ate, kuya, bunso, at mama


huling biyernes na umuwi ako sa bahay ng ate evic ko sa laguna
nagkwekwentuhan kami ng mga kung anu-anu
mga bagay at pangyayari na sa totoo lang, hindi ko na mabilang kung ilang beses naming napag-usapan
ilang beses iniyakan at ilang beses pinagtawanan

at gaya nang dati, hindi uubrang maliko ang usapan papunta kay ate oya
nagtataka kami na kahit sobrang dami na niyang kasalanan at grabe na ung pagiging pasaway niya
basta nagkaproblema siya, siya ung unang dinadaluhan ni mama (talk about mother’s wonders)

isang beses daw nagtanung si ate evic sa mama ko
at ito ang sabi nya ayon kay ate
“alam mo victoria, sa inyong magkakapatid, si oya ang pinaka mas nangangailangan sa akin bukod pa kay JL at Bokyo.”
“ikaw nakaya mong mabuhay mag-isa sa laguna ng malayo sa akin.”
“si bonchie nakayang mabuhay sa UP at Makati na mag-isa”
“kayong dalawa, kaya nyong mabuhay nang wala ako”
ang nasabi lang ni ate evic: “ay ganun”

alam kong malakas ako,
pero hindi  ko maimagine ang mabuhay sa mundo nang walang mama na gaya mo.

ps

para sa mama kong maganda
akala mo lang malakas ako at kayang-kayang mag-isa
pero ang tototo
kaya ako malakas dahil andyan ka
your love for me transcends distance, time and space
although, paminsan mahirap ispelingin ang style ng pagmamahal mo
nonetheless, labs pa din kita
at labs mo ako

oha oha,

sakin mo lang yan maririnig mama, hahaha

6 thoughts on “ate, kuya, bunso, at mama

  1. duking says:

    natuwa ako dito. natural siguro yan sa mga nanay natin. mas pinagtutuunan nila ng pansin yung mas alam nilang nangangailangan sa kanila. yun lang siguro yung way nila para mapanatag ang sariling kalooban na lahat ng anak nila ay magiging ok.

  2. narsmanang says:

    yeah, talk about the wonders of love. siguro nga tama din mama mo, kelangan talaga siya ng ate oya mo, nakakatampo man ng konti pero kelangan mo talagang mas malawak ang pag-unawa. miss na kita aubu.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s