am natulog na siya, pero sabagay may pasok pa kasi siya ng 1:30pm nung kinabukasan. Tapos si Maida sabi nya dapat matutulog na siya ng mga 5am, Nagliwanag na at dumating na ang 5am, hindi pa din siya natulog. Pero natulog na sya mga magsisix ata. Isa pa din siyang may pasok. 2pm. Pero dahil nanunuod pa ako kanina, nahalina siyang manuod, wahaha.

Bakit gusto ko ang You’re Beautiful? Cute kasi ung love story. Simple. Tapos maganda ung setting. Tapos trip ko umarte ung mga artista. Tapos light na may dating sa puso ung kwento. Tapos maganda ung character ng bida. At habang tumagatagal gumagwapo ung mga lalaking bida sa paningin ko, hahaha. (hindi ko naman siya masyado iniendorse, hehe)

You're Beautiful

You’re Beautiful literally means “You’re a handsome man” or “You’re Minam” ayon kay pareng Wikipedia. Pinalabas siya sa Korea last October 7, 2009 – November 26, 2009. Ito ay tungkol kay Go Mi Nyu, isa siyang sister-in-training. Meron siyang kakambal, si Go Mi Nam, siya ay nag-audition at nakapasa sa isang sikat na musical band, ang A.N.JELL. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, kinailangang pumunta ni Go Mi Nam sa US  para mapaayos ang enhancing sanang plastic surgery effort na dinaanan nya. Dahil magpipirmahan na ng kontrata, humingi ng tulong kay Go Mi Nyu ang manager ng kambal nya para magpanggap munang siya si Go Mi Nam sa loob ng isang buwan. Kahit nag-aalinlangan si Go Mi Nyu na mangpanggap na si Go Mi Nam, nang malaman nya ang dahilan ng kakambal kung bakit nais nitong maging sikat na singer, pumayag na din siya. Sa pagpapanggap ni Go Mi Nyu bilang si Go Mi Nam, nakilala nya ang 3 member ng A.N.JELL na sina Hwang Tae Kyung, Kang Shin Woo and Jeremy.

Nung una ayaw ni Hwang Tae Kyung (leader ng band) kay Go Mi Nyu/Go Mi Nam. Pero sa kinalaunan, naging okay din. Nainlab si Go Mi Nyu bilang Go Mi Nam kay Tae Kyung at nadevelop din naman ito sa kanya. Kaso nainlab din kay Go Mi Nyu ung 2 pang member. Tapos may karibal pa siya kay Tae Kyung, isang magandang artista din na maliban sa A.N.JELL members ay nakakaalam din ng tunay nyang pagkatao.

Hindi siya mukang nakakakilig pag kinuwento lang. Mas magandang panuorin. Isa pa, hindi naman ako mabulaklak magsalita para maisalin ang mga nakakakilig na eksena gamit ang pagsusulat. Kaya ang maipapayo ko sa inyo, panuorin niyo na lang, hehe.

signature2

4 thoughts on “a koreanovela invades bahay ni tito..

  1. How to earn real money online? says:

    Dami nang na-aadict dito ah.=) Magkasabay pa kau nung isang blog na nabasa ko. about dito din kasi!

    Padaan lang po!
    Cheerio!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s