zoo at gobyerno..


sa gobyerno, madaming tao, iba’t ibang klase ng personalidad at pagkatao

sa zoo, madaming hayop, iba’t ibang katangian at pagkakakilanlan

zoo at gobyerno, parang kape at pandesal, champurado at tuyo

nitong nakaraang byernes lang, nagtour kami sa gobyerno este sa zoo..hehe

batang gala😛

pagpasok namin sa vicinity ng Avilon, nagbayad kami ng ticket gamit ang credit  card ni maida at tinatakan ang aming mga kamao.

tatak sa kamay ng mga batang lagalag😛

after ng tatakan, umariba na kami sa paglalakad kasama ng tourguide namin.

aubu at maida kasama si ateng tourguide😛

lakad, tigil, picture, tingin, ganito ung naging takbo ng tour namin.

Hindi ko alam kung anung tawag sa board na may design tapos pwedeng ipasok ung buo mong mukha para magpapicture. Pero dahil sa bagay na un, para kaming nag-iba ng pagkatao saglit, si kuya bert ung katawan nung babae ung pinili tapos ako ung sa lalake pati si maida tapos salitan ulit. Ang kulit.

girl boy bakla tomboy

Naisip ko na naman ang gobyerno pati showbiz, may mga straight at may silahis. May mukhang babae pero pusong lalake. May katawang lalake pero ang gusto lalake din.

Habang naglalakad kami, andami ko pang natutunan maliban sa mga bagay na inilathala (naks) sa nauna kong post.

kasama ng mga ibon😛

Dati pangarap kong maging ibon, ung malayang makalipad sa himpapawid tapos lahat pwede mong gawin. Sa ngayon, hindi ko na siya trip, maliban sa mga salbahe na trip kang gawing praktisan ng shooting stunts, pwede ka ding gawing pulutan sa hapag.

ang mabagal pero mahabang buhay na pagong

Mapunta naman tayo sa pagong. Sabi ni ateng tour guide kung ano ang ikinabagal ng takbo (or lakad) ng pagong ay siya namang ikinahaba ng buhay nito. Pwede silang mabuhay ng lagpas daang taon. (aun ay kung mapupunta sila sa mabuting kamay) Naalala ko tuloy ung naging alaga kong pagong.  Ang pagong kong si Johny. Sa kasamaang palad nung elementary ako, umulan ng malakas at binaha kami, nung humupa na ung baha, hindi ko na nakita ung alaga ko. Siguro tinangay ng ilog sa kung saan.

super ears!

kung totoo man ang kasabihang may pakpak ang balita at may tenga ang lupa, mamaniin lang ito ng mga malilit ng foxes sa larawan. Sabi ni ateng tour guide, malayo pa lang kami, nadedetect na daw kagad ng mga cute na cute na fox na mga ito na parating kami. Instant sound & motion detector! kabilib!

guinea pig😀

At bago ko makalimutan, nagpakain din pala ako ng carrots sa mga guinea pig. Si kuya bert pa ung bumili ng carrots. Kaso ayaw nila pareho ni maida pumasok sa kulungan kaya ako na lang. Sabi nung ate dun, ambilis daw dumami ng guinea pig kaya for population control pinapakain sila sa iba pang hayop dun gaya ng ahas. yay.

wahhh >:)

ang maging predator or maging prey? eto lang ang mapapagpilian mo sa zoo at gobyerno. Pero naisip ko, pwede kang maging both in different kinds of situations. Kung isa kang itik, pwede kang predator at prey mo ung mga bulate tapos prey ka ng mga buwaya. Pag tigre ka, predator ka ng ng mga mas malilit sayong hayop. Kung tao ka, predator ka ng mga kawawang hayop na may malinamnam na karne. At pwede ka ding maging predator at prey sa kapwa tao mo, depende na lang sayo. Sabi nga nila bilog ang mundo.

kids at heart ♥

maiba ako, isa pa sa narealize ko sa trip na un ay I will always be a kid at heart and so are my companions (sila maida at kuya bert). Alam ko lahat tayo may inner child sa loob.😛 20 something na mga nilalang, dumayo sa isang lugar na hindi sila pamilyar para lang masaksihan ang mga hayop sa zoo. Teka, anu nga ba sa tagalog ang zoo?

signature2

3 thoughts on “zoo at gobyerno..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s