toyang


sa kasalukuyan, halos 2 buwan naย  akong umaattend ng Apprenticeship/Management/Leadership training samin
gaya ng nasabi ko sa mga sinauna kong post, napili akong kandidato sa isang managerial post samin

nitong nakaraang linggo nakatanggap ako ng sulatroniko na sinasabing may assessment ako ngayon
7pm dapat un kaso sa kamalas-malasan, nalate ako at 7:45 na ako dumating (partida maaga pa ako umalis nyan samin)

buti na lang mabait ung mag-aassess sakin kaya nagstay pa siya till 8:30 pm

una binigyan nya ako ng 1 bond paper kung san nakalagay ung assessment sakin nung initial interview tapos ung assessment sakin mismo ng nagcoconduct ng Apprenticeship/Management/Leadership training

andaming nakalagay, andami nilang sinabi, at dahil sobrang daming nakasulat, hindi ko na maalala lahat. Pero sa kabuuan, muka namang okay.

tinanong ako, kung ililipat ako sa ibang department at irerekomenda ko ung sarili ko, ano ang aking mga selling points

dahil kulang sa grasa ang kinakalawang kong utak, ang nasabi ko lang ay ung flexibility at easy adaptability (sabi ko sa department namin pang-apat na team ko na ung team ko ngayon at so far, I’m doing good, kung susuriin nyo mabuti, halos pareho lang un, boka lang onti para masabing may laman ung sagot ko)

tapos may tanong pa siya ulit, kung merong akong iwwish na wag itanong sakin, ano iyon at bakit?

(Ms. Philippines year kopong-koppong says ahm ahm, I think it would be the personal relation with co-workers. You see, I’m contained in my own little world. I’m not friendly and very distant especially to those collegues that I’m not comfortable talking to)

Sabi niya, hindi naman daw un kaso kasi sa corporate world, hindi friendship ung mahalaga, what is important is you get the job done. Kung nagkaron ka ng okay na kaibigan sa workplace, bonus mo na lang un, kung wala edi wala.

may parang survey pa siya na tungkol sa evaluation ko sa performance ko. Sinagutan ko un. tapos diniscuss sakin, sabi niya masyado daw ambisyoso ung grade na binigay ko sarili ko, (5 kasi ung highest tapos mostly na sagot ko 4 at 3, haha, oo mayabang na ako, cge na)

tinanong niya ako kung ilang taon na ako, edi sabi ko, I’m _ _ , tapos sabi niya Wow. You’re _ _ . You’re too young to be included in the training. But then, you were included. Imagine what you can reach at 25? (un ung natatandaan kong sinabi niya)

I’m too young. Sa totoo lang, mega agree ako sa kanya, kung may mas pa nga sa strongly agree, siguro un ung sasabihin ko. Maliban sa isip bata pa ako, I wasn’t eyeing for any position in our company. ang gusto ko lang nung pumasok ako dito ay magkatrabaho at magkasweldo. kaya nga sobrang surprised ako na selected ako. tsaka hindi ako nagpapakitang gilas sa trabaho. ginagawa ko lang ung trabaho ko.

naalala kong comment sa performance ko “she’s just doing enough to keep her head afloat”
translation, normal na performance, walang espesyal

too young

oo. bata pa ako. sa isip. sa pagsasalita. sa gawa.

ung outlook ko sa buhay hindi akma sa edad ko (siguro ung connotation na mas mature mag-isip ung babae sa lalake sa ibang babae lang applicable kasi sakin parang way off)

madami pa akong dapat matutunan.

madaming tao pa ang magsasabi sakin na I need to open up a little

madaming tao pa ang magsasabi na I should think outside the box

ang masasabi ko lang

sige kayo na ang maging mature, ayaw ko pa, hahaha

joke lang,

hmm, sabi nga patience is a virtue

antayin niyo lang. late bloomer kasi ako

who knows? baka pag nagmature na ako, wala na ako dito sa trabaho, hehe

signature2

22 thoughts on “toyang

  1. narsmanang says:

    si ate jelyn, 22 lang nung maging SM, wala yan sa edad. haha.

    kung makuha mo man yan. good for you, dagdag sweldo. hehe. kung hindi naman, siguro iba talaga ang path para sayo.๐Ÿ™‚

    • aubu22 says:

      hehe, hindi ko nga po alam kung bakit sakin binibigay ung mabigat na posisyon na un eh kulang pa naman ako sa exp, kumbaga sa dota malambot pa >:)

      sabagay okay nga kasi malaki sweldo nun, kaso with greater salary comes with greater responsibility po diba? >:)

  2. boymarasmus says:

    Wag mo na lang pansinin yung mga nagmamagaling sa apprenticeSHIT training mo. Wala naman silang alam, I mean di mo naman pwede i-summarize yung kakayahan ng isang tao base sa 2 buwan na training, di ba? Ano’t ano pa man, matututunan mo lahat ng kailangan mo along the way. Learning by doing. Meron kasi magagaling nga sa classroom setting pero pagdating sa actual na, wala nang kwenta. Ang hindi marunong mag-adapt, talo and you have proven yourself more than once na kaya mo gawin kahit anong pagawa sayo. Dito sa work natin, “Just doing enough to keep your head afloat” is more than sufficient especially if you’re surrounded by sharks na hihilahin ka pababa once na malaman na isa kang threat sa kanila dahil sila yung gustong umangat. Basta gawin mo lang nga maayos yung work mo, di mo naman kailangan magpasikat kasi di naman to Showtime eh. Apir!

    P.S. Abolish na dapat yung Training Department! Death to all EOP Nazis!!

  3. orville says:

    take your time sa pagmature.. di mo dapat minamadali o pinipilit. kung minsan nga lang nagiging mature tayo dahil sa mga karanasan natin.. nagiging mature tayo dahil kailangan na.. at ang pagiging mature naman is not a time gauge thing.. sometimes merong napaka mature sa batang edad at meran namang immature sa matandang edad.. you act your age lang.. yan ang tama..๐Ÿ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s