Akyat sa Mt. Pulag (Part 2)


Oo. Masyadong late na ang part 2 ng Mt. Pulag trip ko.

Pero sabi nga nila, huli man daw at magaling, huli pa din, haha

kinuha ko ang isang paragraph mula sa huli kong blog entry para hindi masira ang koneksyon, (may ganun?)

Tinapos muna ng bawat isa ang mga ritwal (na naman) bago kami nagsimulang magtrek. Bago magkalimutan, kumuha ang grupo namin ng 2 porter tagabuhat ng tent at mga camping utensils. Si Heidi kumuha ng sariling porter kasi galing pa ng night shift at pagod talaga.

Nung ayos na ang mga buto-buto nagsimula na kaming maglakad papuntang trail. Tapos…

Ay teka, nagpapicture muna pala ulit kami bago kami nagsimulang maglakad, hehe.

FYI: ung easiest trail ang tinahak namin paakyat ng Mt.Pulag, ang Ambangeg-route.

At nagsimula na ang madugong lakaran. Pero syempre sa una hindi pa namin ramdam kasi fresh from pahinga at kain kaming lahat.

Pero halimaw ung unang ilang minuto ng pagkahapo (naks, ang lalim) ko. Ung tipong sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko nung mga panahong un, pakiramdam ko asa lalamunan ko na ung puso ko at anytime, iluluwa ko na sya sa sobrang pagod. Sabi ni AI, nag-aadjust pa lang daw kasi ung katawan ko kasi hindi naman sanay sa strenous activities.

Kasabay nang lakad ay ang pag-iinterview namin kay ateng porter. Nalaman namin na 2 ang camp site sa Ambangeg route. Dun kami sa may camp site na mas malapit sa pag-akyat sa summit. Kung hindi ako nagkakamali, mga 2.5 hours ata naming nilakad ung pacamp1. Grabe ung saya ko nung maabot namin ung camp 1, parang gusto ko nga dun na lang ako eh, haha

Nung makarating kami sa camp 1, naupo muna kami at nagpahinga ng bongga, buti na lang may parang kubo dun na may upuan at mesa. Nagrecharge muna kaming lahat, kwentuhan at picture taking.

matapos ang ilang minuto ng pahinga, rumampa na kami ulit sa dako pa roon..

Nung paakyat na kami sa camp 2, pakiramdam ko asa ibang dimensyon na ako (dimensyon talaga?haha) Parang papunta ako sa isang fantasy land kung saan may makikita akong mga duwende, diwata at kung anu pang lamang-lupa or maligno. Masyado na kasing mahamog paakyat tapos ung mga puno at halaman parang sa pelikula ung dating. Fortunately, nakarating na kami sa camp site 2, wala naman akong nakitang maligno, hehe

At nakarating din kami, grabeng pagod pero fulfilling dun pa lang, kasi sa panahon na umaakyat kami, halimaw na ung pagod ko. Ngani-ngani kong batukan ung sarili ko dahil pinapagod ko nga ng bongga ang katawan ko. Ung unang lagok ko ng tubig nung nakapahinga kami pagdating ay masasabi kong heaven, haha. Pakonti-konti lang kasi ung inom ko ng tubig nung paakyat kasi pakiramdam ko lalo akong napapagod.

Naupo muna kami saglit sa damuhan at nagpahinga, ilang sandali, inihanda na namin ung mga tent na tutulugan namin.

Perstaym kong magcamping at tumulong sa pag-seset up ng tent. Nung elementary kasi tsaka highschool hindi ako pinapayagan sa mga jamboree. Kaya kahit nagalusan ung kamay at daliri ko sa akyat naming ito, naging masaya ako.😀

Mga 5pm ata or mag 6pm nagsilatag na kami, pero kumain muna kami bago un,pero sa sobrang lamig, 9pm pa lang gising na kami, sa totoo lang, wala ata kahit sino samin ang may matinong tulog, pabiling-biling at pagising-gising kami, yun ang pinakamahabang gabi ng buhay ko. Nagkuwentuhan na kami ng nakakatakot at kung ano-ano pa. Parang may nagparamdam pa nga samin eh.

Pinilit na lang naming matulog kahit sobrang hirap. Partida, uminom pa kami ng the bar pero wa epek, nanunuod talaga ung lamig, tagos sa buto. At sa wakas, dumating na ang umaga..

next post ulit (haha, abangan, baka sa sunod na buwan na yun)

9 thoughts on “Akyat sa Mt. Pulag (Part 2)

  1. hitokirihoshi jr. says:

    taray! at ang saya-saya first time ko atang nadama sa pagbabasa ang saya sa pamumundok. pero napagod din ako nung napagod ka. hehehe

    paano yan pag naiihi ka? yun daw ang inalala ko.

    hay siguro lakaran na mahaba sa patag kaya ko pero yung paakyat sa bundok. medyo madaming the bar ang kailangan ko pang tunggain. hehehe

    mabuhay!

    • aubu22 says:

      wahaha, salamat at napagod ka

      meron cr pero dun sa camp site 2 un, pigil-pigil, haha

      bawal ang may tama pag paakyat, gugulong ka ng wala sa panahon, hehehe😛

      salamat sa muling pagdaan hitokirihoshi jr! >:)

  2. goldi says:

    Hi Aubrey,

    I was looking for some kind of blog or review about Islander Sandals/flipflops used for trekking/hiking and your post was the closest I got. Gusto ko lang sana tanungin kung kumusta naman ang Islander pagdating sa trekking/hiking? Pupunta kasi kaming Sagada and I want to know if this would be enough kasi ayoko ng shape ng tribu at sandugo, at iba pang trekking sandals/tsinelas. For some reason, I don’t find it comfortable kahit pa sinasabi nilang made for trekking ang mga yun. Ayoko din naman ng shoes dahil masmasakit sa paa for me kasi nililimitahan nya yung galaw ng paa at bukod pa dun, baho na din ng paa mo kung mahaba at mainit na lakaran ang pag-uusapan. So I’d really appreciate your feedback. We’re going there ng husband ko by the first week of December. Thanks! God bless. -goldi

    • aubu22 says:

      Hello Ms. Goldi,

      Thanks po sa pagbisita ng blog ko, hehe. As for my feedback,okay naman po gamitin ung islander sa pagtrek para sakin, hindi ko po naexperience madulas nung ginamit ko to nung sa mt.pinatubo trek ko kahit smooth ung soles compare sa ibang mga trekking sandals. Medyo sumakit po ung paa ko kasi mabato po dun sa Mt. Pinatibo at dahil open sandals pumapasok sa ilalim ng paa ung mga maliliit na bato. Pero kung sa sagada naman po ang punta nyo, I think Islander sandals would be just fine. Magaan siya dalhin sa paa at mas mura ng di hamak sa ibang brand. Ayun po. You’re welcome and God bless as well po.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s