nars aubu


undertime ng 2.5 hours sa trabaho,

direcho bahay, ligo, bihis, kape

makalipas ang 1 oras, nakarating din sa IPMS

no idea about what I’m talking about?

nars na ako ulit!nars, haha

matapos ang ilang taon, nagamit ko nang muli ang 4 na taong pinag-aralan ko

hep, hep, hep, hindi pa ito full time, part time lang

(ito ung on call nurse na nabanggit ko sa nauna kong post)

pero ang pinakaayos sa on call nurse thing na ito, may sweldo, haha

setback nga lang ang iskedyul, lagpas 12 oras ang duty ko

pero masaya pa din ako at nagkaron ako ng pagkakataon na ipractice ulit ang aking course, hehehe

maraming salamat, rhea marie (ang katropa kong nagbigay ng pagkakataon na ito)

ang call time namin sa clinic ay 6am.

dumating ako ng 6:01 pero maaga pa ako

nagpack na kami ng mga gamit para sa annual physical examination na gagawin namin

matapos ang ilang minuto, go for the gold na kami

ang service namin ay L300 van, 16 tao on board papuntang carmona, cavite

anung gagawin namin sa carmona?

magtotour este magcoconduct ng annual physical exam sa mga employees ng isang semicon company dun

pagpasok dun, nag-inspect muna ung guard at pinababa kami

tapos pinagsubmit kami ng ID in exchange for visitor’s pass

visitor ID para makapasok sa company perimeter ng ON

pagpasok namin sa building ng ON, may guard ulit na sumalubong

binigyan kami ng shoe cover, SOP daw dun

shoe cover ni AuBu

pagkasuot namin ng shoe cover, pinadirecho kami sa clinic area ng company

pagdating dun, nag-ayos na kami ng mga kagamitan

medyo relax ang atmosphere kasi maaga kami, mga quarter 2 8 ng umaga kami dumating

tapos ung start ng APE ay 10 ng umaga, hehe

iskedyul ng APE sa ON

Nung inayos na namin ung mga gamit,

paupo-upo muna kami

***

umagaw ng pansin ko ang BP apparatus na haytek (sa aking paningin)

kasi hindi na kailangan ng stethoscope para kumuha ng BP

kaya ang siste, kinuhaan ko kagad ng picture

haytek na BP app

blurred ang picture kong kasama ng BP app na ito kaya hindi ko na isinama.

***

isa pang nakaagaw ng pansin sakin ay ang thermometer namin

itatapat lang ito sa noo o sa sentido ng tao

tapos pipindutin ung pindutan

tutunog at may magfflash nang temperature ng taong kinukuhaan

astig pa ito kasi may talk option din,

at syempre palalampasin ko ba ang pagkakataon para sa picture-taking?

aubu kasama ang haytek na thermometer

natigil ang picture taking mode ko nung may mga dumating na mga staff ng company,

briefing muna with ate Angel bago ung simula ng APE

tinuruan akong gumamit ng haytek na thermometer at BP app

mga 9:30 nagdatingan na ung mga empleyado ng ON

at nagsimula na nga ang madugong APE

kabado ako sa unang taong ininterview ko,

maliban sa pagkuha ng BP, PR at Temperature, kukuha din ako ng past medical history

sign sa aking istasyon

andami kong spoofs sa pagkuha ng medical history

unang spoof

aubu: naoperahan na po ba sa nagdaang 10 years

nth employee: opo, ung pag-alis ng almuranas

aubu: ahhh, natanggalan ng hemorrhoids

nth employee: oo, un nga,

aubu: (nag-iisip kung anung ispelling ng hemorrhoidectomy)

hemoroi hemorhoid

(hindi na ako nakatiis) removal of hemorrhoids -> isinulat ko sa APE form

isa pang spoof

aubu: naospital na po ba? naoperahan? sa nagdaang 10 years po ha

nth employee: oo, neng

aubu: anung operasyon po?

nth: natanggalan ng matris

aubu: ah, ganun po ba, anung taon po ito?

nth employee: 2006, neng

aubu: ahh (iniisip kung anung english ng matris)

nth employee: aun lang

aubu: ah, removal of uterus po pla kayo (habang nag-iisp kung anu nga ba ang term sa removal ng uterus

aubu: …… (wala pa din talaga)

uterus removal (2006) -> isinulat ko sa APE form

isang spoof pa ulit

aubu: (habang chinicheck ang APE form ng isang employee)

nth employee: dito daw po ako pumunta

aubu: sige po, kukuhaan ko muna po kayo ng medical history ha (nakatingin pa din sa form)

aubu: naoperahan na po? naospital?

nth employee: hindi po pareho

aubu: (nakatingin pa din sa form), ilang taon po kayo nung una kayong nagkaron? regular po ba? ilang araw po ang duration?

nth employee: ano?

aubu: (tumingin din sa employee) ay,ย  sori po, sori , kala ko babae kayo (lalake pala ang kausap)

nth: (tawa ng tawa) -> sori naman, bangag eh, hehe

**

nung tumanghali na, naglunch muna kami

alam nyo kung pwede ko lang dalhin ung canteen pauwi, ginawa ko na,

ansaya dun, andaming choices, uber mura

may libreng kape, tsaa, at tsokolate

un nga lang ung kape lasang nilagang medyas (sakto pampagising)

sabi ni annelle (ung receptionist namin), libre daw kasi kaya wag mag-umasa ng masarap

pero in all fairness masarap naman ung mga pagkain

alam nyo ba na nakaapat akong meal dun (breakfast, lunch, merienda at dinner) pero less 100 ang gastos

sarap ng buhay diba

**

hindi ko kasama si rhea sa APE na ito kahit sila AJ, Maida at Gelat kaya wala talaga akong kakilala maliban kay ate angel na nagsusupervise samin

buti na lang may chinika akong 2 na kasama sa APE team, si Annelle at Shiena

nakakatuwa kasi nung unang kita namin, talagang kahit ngiti hindi man lang kami nagngitian

tapos nung magkasama na kami sa APE, aun na,

nagclick kaming tatlo at parang mga adik na nagpalisaw-lisaw sa ON company perimeters

sabay-sabay na naglunch sa ON canteen at uminom ng kapeng lasang medyas

huli ka, Shiena! >)

busy si Anelle (receptionist namin)

hindi talaga ako makamove-on sa thermometer na ito

dumami na ulit ung mga tao ng bandang 7pm,

tapos may mga onting humabol

sa kalagitnaan nung APE nung gabi, pinatawag ako ni ate Angel kay Alvin

akala ko kung anu na,

aun pala ibibigay na kagad samin ung pay namin for this APE

astig, unang sweldo ko bilang nurse,

halos hindi ko gusutin ung perang binigay sakin

ilalagay ko na siya dapat sa buk na dala ko (iipit) nang maalala kong magpapicture kasama nun

 

si aubu ang ang kantang unang sweldo bilang nars!

maliban dun sa mga staff na talaga ng IPMS,

ung mga kasama kong on call nurse, perstaym din kumuha ng sweldo bilang nurse

nakakatawa kasi uber saya ko sa konting halagang kinita ko

wala to kumpara sa sweldo ko sa PICC pero abot tenga ang ngiti ko

pagod pa ako nyan, 48 hours na gising

pero all smile pa din,

kung cheke ung binigay sakin ipapaphoto copy ko tapos ippaframe, remembrance kumbaga

**

pumatak ang 9:30, cut off time ng APE

nagpack up na kami at naghandang umuwi

syempre, sa huling sandali, sumimple kami ng picture

(bawal kasi ang picture-taking dun, sumisimple lang ako)

 

Shiena at Anelle sa harap ng Xray van

ang xray van ng IPMS

ang ON Semiconductor (hanggang sa muli)

matapos magpack-up, umakyat na kami ng van

walang usap-usap (dahil tulog kaming lahat maliban sa driver)

at sa kamalas-malasan, lumagpas pa kami ni Shiena sa dapat bababaan

ayan tuloy, bumalik pa talaga kami ng clinic

mga 12 na ako halos dumating sa bahay

grabe ung pagod ko, as in mamaw

**

andami kong narealize matapos ang APE experience ko kahapon

una: medyo nangangalawang na talaga ako

nagbabasa basa naman ako ng mga medically related na babasahin

pero iba talaga ang may pratice,

pangalawa: mahaba pala talaga ang pasensya ko

hindi iilang beses akong sinungitan nung mga nainterbyu ko

may 3 or 4 atang mga bratinella at bratinello ang nakausap kong pilosopo sumagot at magtanong

ang malas pa, puro mga may posisyon sa company ung mga natapat sakin

buti na lang, malumanay ako magsalita kaya ung sagot ko okay pa din pakinggan kahit sarcastic na

pangatlo: kahit nakakapagod pala ung ginagawa mo, basta masaya ka, sulit pa din

totoo ito sa kahit anung larangan

**

nakakatawa kasi sa totoo lang, wala naman talaga sa hinagap ko ang maging nars

isinusuka ko ito dati pero heto balik na naman ako sa kanya

sana maging okay kaming dalawa at mapayapang magexist ng magkasama

**

hanggang sa susunod na pakikipagsapalaran ni AuBu, ciao!

12 thoughts on “nars aubu

  1. Pong says:

    wow nars aubu
    enjoy naman po yung adventure/APE sa ON hihihihi

    masarap po talagang ipractice ang propesyong minahal ng bawat isa.

    be blessed po!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s