Akyat sa Mt. Pulag


Wala talaga sa plano ko ang sumamang umakyat ng Mt.Pulag sa Journey for a Cause matapos ang nakakapagod na pagakyat namin sa Mt. Pinatubo nung nakaraang Enero.

Sabi ko sa sarili ko, hindi muna ako tatapak ng kahit anung bundok dahil sa sobrang sakit ng katawan na inabot ko.

Pero dahil malungkot ako nung mga nakaraang linggo bago ung petsa (ika-24-46 ng Pebrero) na itinakda ng pag-akyat sa Mt. Pulag, napagtripan kong sumama. Naisip ko, a breath of fresh air is all I need for this sadness to pass. (nakanaks, hehe). In addition to that, may basbas ng aking inang mother at fairy god mother auntie. >:)

Ang mga bida sa pag-akyat sa Mt. Pulag ay ang mga sumusunod:

  • JC from Itchy Feet Wanderings group
  • AI from Journey for a cause/WHO
  • Kuya Jimmy, Kuya Jepa, Ate Jing at Heidi from kapit-bahay na department
  • Ate Cha at Ate Jelyn from isa pang kapit-bahay na department
  • at AuBu (ako na saling pusa, wahaha)

Kasabay kong pumunta ng Victory Liner sila ate Cha, ate Jelyn, ate Jing at kuya Jimmy. Literal na hinahabol na namin ung bus pagdating ng terminal sa cubao dahil paalis na ito. Nagtaxi kasi kami mula RCBC eh mga 9:40 ata kami nakasakay tapos ung alis nung bus 10:10 tapos sakto natapat na isasara na nung mga time na un ung ayala para sa EDSA celebration. Buti na lang si manong taxi driver, maparaan, pwedeng pangdrag race at sa tulong nya nakahabol kami sa bus kundi nalate talaga kami (parang may kahawig na eksena ito, haha)

Pagsakay ng bus, nagkwentuhan lang kami ng konti at nagsitulugan na. Sa mga stop-overs, gigising saglit para mag-CR or bumili ng pagkaing mangunguya,

Mabilis lang ung byahe namin, siguro mga 3:30 asa Baguio na kami. Halimaw ung lamig na sumalubong samin dun kaya kumpol-kumpol muna kagad kami habang nag-aantay sa sundo.

Nung dumating ung sundo namin, dumirecho kami sa Good Taste restaurant para mag-agahan at bumili na din ng tanghaliang babaunin pa Ranger Station ng Mt. Pulag.

Umorder kami ng madaming pagkain. 2 bandehadong kanin (as in madaming kanin), beef broccoli, buttered garlic chicken or garlic buttered (basta chicken na may butter at garlic), chopsuey at sweet and sour pork.

Madami ung servings sa resto na un at ang totoo nyan, sa sobrang dami, gusto ko pang kumuha ng madami pero dahil inaalala ko ang aking tyan, nagkasya na ako dito.

At dagdag na kanin at onting ulam after ng serving na ito, haha

Pagkatapos naming mag-agahan, sinabihan na kaming magbawas ng kung anumang babawasin namin. Madaming successful pero ako, walang nabawas, Isip-isip ko bahala na si batman, sabi nga nung sa lumang commercial ng joy (sa bukid walang papel, ikiskis mo sa pilapil). Ang kaso lang hindi bukid ung pupuntahan namin kundi bundok. >:)

Nung matapos na ang aming mga ritwal, sumakay na kami kay Lost in Love. Teka, bago mahuli ang lahat, ipinapakilala ko si Lost in Love. Charan!

Hindi na ako aware sa time nung sumakay kami kay Lost in Love, basta alam ko umaga na nun, este maliwanag na nung papunta na kaming Benguet. Hindi ko din pansin kung gaano katagal ung byahe, nabusy ako sa mga nakikita ko sa daan, feeling ko nasa ituktok ako ng mundo ung kalsadang dinadaanan ni Lost in Love. At sa sobrang busy ko ndi na din ako nakakuha ng mga pictures sa daan.

Ang alam ko talaga derecho kami sa ranger station. Yun pala dun muna sa Protected Area Office ng Mt.Pulag  kasi magoorientation pa kami for the do’s and don’t sa pag-akyat ng Mt. Pulag tsaka magreregister ng trek group. Ung nag-orient samin si Ma’am Emerita (nakalimutan ko na ung apelyido kasi 2 ung apelyidong binanggit nya, ung sa pagkadalaga at ung may asawa. Natandaan ko sa kanya naasar siya dun sa apelyido ng asawa nya. Aun. Ang natatandaan ko sa orientation, bawal hawakan ang mga vegetation. Bawal ang maghagis ng kung anu-anong buto ng kung anung halaman dun kasi masisira ung homeostasis ng lugar. May term na ginamit si Ma’am Emerita eh, genetic erosion ata, basta parang ganun. Bawal din daw ung sumigaw kasi makakaistorbo kami sa mga spirit/anito ng Mt.Pulag. Bawal gumawa ng kahalayan. Sabi Ma’am Emerita, kung magjowa daw sa loob ng tent gumawa ng milagro dahil di pwede sa labas. hehe, tamang adik lang.

Nung matapos ung orientation, sumakay na ulit kami kay Lost in Love tapos naglakbay paRanger Station. Buong akala namin malapit na malayo pa pala. Mga hapit lang. Halimaw ung daan papuntang Ranger Station. Rough Road kung rough road. Ung tipong pati kaluluwa mo maaalog ng bongga. Ilan samin ung nahulog sa upuan kahit nakakapit na sa rail ng jeep. Mas extreme ang rough road na ito kumpara sa dinaanan ng 4×4 sa Mt. Pinatubo. Hindi pa man, masakit na ung mga katawan namin.

Nung dumating kami, kumain kami ng binili naming tanghalian sa Good Taste at nagcr at nagprepare na din for the trek.

Tinapos muna ng bawat isa ang mga ritwal (na naman) bago kami nagsimulang magtrek. Bago magkalimutan, kumuha ang grupo namin ng 2 porter tagabuhat ng tent at mga camping utensils. Si Heidi kumuha ng sariling porter kasi galing pa ng night shift at pagod talaga.

Nung ayos na ang mga buto-buto nagsimula na kaming maglakad papuntang trail. Tapos…

Itutuloy…

Abangan sa susunod kong blog entry ang literal na breath taking trekking, zero degrees temperature overnight at first summit experience namin! Hanggang sa muli!😉

7 thoughts on “Akyat sa Mt. Pulag

  1. Arkhut says:

    waaaaah! heka heka.. napapadalas ang pamumundok mo ah. ikaw na ang pinay version ni dora! bohahaha.

    naiinggit ako. heka, san kayo nakakakuha ng treking sched or some sort of yada yada yada (di ko alam ang itatawag eh. hahaha!).

    aw. inggit ako. pode mo ba ako padalhan nung link about the info nung pag-akyat mo?

    breath taking na. at.. tamang pambitin ang post mo! super like it.🙂

    • aubu22 says:

      hehe, ndi naman maxado, aubu the explorer? pwede, wahaha

      ung organizer ng Journey for a cause na kawork ko ung may mga contacts, penge email add tapos send ko sau ung itinerary na sinend sakin via email,

      haha, ndi naman sadyang binitin, tinamad lang talaga, hehe salamat sa pagdaan!🙂

  2. ajieluz says:

    sabi nila kakaibang buhay daw ang makikita at madadama mo kapag natupad na ang pangarap mong makaakyat ng bundok. Noon pa man pangarap ko na na makaakyat sa kahit isang bundok lang, yung tipong mas mataas ka pa sa ulap, dumating ang panahon na nangyari sa akin iyon, bago ko makarating sa taas hinimatay muna ako sa pagod at lamig sa coldillera, pero totoo nga kakaiba talaga pag nasa taas ka.

    • aubu22 says:

      tama po!kakaiba talaga ang pakiramdam pag asa tuktok ka ng bundok
      pakiramdam mo kaya mo nang gawin lahat
      nakakapagod umakyat pero pag nakarating ka na sa itaas tapos natatanaw mo ung parang buong kalawakan,
      ibang klase,

      salamat po sa pagdaan ^^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s