knock-knock, pick-up lines, to do list at 20 questions


Hindi lang halata pero mababaw akong tao. Tumatawa ako sa pinakakorning jokes at pinakasimpleng punch lines basta patok sakin at naintindihan ko (minsan kasi mabagal ang radar ko).
Dahil wala akong magawa sa buhay nagkalkal na naman ako ng mga lumang forwarded emails. Nakakita ako ng knock-knock jokes at mga pick up lines. Para lang akong timang, tawa ako ng tawa sa station ko pero para hindi naman masaydong halata ung kapraningan ko, kunwari nauubo lang ako,

Heto ang mga sampol ng mga knock-knock jokes na nahalungkat ko. Mula sa mga bato, pagkain at mga artista nakagawa sila ng knock knock jokes. Kulit lang, hehe

Knock knock!
Who’s there?
Ang English ng bato ay stones!
Ang English ng bato ay stones who?
Stones, ang English ng bato ay stones (in the tune of Pyramid by Charice)

Knock knock!
Who’s there?
Saging, Banana cue!
Saging, Banana cue who?
Akala ko ikaw ay saging, Banana cue sa aking paningin (in the tune of luha by Aegis)

Knock knock!
Who’s there?
Dina Bonevie Gary V!
Dina Bonevie Gary V who?
Dina Bonevie my lover, you Gary V with my friends (in the tune of If you wanna be my lover by Spice Girls)

Meron ding mga pamatay na banat mapa para sa babae man alalake

Eh ano kung madaming babae sa mundo? Basta ako lang ang nag-iisang babae sa puso mo, solve na ako (ayihee)

Alam mo, ang ingay mo! At sa sobrang ingay mo, gusto kong takpan yang bibig mo…ng labi ko (ikaw na, haha)

Bastos ka din no? Hindi ka man lang kumakatok, tuloy-tuloy kang pumasok sa puso ko! (hehe, baka walang preno!)

I always look at your boobs because I know that behind them lies your heart. (simpleng manyak lang, haha)

Bagyo ka ba? Kasi the moment you left my area of responsibility, you left my heart in a state of calamity. (usapang bagyo na ito, hehe)

Meron ding mga list akong nahalukay na pwede mong gawin pag borlogs ka na sa buhay mo

TIRED OF YOUR EVERYDAY ROUTINE? Here are five new things to do:

1. Sikmuraan ang unang taong makasalubong at humingi ng sorry.
2. Uminom ng pampatulog at labanan ito. Mag-exercise.
3. Tibagin ang bahay at buuing muli.
4. Himatayin kunwari sa daan. Tiyaking may tao.
5. Tahiin ang puwet at magpatingin sa doktor.

Sakit sa bangs, haha, ako na ang walang magawa.

At meron din akong nahalungkat na 1 act play entitled 20 questions (hindi ko na ipopost ung buong kwento, ung mga tanong na lang)
Kung sakaling mastranded kayo sa isang island kasama ng isang gwapo o magandang stranger (kung sinwerte kayo), pwede nyong itanong ito sa isa’t isa. Yan ang kung malakas ang loob nyong itanong ang mga sumusunod.

1. Ano ang greatest frustration mo sa buhay?
2. Did you ever have doubts about your sexuality?
3. How do you see yourself five years from now?
4. Who was your first crush?
5. How was your first kiss like?
6. What was the naughtiest thing you ever did?
7. Are you still a virgin?
8. How do you see virginity?
9. Is making love to you equal to love?
10. With whom would you want to experience it?
11. Tell me something…a secret. Yung wala kahit isang nakakaalam.
12. If you could be something else, what would you be?
13. How do you know if you’re in love? Describe

Paumanhin kung hindi ko kinumpleto ung 20 questions kasi particular ung ibang question sa mismong character sa play so ayun, haha.

7 thoughts on “knock-knock, pick-up lines, to do list at 20 questions

  1. narsmanang says:

    favorite ko yung 20 questions na yan. sobrang ganda. ang galing galing. kung tama ang pagkakaalala ko, ang pinakahuling salita sa one-act play na yan ay — dilim.🙂

  2. duking says:

    kapag sobrang busy sa work, yan din yung mga emails na inaabangan ko sa mga workmates ko. sa ordinaryong araw, iniisip ko na mga wala silang magawa kaya nagpapakalat ng mga ganung emails. saka ko na realize na ginagawa pala nila yun para malibang ako at tularan ang ginagawa nila.hahaha!

    ‘how do you see virginity?’

    yan ang tanong na lumito sa kamalayan ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s