time space warp ngayon din


kasabay ng pagbabalik-tanaw ninyo sa nakaraan ay ang mga pagkakataong mapapangiti kayo dahil sa isang kakatwang alaala
ang mga nakaw na sandali kung kailan madidinig ang inyong halakhak sa bawat sulok ng inyong tahanan
babalikan nyo ang eksatong senaryo kung kailan nabuo ang alaalang nagpapangiti sa inyo ngayon.
subalit kasabay ng pagbabalik nyo sa nagdaang pahina ng inyong libro
ay ang madilim na bahagi na pilit nyo mang takasan ay paulit-ulit na sasaliw sa inyong balintataw anumang oras nito ibigin
sa isang kisap-mata, naglakad pabalik ang karamihan at umikot pabalik ang orasan

natagpuan ninyo ang sarili sa apat na sulok ng inyong silid at dinig nyo pa rin ang ungol ng isang kaluluwang naninimdim
habang paulit-ulit na pinapatay ng salarin ang kanyang espirito sa mahahayap na salita
ay siyang pagkumpas ng kamao na animo’y isang pinsel na abala sa kanyang karima-rimarim na sining
sigid hanggang buto ang pangambang dulot sa mga anghel
ilang sandali pa’y tumila ang unos at pumailanlang ang katahimikan
makakatulog na sila ngunit batid nilang hindi ito ang una at hindi rin ito ang huli
sasapit ang kinabukasan at masisilayan nila ang kaakit-akit na sining na gawa ng matalim na pinsel
may kulay-dugo, lilak, bughaw at luntian, tunay na isang makulay na katha
gawa ng ng isang malikhaing alibugha

punyeta! caramba! dumadagundong ang boses ng doble karang hari
animo pyesa ng ahedres gumalaw ang mga paslit
ipaghanda nyo ako ang makakain! hik,
wala kayong kwentang mga anak! para kayong de-susing robot!hik
wala ni isa sa kanila ang nagtangkang sumagot sa takot
piping pagtutol lamang ang dumungaw sa kanilang mga mata

sa bawat maliit na pagkakamali, mabigat ang parusang nag-aabang
pakunswelo na lang ang kanyang cariño matapos ang brutal na pagdaraanan
nawala ang bola ng bunso, hagupit ng bakal na sinturon sa binti
nalagyan ng perdible ang gulong ng bisikleta, mata lang ang walang latay sa nagkasala
nabasag ang itlog habang naghahanda ng agahan, mahigpit na hawak sa may tagiliran sabay hagis sa kung saan, animo isa kang manikang basahan
nakagat ng aso ang zero sa limampung piso pambili ng markang demonyo, bali sa kanang hita dulot ng dos por dos ang premyo
anak ay may trangkaso pero suntok at sampal ang ginamot lalo at busog sa alak ang kanyang espirito
naglayas ang ikalawang anak, gulpi de gulat sa nanay at panganay
hindi napansin ng bunso na bukas ang shutter ng tindahan, bugbog-sarado ang inabot nito

maswerte kayo at may nagisnan kayong ama, ako wala,
utang nyo sakin kung bat andito kayo
mabuti pang pinatay ko nalang kayo noon, edi sana may mayaman na ako
para bagang utang na loob ng mga bata sa kaniya ang buhay na tangan nila
kung nalalalaman lamang nya na hindi naman nila pinangarap mabuhay na siya ang ama
paulit-ulit na drama at litanya,
nakakarindi, nakakaumay, nakakakasuka

paulit-ulit
paulit-ulit
paulit-ulit
paulit-ulit
parang sirang plaka ng isang malagim na pelikula

nakabibinging katahimikan ang namayani sa gitna ng paggunita sa alaala
nang biglang pumailanlang ang saliw ng isang musika
“I want nobody nobody but you” tsen tsen”
“I want nobody nobody but you” tsan tsan”
nagkatinginan ang mga magkakapatid,
bumalik ang ulirat sa kasalukuyan at naghalakhakan
natapos ang karimlan subalit ang anino ay nananatiling nariyan

4 thoughts on “time space warp ngayon din

  1. narsmanang says:

    kayo ba ni ate vicky ang nagkkwentuhan nito? uhm,atleast may mabait na ina ang mga batang anghel at may mga mabubuting mga tiyahin. at syempre pa may mga bonggang kaibigan ang pangapat na anak, may second family pa siya dahil sa boypren niya.

    • aubu22 says:

      hehe, tumpak!basta magkakasama kami napagkukwentuhan namin ang masalimuot naming buhay, tapos afterwards bonggang tawanan,

      tama ka dyan tol! kaya nga labs na labs ko kayo eh,😛

  2. duking says:

    ilang beses ko na rin nabasa ang ilan pa sa mga post mo ukol sa kanya. so far, ito na yata yung pinaka grapikal na paglalarawan mo sa salita. nalungkot ako. sana mapalaya mo ang malulungkot na ala-ala sa pamamagitan ng pagpapatawad gayundin naman, makita sana niya ang kahalagahan mo, ninyo at matutunan niyang tapatan iyon ng pag-ibig at pagpapahalaga.

    ingat lagi, aubz.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s