thoughts about morning shift and honesty


**morning shift**

Why I love morning shift
– pang-normal na tao ang iskedyul
– nakakatulog sa gabi ng mapayapa
– nakakanuod ako ng gusto kong palabas sa TV pag gabi

Why I hate morning shift
– masarap matulog at nakakatamad gumising ng maaga
– walang night diff
– dahil kasabay mo ang mga normal na tao, kasabay mo din silang maghihirap sa rush hour pagpasok at pag-uwi

**honesty**

Kanina sumakay ako ng bus papasok ng opis, inaabot ko ung pamasahe ko sa kunduktor nung matapat siya sa upuan ko,
Kinalabit ko pa nga siya pero hindi niya ako pinansin so inisip ko baka may strategy siya sa paniningil
Inaantay ko siyang umikot ulit sa bus para magtanong at maningil ng hindi pa nagbabayad pero hindi nya ginawa.
Gusto ko siyang lapitan pero hindi kaya dahil parang sardinas sa bus at pag tumayo ako may uupo sa upuan ko
Hanggang sa dumating na sa lugar na bababaan ko, lumapit na ako kagad sa kunduktor at nagbayad.

Ako: Manong bayad ko po, hindi pa po ako nagbabayad, hindi niyo po kasi ako pinapansin kanina
Kunduktor: Ano ba yan, hindi pa kasi nagbayad kanina eh.
Ako: Nagbabayad po kaya ako kanina pero hindi nyo naman ako pinansin.
Kunduktor: tsk, tsk

Dahil ako ung huling bumaba, ung drayber naman nagparinig nung pababa na ako
ambagal ko daw kesyo bakit daw kasi hindi ako nagbayad kanina ng maaga,

Gusto ko sanang balikan at ulitin ung sinabi ko sa kunduktor tapos idagdag na dapat nga magpasalamat sila sa akin dahil tapat akong nagbayad ng pamasahe
Sa kasamaang-palad, hindi ko na yun nagawa dahil mabilis na humarurot ung bus
Tsaka naisip ko, sayang ang oras eh nagmamaaga pa naman ako sa opis para makauwi din ng maaga

Hindi ko maintindihan minsan ang ibang mga tao, pag dishonest ka, masama ka tapos magagalit pa sila sayo
Pero pag honest ka naman masama ka pa din tapos magagalit pa din sila, san mo ilalagay ang sarili mo aber?

Pero sabi nga sa isang tula na nabasa ko,
ang mga tao ay karaniwang wala sa katwiran, makasarili at hindi matuwid subalit patawarin mo pa din sila
Banal na banal lang eh noh pero may point ung gumawa ng tula

At dahil diyan eto ang masasabi ko 2 manong na nagkasala sakin,

Dear Manong Drayber at Manong Kunduktor,

Una sa lahat, nakakaasar po talaga ung ginawa nyo sakin
Pero wag po kayong mag-alala dahil pinapatawad ko na kayo
Pero mag-iingat po kayo kasi doble ung balik ng karma,

Lubos na gumagalang,
AuBu

13 thoughts on “thoughts about morning shift and honesty

  1. Rho says:

    I have to be honest night shift kasi ako sa trabaho so hindi ko na nararanasan ung rush hour sa umaga. I leave home for work without the sun above and I go home from work still without the sun above.
    As a small protest if you remember the bus name pwede mo na hindi sakyan un again. Unless ma-la-late ka na. Anyway if it happened to me it would have been a bad way to start a day.

    • aubu22 says:

      dati akong night shift pero nalipat ng morning shift forever, gone are the nights na aalog-alog ako sa buss kasi onti lang ang pasahero, haha

      ang problema hindi ko na matandaan ang buss name, tama! badtrip tlaga ang simula pero nakamove on na ako kagad after ko maiblog, charge it to experience na lang.🙂

  2. myfilthyroom says:

    hahaha.. kung ako nsa position mo, baka ginulpi ko na yung dalawang yan.. o kaya i-flat ko nlng yung gulong ng sasakyan nila.. hahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s