dear manong,
una po sa lahat,
gusto ko po magpasalamat sa kabutihang ginawa niyo sakin ngayong umaga
pasensya na po at nakalimutan kong magthank you sa personal
excited po kasi akong umupo sa upuan nyo
lagpas 30 minutes na po kasi akong nakatayo sa may terminal at nag-aabang ng sasakyan
kahit nga po siksikan sa bus na sinakyan ko kung saan isa kayo sa pasahero,
pinilit ko na lang sumiksik kasi naubos na ung mahigit 30 minuto ko sa abangan ng sasakyan
masaya po ako at may mga lalake pang gaya niyo (sana dumami pa kayo, hehe)
sanay na po akong hindi pinapaupo pero minsan syempre masaya kung may mag-papaupo sa bus na siksikan
hindi po ito ang una, pero parang ilang linggo na ung nakalipas nung huling may nag-offer sakin ng upuan nila
kaya po sobrang saya ko nung pinaupo niyo ako sa upuan niyo
ambait nyo po manong, apir!
sa uulitin po ha?
lubos na nagpapasalamat,
aubu
meron ding nagpapaupo sa akin, kahit malaki katawan ko. apir! naalala ko nung nakadress ako papuntang central, sobrang sabik na paupuin ako ni manong, parang perstaym niyang makakitang nakadress na nakipagsiksikan sa bus. 🙂
wahaha, sowsyal!nagandahan siguro si manong sayo 🙂
iilan na lang ang gentleman sa mundo..
dahil diyan para kay manong gentleman.. isang saludo para sayo.. hehehe.. at para sayo aubu, swerte mo.. hehehe..
padaan po
hehe, I agree with you. Sana kahit hindi araw-araw ang swerte, every other day or every week man lang, haha, apir!salamat sa pagdaan, nhix! 😛
hoy,miss!
ako yung nag paupo sa’yo.
joke lang.hahaha!
nakakatuwa kase marami pa ring mababait kahit minsan puno na ang paligid ng mga taong walang paki-alam.
masaya pa rin talaga ang mundo dahil kay manong no?
magandang araw!
ay kayo po ba?namumukhaan ko kayo, haha
kaya nga po,
e2 po siguro ung sinasabi sa desiderata na “With all its sham, drudgery and broken dreams; it is still a beautiful world. ”
gandang araw din po:)