archives for the past few days


01-22-11

1:00 pm

– nakipagkita ako kay Virax sa trinoma (biglaang gala), tinext ko si Rhea kaso may church obli pa xa kaya di pwede, si maida tinext ko din kaso NR, haha

– kumain kami sa SumoSam at nalaman kong kay Marvin Agustin pala un

– nilantakan namin ang kanilang steak match (busog to the bones)

– nagkwentuhan at pinlano ang paggate crash sa bahay nila maida

– uminom kami ng Strawberry Passion (para kay Virax) at Lychee and Rose para sakin

– at kumain ng parang shave ice cream (nakalimutan ko ung tawag) basta sikat daw na desert un sa korea

4:30 pm

– pumunta sa bahay ng kabatchmate na si romar, sa wakas nakuha ko na ung pictures namin, wahahaha

5:30 pm ata

– dapat uuwi na ako pero biglang nagkayayaan

– biglaang lakad paCarinderia Fiesta sa may kamuning malapit sa V.Luna

– kasama ko sila GL, Somkiet, Kevin, Romar at Julius (na kalabtim ni Virax nung elementary)

– perstaym kumain ng suso courtesy of Julius na walang pakundangang naglagay ng suso sa plato ko sabay bantang “kakainin mo ba yan o ikaw ang magbabayad sa lahat ng kinain natin?” – tinry kong kainin kaso muntik ko maluwa, lasang kanal, sabi nila ang galing ko, kasi nakakain na daw pala ako ng kanal (mga pilosopo)

– (sigh) one of the boys again, hahaha

– walang picture kahit isa,  nabusy sa pagkain, haha

8:00 pm

– uwian na, hinatid nila ako sa may mrt gma kamuning, iba talaga pag may tsikot ang tropa (salamat GL)

01-23-11

9:00 am

– nakipagkita kina Rhea Marie at Virax sa may five star sa cubao,

– nalate ng onti si Virax, bumili si Rhea ng Nova na tig35 pesos sabay reklamo na mas mahal pa dun kesa 7-11, wahaha, ako bumili naman ng donut

– dumating si Virax at sumakay na kami ng bus, una naming napansin ang get up ni Virax, mukang titser

–  kwentuhan sa bus, nakwento ni Rhea Marie na gusto yang paglakbayin paibang bansa mag-isa ni tito kaso ayaw niya, (sayang, kung ako un, go na ako, gala lang naman eh, wahaha)

– updates ng lablayp etc etc

– naisip namin kung matatanda na kami sana ganuon pa din, biglaang gala, biglaang kita, tropapips pa din

10 something am onwards

– dumaan muna ng robinsons at bumili ng pasalubong

– dumerecho kina maida at kinalampag ang gate, si wewel ang una kong nakita,

– sinalubong kami ni basya, at nakita ko na naman ang cute na cute na si chacha

– kwentuhan saglit, nang maglunch, dun kami dumirecho kina Inang Sion, bday pala ni Ciejae, inimbita ang mga sarili, wahaha

– sarap ng pagkain lalo na ung pasta ni tita Ada at ice cream ni Mang ano nga un?

– nakita ko ulit si Inang Sion, sabi niya hindi daw ako namamansin, wahaha, sori naman po, nagbless po kaya ako kagad pagdating at binati ko kayo, siguro hindi nyo lang po ako napansin,

– sabi ni Ciejae, basta makita ng Ina si maida, hinahanap ako, yihee (touch ako)

– nanuod kami ng ASAP, instant critic ng mga artista

– nung napagod, nanuod kami ng petrang kabayo kasabay ng pag-inom ng the bar (strawberry flavor as requested by virax), namulutan ng chichirya, kamyas, dalandan at tuna (halo halo na, haha)

– nahihilo na si Rhea Marie, tinamaan na ata

– pictures? (nakay maida, click here)

5:00 pm

– napagpasyahan na naming umuwi, nagpaalam kina Inang Sion, Ciejae, Yo, Tita at Tito

– hinatid kami ni wewel sa may sakayan (madaming thank you Wewel!ambait mo tlaga!)

6:00 pm banda

– standing sa bus, gudlak sa mga nakainom na tulad namin, haha

8 something pm

– nakauwi din ng bahay, nagtext si ate evic at pinapapunta niya ako sa kanila sa laguna dahil kay ate oya, may mga gamit na ipinapadala (grrness)

– ayos ng onti at pack ng gamit, byahe na naman

– nagtext si Rhea Marie, nagkapantal-pantal daw siya at parang nilalagnat, sabi ko relax, ako basta nakainom ng alak nagkakapantal din, palatandaan ng nanay ko kapag sinisita ako, hehe

10 something pm onwards

– sinundo ako ni kuya mike sa may mercury malapit sa kanila, (tenchu kuya kahit may pasok ka pa ng maaga kinabukasan)

– dumating sa bahay at naabutan sa upuan sa sulok si ate oya (nagtataka ako, nung tinanong ko kay ate evic, inaabangan daw ako kasi winarningan nyang nakainom ako at baka masermunan ko siya) pero dahil wala nang tama, tinanguan ko lang xa sabay akyat sa kwarto at nagbihis

– sinilip ang mga pamangkin, mga tulog na

– bumaba at kumain ng dinner, nakipagkwentuhan kay ate evic till 3am, same old stories, para kaming mga timang

– nang mapagod, natulog na kami

01-24-11

walang oras na sinulat

– nageemote sa journal, same old rants, haha

01-25-11

walang oras na nakasaad

– umiyak sa bus pauwi, (tamang pagod at pag-iinarte lang, hehe)

01-26-11

10:00 am

– nag-aadik sa pagsusulat gamit ang kaliwang kamay. (I’ll soon be an ambidextrous, hindi na semi)

– natulog nung mapagod

5:30 pm

– trying hard to tune my guitar but was not successful, either tone deaf ako or nagmamarunong lang, tunog lata pa din, bummer!

01-27-11

10:00 am

– napansin kong mukha akong eyebags na tinubuan ng mukha at katawan, kailangang bumawi ng tulog

p.s.

ang mga nakasulat dito ay hango sa bagong bago kong planner (my green book) sa sunod na ung picture nya😛

7 thoughts on “archives for the past few days

  1. narsmanang says:

    masarap talaga kapag may journal, naitatala (naitatala? hahaha) mo ang nangyayari sa buhay mo. kaya nga alam natin ang happenings sa buhay ni Rizal kasi mahilig siyang masulat sa journal niya. wala lang.🙂

    maraming maraming maraming salamat sa pagdalaw niyo, sa uulitin. labs you tol.

    • aubu22 says:

      tamaaa!!! naks, lalo ko magsisipag magsulat sa planner/journal ko nyan,😛

      maraming maraming walang anuman, hanggang sa muli, wahaha, labs u din tol!

  2. duking says:

    wow. talagang yung iba may mga oras tas yung iba parang highlights na lang ng araw.

    ok din naman ang may journal. para you have something to look back happy or sad, sa ibang araw na ikaw ay sad or happy….hahaha! ang gulo ko!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s