ang babaeng nabiktima ng shotgun wedding sa aking panaginip


Sanay na akong nanaginip ng kung ano-anong kawirduhan. Sabi ng ate ko malikot daw kasi ang imahinasyon ko.
Kanina lang, napanaginipan ko na ikinakasal ako sa isang malaking simbahan. Pero hindi ko nakita ung mukha ng mapapangasawa ko.
Tapos nung matapos ung kasal, malungkot daw ako na naiiyak. Sabi ko daw sa sarili ko, ba’t ba ako nagpakasal kagad? I haven’t realized my dreams and what if it doesn’t work out? (oo, umienglish ako sa panaginip ko) Lumipas daw ung ilang araw, may kakilala daw ako na hindi ko matandaan ung mukha na nagtanong sakin, sabi “Aubrey, balita ko ikinasal ka na daw ah”. Tapos sabi ko daw, ako? Hindi pa kaya, akala mo lang un. Tapos nagising na ako.

Hanggang ngayon, nawiwirduhan ako kung bakit ako nanaginip ng ganun. Naisip ko baka kasi tumatak sa subconscious mind ko ung ikinwento ni hawie (ang prodigal housemate namin sa bahay ni tito) na napanaginipan daw nya na ikinakasal ako. Ang kaso sa panaginip nya, ako nga daw ung ikinakasal pero si maida na kapatid ng boypren ko ung may tiara at belo. Sabi ni hawie, hindi naman daw nya kami iniisip nitong mga nakaraang araw kaya hindi din nya maintindihan kung bakit siya nanaginip ng ganun.

Naikwento ko kay ate ching ung panaginip ko, sabi nya, mag-iingat daw ako, baka mapikot ako ng wala sa panahon ng ibang lalake maliban sa labiduds ko. Naisip ko, WTH! Sino naman ang pipikot sakin? Sakit sa bangs, hahaha. Hindi pa ako nakarinig na babaeng pinikot para maikasal. Arranged marriage pamilyar ako pero hindi naman kami Chinese na may ganung tradisyon at hindi rin myembro ng alta-sosyedad para ipagkasundo. Simpleng tao lang kami. Kaya sumasakit talaga ung noo kong malapad sa pag-iisip.

Dahil wala akong masyado pang ginagawa, hinalukay ko ung forwarded emails sakin. Naalala ko kasing may ifinorward na dream interpretation file ung isa kong opismeyt dati. Hinanap ko ung ibig sabihin kapag nanaginip ka na you’re being forced into wedlock. According dun sa dream interpretation, to dream that you are forced into wedlock, foretells that you will be forced into a disagreeable situation and to dream that you are dissatisfied with your wedlock, foretells tendencies toward illicit behavior.

Hmmm. Anu kayang disagreeable situation un. Lalo lang sumakit utak ko. >)

10 thoughts on “ang babaeng nabiktima ng shotgun wedding sa aking panaginip

  1. narsmanang says:

    di ba nanaginip ako ng weird tungkol kay dina bonnevie at john lapuz, ngayon naman nanaginip naman ako ng mas weird, nasa home along da riles daw ako. kumpleto ang cast, sila dolphy, nova villa, mga anak ni dolphy pati si babalu. ang weird ng mga panaginip….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s