tax fcuk you!


nagdaan na naman ang araw ng sweldo
at nang makita ko ang payslip ko
ang nasabi ko na lang sa utak ko ay
tax, fcuk you!
hindi naman sa palamura akong nilalang
pero nakakaasar lang talaga
alam nyo bang ung over time at night differential pay ko ay sa tax lang napunta
kulang pa un
======
hindi ko matandaan kung anung buwan ko nakuha ung copy ko ng annual income tax cert galing sa hr namin
sa totoo lang, nakaraming beses akong sinendan ng email ng hr bago ko nakuha un
nakakatamad kasi, sabi nga nung mga opismeyt ko walang interesante sa pagkuha ng annual income tax cert
buti pa sana kung sinabi nilang gift certificate ung kukuhain edi mabilis pa sa alaskwatro, naubos na un panigurado

isang nakakatuwang reaksyon na nakwento lang sakin
opismeyt1: wow, dre, ang laki ng annual income tax ko
opismeyt2: aba, ang galing ano po,
opisymeyt: biruin mo un, nakapagdonate na ako ng 1 waiting shed sa Pinas
opismeyt2: ang yaman mo dre, ay ako din pala, ang yaman natin

dumating ang panahon na sinipag akong kuhain ang certificate ko,
napundi din ako sa wakas sa mga email na paulit-ulit sinend sakin para kuhain ung napakaimportanteng income taxt cert
naglakad na ako pabalik sa station pagkakuha nun
at nung titingnan ko na habang naglalakad ung cert ko, may narinig akong boses na nagsabing “Don’t look at it”
hinanap ko ang pinagmulan ng boses at ung department manager pala namin ung nagsabi,
natawa tuloy ako, kahit siya mukang frustrated sa pagkuha ng income tax certificate

isipin mo, kung naibabalik sana talaga annually ung tax na kinakaltas sa lahat ng empleyado buwan-buwan
edi may eksena man lang sa isang buong taon ko na sasabihin ko sa sarili ko
habang tinitingann ang pay slip ko na
“shit! ang yaman-yaman ko, pano ko kaya gagastusin to?”

11 thoughts on “tax fcuk you!

  1. gelat says:

    haha! ansarap nung ganun aubu! ‘shet panoko gagastusin tong naguumapaw na sweldo ko!’ haha! bwisit na tax yan.. pati samin din sa business eh laking bagay ng lechugas na nababawas dahil sa tax na yan.

  2. narsmanang says:

    isipin mo tol, napag-aaral mo ang mga iskolar ng bayan, nabibgyan mo ng pagkain ang mga mahihirap, naks. kasabay noon, nabibigyan mo ng kotse, allowance at mansyon ang mga pulitikong nagbubulso.🙂

    • aubu22 says:

      wahaha, mas gusto ko ung una, feeling mayaman, may paaral na iskolar!
      sakit sa bangs na sa mga buwaya lang napupunta ang tax na kinakaltas sa mga manggagawa >:!

    • aubu22 says:

      sabagay pero nagtataka lang ako, sa ibang bansa gaya ng saudi wala namang tax pero meron silang sementadong daan at maaayos na kalsada,

      pero sabagay din 3rd world country nga pala tayo. Alam ko namang may pinatutunguhan ung ibang parte ng tax ko, ung ibang pinatutunguhan lang talaga ung hindi ko gusto, i.e. corruption, peace din >:)

  3. myfilthyroom says:

    well sana nga sa mabuting bagay npupunta lahat ng tax na kino-collect nila. hnd lng basta sa bulsa ng kung sino.😀

    • aubu22 says:

      sana talaga po, siguro may parte sa tax natin na napupunta talaga sa magandang bagay, ung iba nga lang derecho siguro sa bulsa ng korap na opisyal,

      salamat po sa pagdaan, >:)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s