masarap ang bawal


sabi ko dati pag may netbuk na ako, magiging masipag na ako magpost sa blog ko
ang kaso nung meron na, nauubos ang panahon ko sa pagbabasa ng manga at blog ng iba,
panunuod ng mubi at pagchecheck ng facebook
at ano ang end result? sa opis ako gumagawa ng blogpost (exciting talaga pag bawal)

may isang beses na halos isang linggong walang access sa opis ang WP
(natunugan siguro ng IT samin na sugapa na kami sa net surfing)
depress depressan ako, sabi ko sa isang kawork ko magreresign na ako
ang kaso, matapos ang ilang araw, charan! may acccess na ulit, hahaha
kaya heto andito pa ako sa opis namin at sa mga nakaw na sandali ay nagbabloghop at nagpopost

andaming nangyari sakin na hindi ko naikwento dito sa blog ko dahil sa mga one liner kong hirit

alam nyo ba na…
– nakabili na ako ng toshiba netbook na na may libreng smartrbo at celepono (ang plano ko talaga ay macbook kaso naman baka after 20 years ko pa un mabili kaya ung kasya muna sa budget ung binili ko)
– kasabay ng pagbili ko ng netbuk ay ang pagbili ko ng jansport na backpack, ung red! (pangarap ko itong gamitin sa unang duty ko bilang on-call nurse, hehe)
– tumaas na ang grado ng mata ko (parang improvement eh noh); from 50-75 naging 150-175, antigas kasi ng ulo ko, hindi ko laging sinusuot ung eyeglass ko kaya eto, inaani ko ang parusa
– isa na akong on-call nurse, oha, oha, haggaran nga lang ang sched (ito na ang simula ng aking nursing career)
– nakipag-usap ako sa isang mayor sa isang munisipyo for volunteer nurse (perstaym un, astig, related din ito sa aking career)
– may kontrata na ako for staff nurse sa probinsya namin kaso dahil sa schedule conflict, mukhang sa May next year ko pa ito magagamit pero hopefully mas maaga pa sa May, hmm, mga March sana, ay basta)

mukhang nagiging okay na ang lahat at sana magtuloy-tuloy na ito
pahirap sa katawan ko at pagtulog ang gagawin ko pero exciting
nabubuhay na naman ang natutulog kong dugo

(insert voltes 5 theme here)

14 thoughts on “masarap ang bawal

  1. missgreenbellpepper says:

    Wow ang daming updates ni aubu… Aba, ganap na ganap na nurse ka na:) i have high respect on nurses. Feeling ko kc ang tyaga at caring ninyo. At syempre nurse ang kapatid ko:)

    Aba, bagong laftaf.. Hehe. Ako ngtatyaga pa din sa compaq na desktop na 5 yrs n sa kin. Nanghihinayang p ko bumili ng laftaf kc di ko nman masyado nggamit. Me ifone nman png facebook at bloghop:)

    Glad you’re back to blogging, aubu:)

    • aubu22 says:

      tamaaa,

      sa dami ng updates hindi ko na naiblog ng magkakahiwalay, hehe

      wow, tlaga? I’m flattered, hehe,

      isa lang ibig sabihin nyan, matibay talaga ang desktop mo, hehe >:)

  2. hitokirihoshi says:

    saya=saya naman ng career. tama yan go ng go sa mga opportunities. iba talaga pag trip mo ang iyong ginagawa nakakahanap ka ng way at nabubuhayan ka talaga ng dugo sa abwat achievements mo.

    more power!

    oi parang interesado ako sa pag-purchase mo ng netbook. gusto ko rin kasi bumili kaso sabi nila bat di na lang daw laptop.

    • aubu22 says:

      hehe, ajah at go go go ang cheer ko ngaun, haha,
      basta pag inatake ako ng kasipagan at sakto ang oportunidad, nabubuhayan ang ng dugo 🙂

      speaking of netbook, madami ding nagsabi na bakit hindi na lang laptop ang binili ko,
      ang sagot ko, magaan kasi ung netbook kaya un ang gusto ko at pinakamajor reason ay ung gusto kong laptop out of reach pa dahil out of reach din ang budget, wahaha

  3. WildCat says:

    Wow! Mukhang naging masaya ka nga ah! By the way, pareho tayo. Ngayon busy ako sa trabaho pero kapag hindi nawiwili ako sa kapapanood ng kung anong online series at pagbabasa rin ng manga ^^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s