Monalisa: the second generation


kumusta ka na? sana okay kayo ngayon,

ako? andami kong problema at andaming inaalala

buti na lang may kung anung generator  pa ng pag-asa sa barubal kong utak

kaya kahit paano, payapa pa din akong nakakatulog

kahapon absent ako sa trabaho dahil may problema, ikaw

tumawag ako sa boss ko sa pagitan ng hikbi at sinok

sabi ko hindi ako makakapasok, family emergency

buti na lang sabi lang niya okay at hindi na nag-usisa

sakit sa ulo talaga kahapon, alam mo ba?

gusto kong magwala kahapon matapos kitang makita,

gusto kong uminom at magpakalunod sa alak (at wag mo akong ikukumpara kay hitler, magkaiba kami okay? ako pabote-bote lang, siya balde balde, ay dram-dram pala)

gusto kong mambugbog pero dahil wala ung magaling na taong gusto kong bugbugin

dinaan ko na lang sa iyak at pagsuntok sa pader (pero saglit lang kasi, ahm, masakit kaya)

anak ng tokwa, ng tinapa, ni hudas, ni barabas, ni hestas

sa lahat ng mamamana mo kay ermat, ung kamartiran  niya pa

hanggang ngayon, naiiyak pa din ako,

hindi ko maintindihan na may isang taong tulad mo na 6-feet under ung pride

na may nanay na gaya mo napakaramot na kahit mismong mga anak natitiis

na may taong  hindi ko masukat ang pagiging masokista

na may taong lampas langit ata o lampas kalawakan magmahal

oo, alam ko, may kilala kang isang tao

ako din meron,

pero bakit kailangan mong gumaya sa kanya?

hindi pa ba tayo sapat na ebidensya sa malaking kalokohang hanggang ngayon dinadanas niya?

hindi kita maintindihan, pinipilit ko pero hindi ko magawa

napapagod na ako, sana ikaw rin napapagod

isang dekada na ang nakalipas pero andyan ka pa din, nagtitiis

ano na ngayon? san ba ang tuloy mo?

bukas makalawa iiyak ka na naman,

oo, hindi ko nakikitang umiiyak ka,

pero tingnan ko lang ung mata mo huli ka na

pare-pareho naman tayo eh,

sa mata tayo laging nahuhuli

kaya pwede ba. tama na,

gumising ka na, kung hindi pa nagigising ung modelo mo ng kamartiran,

unahan mo na, kahit ikaw man lang,

signature2

12 thoughts on “Monalisa: the second generation

  1. duking says:

    parang nararamdaman ko yung problema mo,aubz.

    sana maging maayos na ang lahat.family problem sya so i think wala akong maipapayo pero naniniwala ako na magiging ok din ang lahat later on.

    be strong…have a nice day!

  2. roomboy1987 says:

    be happy kasi martir ka, hindi mo ba alam na may chance kang maging santo? ohaaaa…..

    well kung masaya ka naman kasi nagmamahal ka edi go lang.

    lagi mong iisipin ung nasa bible, ewan ko kung tama ako, yung love is not envy, love is good all the time… basta parang ganon.

    may kapalit ang lahat, just be good, kaya mo yan.

    • aubu22 says:

      ha?nalost ako dun ah, I was talking about my sister, ung kamartiran nya at hindi kamartiran ko, hehe,

      anyhow, thanks sa pagdaan at pagccomment😛

  3. livingstain says:

    siguro kaya binigay sya ng Diyos sayo kasi may mission ka para sa kanya, malay mo may marealize sya sa huli at magbago, pati nanay nya lol.

    basta wag ka ng malungkot, papanget ka nyan.

    • aubu22 says:

      mission sa ate ko? cguro nga, misyon kong iuntog ung ulo nya para magising siya sa kamartiran nya, hahaha, peace

      thanks po sa payo at pagdaan ulit,🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s