akyat for a cause


literal kong hinihila ang katawan ko pauwi kagabi

sobrang sakit ng buong katawan ko mula balikat hanggang paa

at ito ang dahilan

tatlo hanggang apat na oras ang ginugol ng grupo namin makita lang ang napakagandang crater lake ng Mt. Pinatubo

sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko ikkwento ng maayos ung adventure ko/namin kahapon papuntang Pinatubo

matagal nang plano ang pagpunta dun, baguhan pa lang ako sa opis, niyayaya na kami nila kuya bert

at sa wakas, eto na nga, natuloy din,

ang mga kasama ko pag-akyat ay ilang kadepartment (kuya bert, ate utchie at QAI) kaopis meyt (kuya erick, kuya jimmy, kuya bryan, ate mase at clarisse), kabatch nung highschool (romar), at ilang kakilala ng ibang kaopismeyt din.

nagkita-kita muna kami sa ortigas, nagsidetrip sa banchetto at dumirecho ng El Pueblo Mcdo dahil ung ang meeting place

umalis kami ng mcdo ng mga 3:30 am at lumarga paCapaz.

dahil kulang ako sa tulog, plakda ako sa buong panahon halos ng biyahe

nagising ako mejo maliwanag na ang daan, ang pagkakatanda ko, naligaw pa kami ng onti pero dedma lang kami

mga 6 something na ata kami nakarating ng Capaz, Tarlac.

Pagdating dun, CR tapos aus ng onti, registration at briefing muna

tapos binigyan kami ng water at gatorade at presto! good to go na

sumakay na kami ng (4x perstaym ko un!) at sa front seat ako umupo

mamaw, rough road kung rough road, buti na lang batak ako sa mahabang byahe kaya keri pa din kaso masakit tlaga sa pwet ang malubak na daan

mga lagpas isang oras ata ung byahe ng 4X4, dapat mas mahaba pa dun ung bbyahihin ng 4×4 kaso sira ung skyway na usual nilang dinadaanan

so dun kami dinala sa ruta ng long cut na siyang ikinagulat naming lahat

(kasi ang alam talaga namin mga 45minutes lang ang trekking)

pagkababa ng 4×4, picture taking ng konti at nagsimula na kaming maglakad

mga unang oras ng akyat, upbeat pa kaming lahat, go na go

mega kwentuhan, kulitan at asaran,

pagkalipas ng isang oras at mga ilang minuto,

nagsimula na kami sa mga linyang “kuya malayo pa?”

ung iba naman “are we there yet?”, may isa pa na, “ilang minuto na lang”?

sasabihin naman ng manong, mga 45 minutes pa (basta ang tanda kong sagot nila ganito eh, nagbago lang nung medyo malapit na kami)

lakad pa ulit, akyat sa mga bato, tawid sa matubig na daan,

pahinga ng ilang minuto at piktyur-piktyuran

at balik lakad at akyat

may natanaw na kaming paakyat na trail at kung titignan mu parang pauka na palalim ung ichura sa malayo

biglang excited na ulit lahat dahil akala namin, ito na, ito na ung crater,

pag-akyat namin at pagkarating namin dun, hanep, mas malawak na trail pa ulit

at sa malayo may 2 maliit na bundo na matatanaw,

may nagtanong na isa sa manong guide, “kuya banda dun na sa dalawang bundok na un noh?”

sabi ng manong, “ah, nakikita nyo ung 2 bundok na yan, sa kabila pa nung pangalawang bundok ung crater”

windang kami, naisip ko, pwedeng bumalik at umuwi? (wahaha, kapag kulang sa tulog at haggard, nega talaga siguro lagi ung naiisip)

may natanaw kaming helicopter, kaway kami ng kaway, kunwari humihingi ng tulong, dedma lng naman ung helicopter, haha

lakad pa ulit, akyat, pahinga, lakad, piktyur, lakad, pahinga

(isshortcut ko na kasi pagod na ako, haha)

pagdating namin, may nakita kaming shed at may sign na kahoy

umupo muna kami saglit sa sementadong shed, tapos lapit sa may sign

anak ng tokwa, ang nakalagay “Your trek starts here”

tapos may nakalagay na minutes na nakatapat sa age bracket

15 minutes – young age, 18 minutes -middle age, 20 minutes (senior citizen) – e2 ay ung pagkakatanda ko ah

lahat kami parang lalong nawindang

anung tawag sa mahigit 2 oras na lakad-akyat na ginawa namin? hindi pa ba trek un?

pero syempre wala namang magagawa, we’re here for the crater and the adventure and the challenge pero higit sa lahat ay makakuha ng picture pamprofile pic sa facebook (wahaha, adik lang)

nagpapicture ako sa sign na un, isip-isip ko sa 15 minutes lang ako, dahil young age pa ako

inorasan namin ung trekking namin papunta na nga sa crater lake

ang kaso, wala pa ata kami sa kalahati ng isaw na trail pacrater lake, ubos na ung 15 minutes

sabi nung iba baka daw naligaw kami at kailangan na naming baliktarin ung mga damit namin

pero sa awa ng Diyos, may nakita ulit kaming sign board na nagsasabing “take nothing but pictures and leave nothing but memories” – ibig sabihin hindi kami naliligaw

lakad pa ulit, talon kapag medyo malaki ung gap ng bato sa isa pang bato

akyat, lakad, talon pag ayaw lumusong sa tubig

at sa wakas, may nakita na naman kaming trail na paakyat,

pag-akyat namin, wow, totoo na ito,

pag-akyat namin sa pataas na hagdan, as in, parang nawala ung pagod namin kasi eto na,

with our very own eyes, kita na talaga namin ung kabuuan ng crater lake,

ang kaso, may pababa pa ulit na hagdan para makapunta ulit sa lake pero nonetheless mas malapit nang di hamak ung lalakarin kesa sa nauna naming lakad

pagbaba, may shed ulit na malapit mismo ng shore ng lake, umupo kami at nagpahinga ng konti

binigyan kami ng yum burger at mga kutkutin ng organizer,

pakiramdam naming lahat, ung yum burger na kinain namin dun ang pinakamasarap na burger sa buong mundo na natikman namin, at ung tubig at gatorade na bigay samin ay ang most refreshing drink na nainom namin sa tanang buhay namin.

nuon ko lang din naramdaman na napakasarap pala maliliman ng shed at makaupo ng direcho sa sementadong sahig

ilang minutong pahinga at tinawag na ulit kami nung isa sa organizer, nagtatanung kung sino ung unang gustong sumabak sa

kayaking, syempre, dahil hapit kami, nagvolunteer kagad kami,

ako, si te utchie, si kuya bert, si kuya erick, si romar, at 2 pa na nakalimutan ko ung pangalan, haha, sori naman,

ung kayak nila ay gawa sa kahoy na may nakakabit nang pangsagwan at si kuya manong lang na taga dun ung nagsasagwan

sabi ni kuya manong, nasa 350 feet ung isang part nang lake pero ung ibang part undetermined pa din ung lalim

nagtanong kami kung may isda dun, sabi ni manong, wala daw, kasi patay ung isda pag napunta dun

nagtanong kung may nalunod na, kasi sa grupo namin na nagmaunang sumakay sa kayak, 1 lang ata marunong lumangoy, haha

pagdating dun sa kabilang side ng pinatubo, may nakita kaming nagsswimming na,

epal na buhay yan, hindi man lang kami nasabihan na pwede nang magmiming dun sa kabila eh ung mga damitan namin ay nasa kabilang ibayo pa, so nakuha na lang kami sa pagtampi-tampisaw

nakakatuwa ung kabilang side kasi ung tubig na malapit sa buhangin, uber init, pwede ka nang maglaga ng itlog

kita mo ung pag-usok ng buhangin at pagkulo ng tubig

pagdun ka umupo para kang nagsasauna pero pag lumayo ka na ng ilang lakad, malamig na ung tubig

piktyur taking, kwentuhan at kulitan with manong duon

tapos dumating ung 2 pang kayak na kagrupo din namin, tapos piktyur taking ulit

sila kuya manong batak sa pagkuha ng piktyur, may jumpshot kaming astig sa is-el-ar ni QAI at ate utchie

sakto lahat nakatalon at maayos ang kuha nila manong

(sa sunod ko na ipost ung magandang kuha kasi wala pa akong kopya galing mga kasama kong may is-el-ar,)

may piktyur din kami kasama nung tarpaulin na Akyat for a Cause

para mabigyan ko kayo ng background, ang Akyat for a Cause ay pinauso ni QAI namin, part ng bayad namin sa akyat for a cause na ito ay mapupunta sa funds ng Journey for a Cause, non-gov group (si QAI din ang nagsimula) na naglalayong magbigay tulong sa ilang nangangailangan kasabay nang paggala, (aus diba?)

pagkatapos tumambay nang ilang minuto sa kabilang dako ng Mt.Pinatubo

bumalik na kami sa kabila pa ulit, pikyur-piktyur

kwentuhan, tambay mode, kain ng chichirya, piktyur ulit

after nung onting pahinga, tinahak na namin ang daan pauwi

pero syempre pareho pa ding ruta

ang pinakamotivator namin ay ang lunch at shower

ung sobra 3 oras na pag-akyat namin, mga sobra 2 oras na lang ata

andami naming nakasabay pababa, mga korean na babae na parang malling ang ipinunta sa pinatubo kasi parang saglit lang sila dun tapos baba kagad, nagovertake pa samin, parang batak na batak sa trekking

may mga kano at negro din kaming nakasalubong na navideohan pa ata kami,

mas mabilis ung pagbaba namin, epektib tlagang motivator ang pagkain, haha

aun nga lang, inabot kami ng ulan pababa, pero mabuti na lang at malapit na kami sa 4×4 nun

pagsakay sa 4×4 para kaming lantang gulay,

nakatulog pa ako sa 4×4 habang nakakapit ng mahigpit ang kaliwang kamay sa rail

buti na lng ginising ako ni te utchie, kabilin-bilinan pa naman samin bago ung trek ay wag matulog sa 4×4

dahil malaki ang chance na mahulog dahil wala namang seatbealt at rough road ang daan

after what seemed like an eternity, nakabalik kami sa Pinatubo spa town, ang aming point of origin

pagdating, sinalubong kami nung Mt.Pinatubo tour manager ata un

tapos iniabot samin ang aming diploma este certificate,

astig, para kong grumadweyt, super proud ako sa sarili ko

ung piktyur? sa susunod na kasi ndi ko pa nakuha kay te utchie (wanted ka na sa blog ko, haha)

pagkatapos nun ay dumirecho na kami sa shower room, maganda ung shower room pati service

may towel at soap na ibinigay samin,

pagkatapos makaligo at makapagbihis

derecho restaurant dun at umupo na sa hapag

pagkalapag na pagkalapag ng soup, binanatan na namin

sabi nung isa naming kasama, ung crab and corn soup na hinain samin ay ang pinakamasarap na soup na natikman nya

ung mga pagkain pang hinanda samin ay parang chicken inasal, chopsuey, pansit, kangkong, dalandan at kanin syempre

taob ang dalawang serving ng kanin sa grupo namin nila kuya bert

humingi pa kami sa kabilang table, nag-order pa kasi ng additional rice kaso iluluto pa lang kaya hindi na naantay

pagtapos, lumapit si QAI at nagtanong kung napiktyuran daw ung pagkain namin

natawa kami kasi wala atang nakaisip gumawa nun dahil sa gutom at pagod

pagkatapos, dumaan kmi sa souvenir shop dun

ang kaso, wala namang masyadong mabibili, ung shirt parang so so lang ung print

ung mga bags parang makikita mo din sa divi at quiapo

so isang pirasong keychain lang ung nabili ko para man lang souvenir kahit hindi siya masyadong maganda (mamintas daw ba, haha)

pero kung ako ay taga dun, siguro ung mga bato na pakalat-kalat dun sa trail, papakinisin ko or kundi mapakinis, lalagyan ko na design para magsilbing souvenir, parang sa may biak na bato nung nagpunta kami, ganun kasi ung mga souvenir items nila

after magpunta sa souvenir shop, nagprepare na kami umuwi

sabi nga nila bawat lakad, hindi nawawala ung downside, ung isang kasamahan namin ay nawalan ng wallet, hindi nya matandaan kung san nahulog kasi nasa back pocket ata ng pants nya un pauwi hindi na nya namalayan na nawala dahil sa pagod

buti na lang kulang 1 libo lang ung laman ng wallet nya, andun nga lang lahat ng ID’s nya at atm

inisip na lang nya, extra payment ung 1k, hehe

at ayun, sumakay na kami ng van, pagkasakay, excited lahat tumingin ng pictures, swap swap ng kamera ni ganto at ni ganto

makalipas ang ilang minuto, wala nang nagsasalita kasi tulog na kami lahat, hahaha, plakda tlaga, sandal kay ganito kay ganyan, kanya kanyang position of comfort, keber keber na sa pwesto at kaldag ng sasakyan.

bumaba ako sa may quezon ave mrt station at nagmrt paayala at sumakayt ng bus pauwi,

pagdating ng bahay, bihis at higa sa kama, hindi ko akalain na ganito kasarap humiga sa kama ko, haha

kung tatanungin ko ako kung uulit pa ako, ang sagot ko? OO naman! pero kailangan ko munang makarecover sa sakit ng katawan

at pramis magwawarm up muna ako ng isang linggo bago ako ulit sumabak sa mga trek na ganito,

at bago matapos ang pagkkwento ko, gusto ko palang magpasalamat sa mga sponsor ng adventure kong ito,

sa jansport, sa islander, viva mineral water at gatorade, sori kung wala kayong eksena sa piktyur, sa susunod na, wahaha

 

 

 

 

 

 

 

13 thoughts on “akyat for a cause

  1. Arkhut says:

    gusto ko sumama.. pede po ba?
    wahhh. ang sarap sarap ng kwento mo dito! tawa ko ng tawa. ayaw mo naman ng word na ‘plakda’ ano? ilang beses ko din syang nabasa ko! kuleeet.

    namumundok ka pala. coolness!🙂 anyways, kung gusto mo lang naman ako isabit dyan! whee. hahaha! seryoso ko. nainggit ako. at dahil block ang site dito sa office, di ko pa makita yung mga pics. tsk. check ko to mamaya pagkauwe ko! hahaha

    • aubu22 says:

      haha, cge ba, gus2 mo sumama pagbalik namin dun? ndi q naman maxadong peyborit ung plakda word,haha

      uu, paminsan-minsan, pag borlogs na sa buhay, >:)

  2. chyng says:

    4 n oras, ah kasi hindi kayo nag-sky way. I wonder magkano bayad sa 4×4 kung hindi derecho sa trekking point yung hatid sa inyo. mas mura for sure.
    gandang experience! ^_^

    • aubu22 says:

      mga 3-4 oras, laking ginhawa siguro kung ayos ung skyway kaso ndi eh, haha,

      basta po ung bayad namin 2,500, pero supposedly 2,200 ung orig pero sa 2,500 kasama kasi ung for funds ng journey for a cause group,

      astig na experience po tlaga, uulit pa ako ^_^

  3. utchie says:

    magagalit ka bang kung ssbihin ko na nabura yung picture mo?? hahaha..

    ako din sobrang sakit ng katawan ko, pero worth it nman tlga. sa uulitin.

  4. narsmanang says:

    tol, magkano budget niyo minus syempre yung sa NGO ni AI? hehehe.

    ansaya naman. alam mo yung pakiramdam na gustong gusto mong sumama sa field trip kaso hindi pwede kasi wala kang pera tapos lahat ng classmates at kaibigan mo kasama? yun ang nararamdaman ko ngayon, wahahahahahaha.🙂

    kasi naman bakit hindi natuloy yan nung nasa paragon pa ako, ampf. hahaha. dalawang taong pinlano, ngayon lang natupad, hindi pa ako kasama (bitter? hahaha). hehehe.

    pero lam ko balang araw, makakapunta din ako jan at makakakuha ng madaming pictures. cheers!

    • aubu22 says:

      2,200 ung orig, kasama na dun ung entrance fee, bayad sa 4X4 at lunch, hehe,

      aus lang yan, babalik tayo dun, magmimiming pa ako sa susunod dun, haha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s